Chapter 29-edited

1.6K 82 7
                                    


GENERAL DALE POV.

"Master, nandito na po tayo." Rinig sabi ng isa sa mga Butler na sinama ko.

Binuhat ko si Thera at lumabas, pagkalabas ay nakaayos ang mga kawal na pinadala ni Leon at may mga maids na dumating para salubongin kami.

Tinignan ko naman si Thera na inaantok, "Ipagkakatiwala na kita sa mga maids Princess, kailangan ko pang puntahan ang iyong Ama.....magpahinga ka na tiyak ako na napagod ka." Sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo.

Nilapitan ko naman ang maid na kasa kasama niya at binigay siya sa kaniya.

"Ikaw na bahala sa kaniya." Bili ko sa maid ni Thera.

Tumango naman ito sa akin, "Masusunod po." Ani 'ya na may paggalang at umalis na habang buhat buhat si Thera sumunod naman ang ibang katulong sa kaniya.

Pagkaalis nila ay siya namang paglapit sa akin ni Regi, "Nasaan si Leon?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa kaniyang opisina daw ang General, Master. " Sagot nito sa akin.

Agad ko namang tinahak ang daan patungo sa opisina ni Leon kasama ang Butler ko na si Regi.








BUTLER SEN POV

Patuloy pa rin ang pabalik balik na paglalakad ni Leon sa loob nitong kaniyang opisina habang hindi pa rin natigil sa pagsasalita.

"Hindi ko dapat pinagkatiwala ang Prinsesa ko sa kaniya."

"Sa susunod hindi na ito mauulit pa, hindi ko na iiwan sa Dale na iyon ang anak ko."

"Ahh, Master? Hindi ba kayo napapagod sa inyong ginagawa?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kaniya, napatingin naman siya sa akin agad ngunit tinapunan lang ako ng masama niyang tingin at agad na bumalik sa dati.

"Napaka tagal nila, susunduin ko sila."Sabi niya.

Bubuksan niya sana ang pinto ngunit may biglang kumatok.

"Ako ito, nandito na kami." Boses ni General Dale mula sa labas ng pinto.

Mabilis akong lumapit sa pinto para buksan ito, pagkabukas ay pumasok si General Dale kasama si Regi na kaniyang Butler.

Agad hinanap ng aking mga mata ang batang kanina pa namin hinanap, ganun din ang taka na nakatingin sa pintuan kung may papasok pa ngunit wala ng sumunod sa kanilang dalawa.

Halata ang kasabikan sa mata ng General, nagbago ito ng lumipas ang ilang sandali ay walang Thera na pumasok sa loob, "Nasaan si Thera? "Seryosong tanong niya kay General Dale.

Sarkastikong tumawa si General Dale upang asarin ito na siya namang ikinainis ni Leon.

"Dale, wala akong panahon na makipag biruan sayo." Walang bahid na emosyon niyang turan kay General Dale.

"Ehemmm"Pagtikhim nito.

"Pinaubaya ko na siya sa kaniyang maid dahil napagod siya sa biyahe." Sabi niya kay Leon.

"Kung ganun bakit ka pa pumarito?" Tanong ni Leon sa kaniya.

"Tungkol kay Thera, alam ko na kung sino ang mga magulang niya at kung sino siya. " Ani ' ya na ikinakuha ng aming atensiyon.

"Kay bilis naman, kakabigay ko lamang kanina ng sulat sa inyo." Pagsingit ko sa kanilang usapan.

"Sa akala ko nga mahihirapan akong malaman ang tungkol kay Thera ngunit may nakapag sabi na sa akin kaagad." Paliwanag niya.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now