Chapter 32-edited

1.6K 82 5
                                    

KINABUKASAN

THERA POV.

nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking balat, bumangon ako sabay kusot sa mga mata ko at nag-unat ng kawatan.

Tumingin naman ako sa bintana, " Tanghali na ako nagising, dahil siguro napagod ako kahapon." Sabi ko sa aking sarili at humikab sandali.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon, nakita ko si Ate Alyana na pumasok.

"Gising ka na pala, sakto hinihintay ka ng iyong sa hapagkainan." Nakangiting usal sa akin ni Ate Alyana.

Bumaba ako sa higaan ko at nakangiting lumapit kay Ate Alyana, " Handa na po ako mag-ayos Ate gusto ko ng makita si Dada, hindi ko siya nakausap nung pag-uwi ko kahapon dahil sa pagod. " Nakangiting wika ko sa kaniya.

"Oh siya sige, batid kong nanabik ka nang makasama muli ang iyong Ama." Nakangiti ring wika sa akin ni Ate Alyana sabay kurot sa aking pisnge.

Inalalayan naman niya akong pumasok sa saliri kong paliguan, sinubad ko ang anumang saplot na bumabalot sa aking katawan at nilubog na aking sarili sa bathtub, sinimulan namang kuskusin ni Ate Alyana ang aking balat.

"Alam mo bang pinuntahan ka ng iyong Ama kagabi kahit ikaw ay mahimbing ng natutulog na sa iyong kama Thera. " Sabi ni Ate Alyana habang shina-shampoo ang aking buhok.

Napasinghap naman akong tumingin kay Ate Alyana, " Edi nalaman po ni Dada na humihilik ako? " Inosente kong tanong sa kaniya.

Napatawa naman siya sa aking naging tanong sa kaniya, " Hindi Thera dahil tahimik ka lamang matulog."

Pinalobo ko naman ang aking pisnge habang nakatingin sa kaniya, " ngunit pagod ako kahapon Ate, tiyak na maingay ako matulog."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko, "Totoo ang sinasabi ko Thera, kahit naman na maingay ka matulog ay kyut ka pa rin naman matulog." Sabi niya sa akin na may pang-asar sa mga huling salita na kaniyang sinabi sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil binuhusan niya ako ng tubig para mabanlawan ang buhok ko kasama na ang aking kawatan.

Pagkatapos niya akong buhusan ng paulit ulit at masigurado na malinis na ako ay binuhat niya ako at kinuha ang mahabang tela na nagsisilbing tuwalya sabay punas at binalot sa akin ang tela.

Lumabas na kami dalawa sa sarili kong paliguan sunod ay pinaupo niya paharap sa salamin, kinuha niya ang susuotin kong damit at pinasuot sa akin. Pagkatapos kong isuot ang damit ko, sinuklayan niya ang buhok ko at inayos ito.

Pagkatapos niya akong ayusan ay pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin, hindi ko mapagkailang nagtataglay nga ako ng gandahan.

"Ang ganda mo Thera. " Pagpuri sa akin ni Ate Alyana na kinapula ko naman.

"Salamat po." Nahihiyang ani ko sa kaniya.

Humarap ako kay Ate Alyana at hinawakan ang kaniyang isang kamay, "Tara na po baka naiinip na si Dada sa kakahintay sa atin. "Pag-aya ko sa kaniya kaya agad kaming lumabas sa aking silid at tinahak ang daan patungo sa silid ng pagkainan.

Pagkarating namin naabutan ko si Dada na nakangiting nakatingin sa direksyon ko, hindi ko naman inaasahan na makita ang ika apat, ika lima at bunsong prinsipe nahagip naman ng aking paningin si Azelo na nakangiting nakatingin sa aking pwesto.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanilang lahat, "Good morning. " bati ko sa kanilang lahat at saka ako lumapit sa pwesto ni Dada upang mahalikan siya sa pisnge at maupo sa katabi niyang upuan.

Pagkaupo ko ay tumingin sa kanila isa isa,  "Pasensya na kung nahuli na po ako ng gising." Paghingi ko ng pasensya sa kanila.

Hinawakan naman ni Dada ang kamay ko na nasa lamesa, "Ayos lang Prinsesa, ang mahalaga ay nakapag pahinga ka ng husto." Sabi sa akin ni Dada at ngumiti sa akin.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon