Chapter 9-Edited

2.2K 118 2
                                    



THIRD PERSON POV

( A time while Thera and General Leon having a dinner together in the house of Valor.)

Sa isang banda nagmamadaling makarating si Helios sa mazon mansion bakas sa mukha nito ang kagalakan na makita muli si Thera dahil sa loob ng ilang taon na hindi n'ya ito nakita nagkaroon s'yang mission na kailangan n'yang gawin kaya naman hindi na nito nakadalaw pa simula nung araw na una n'yang nakita si Thera sa mansion.

Dala dala nito ang iba't-ibang uri ng pambatang laruan, at ilan pang matatamis na pagkain.

"Sana magustuhan ni lil sis ang dala ko." Nanabik na bigkas niya habang,

Pumunta ito sa lugar kung saan sila nito unang nagkita ngunit hindi nuya uto nahanap ang kan'ya nais na makita muli, dumaretso ito sa silid tulogan ni Thera ngunit bigo itong  makita s'ya.

"Nasaan siya? Bakit parang ang tahimik naman dito at mukhang wala ng tao dito."

Nagsimula na itong makaramdam ng kaba, kaba na hindi na maunawaan ng mabuti.

Palinga linga ito sa loob ng silid, nagbabasakaling makita n'ya ito dahil inaakala nito ay nagtatago lamang si Thera.

"Thera?" Tawag nito habang nililibot ang kan'ya paningin ngunit wala s'yang nakuhang sagot at hindi n'ya ito makita kahit anong gawin n'yang paglilibot sa buong silid ni Thera.

Napatigil lamang ito sa paghahanap ng mahagip ng kan'yang mata ang isang pirasong papel na nasa lamesa na may nakapatong na maliit na kahon.

Ang laman ng liham:

Kuya Helios, Kuya Hans

Kung sino man sa inyo ang unang makakabasa nitong sulat na aking iniwan sa lamesa ng aking silid. Huwag na kayong mag-abalang hanapin ako dahil nag-aaksaya lamang kayo ng oras kung ako ay inyong hahanapin, kung sakali man na hahanapin niyo ako haha.

Sa araw o sa araw na ito ay inyong mabasa marahil ay wala na ako sa mazon mansion ngayon.

Patawad kung hindi ako sa personal na nagpaalam upang ipaalam sa inyo ang aking paglisan sa tahanan kung saan niyo ako inambandona at hinayaang maghirap. May iniwan akong munting kahon, may laman iyan sa loob. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano iyan o kung paano niyo yan gagamitin o pakikinabangan dahil tiyak ako na mag kaalam kayo tungkol sa mga bagay na mayroon ang kahon, magiging madali nalang sa inyo kung paano gamitin ang mga yan.


Yan ang simbolo ng aking pasasalamat dahik hinayaan niyo oa rin akong mabuhay kahit inambandona niyo ako sa palasyong wala kahit ano maliban sa mga katulong na nag-alaga sa akin. Simbolo din ito ng aking pahingi ng kapatawaran dahil tinakasan ko ang kapalaran ko upang baguhin ito, ayaw kong mabuhay sa mundong ito na nakakulong ng habang buhay sa mazon mansion. Nais kong lumabas at makita ang ganda ng mundong ito na pinagkait niyo sa akin ng limang taon.

Sa pamamagitan ng sulat na ito pinapaalam ko sa sayo, sa inyo na dito ko na pinuputol ang ano mang ugnayan at katauhan ko sa inyo, hindi na ako si Thera Howard na kilala niyong inambandona at mamamatay tao dahil ako na si Thera ba pansamantalang ordinaryong tao o bata na mamumuhay sa mundong ito.

Mapait man ang mundong binungad niyo sa akin nung ako ay isinilang ngunit labis akong nagpapasalamat dahil may mga taong tumanggap pa rin sa akin, may kilala na akong taong pupuna sa mga kulang na hindi niyo binigay. Ang taong magbibigay sa akin ng "Pamilya" at "Pagmamahal".


Kung sakali mang pagtatagpuin ang ating mga landas balang araw, nais ko na guwag niyo akong kilalaning Thera Howard. Kilalanin niyo ako sa bago at kinikilala kong totoong pagkatao, pagkikilanlan ko dahil gaya ng aking itinala sa mensaheng ito hindi na ako isang Howard. Hindi na ako si Thera Howard na ang batang inambandona niyo ng mahigit limang taon.




Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal, Thera

PAALAM.



Habang ito ay kan'ya binabasa ay  tumutulo naman ang luha nito, hindi maunawaan ang naghahalong pakiramdam...lungkot, galit, pagsisisi, at pagkadismaya sa sarili.

Ito ay hindi na bago sa kan'ya dahil ito ang pakiramdam nung araw na namatay ang kanilang pinaka mamahal na Ina.

Ang pakiramdam na sakit dahil nawalan ng napaka importanteng tao sa buhay niya.

Ang pakiramdam ng pagsisisi dahil walang nagawang kahit ano upang pigilan ang pagkawala ng mga ito sa kan'yang piling.

Pakiramdam ng pagsisisi at galit dahil isa s'yang walang s'yang kwenta para gampanan ang responsibilidad na dapat hindi na niya kinalimutan.





F L A S H B A C K


"Ina!!" Magiliw na pagtawag ng isang inosenteng batang lalaki sa kan'yang ina.

"Helios" Isang mainit na yakap at halik ang giniwad nito sa isang batang sabik na sabik na makita s'ya.

"Ina, sinamahan ako ni Kuya Hans na mag-aliw sa bayan." Sayang bigkas nito sa kan'yang ina.

"Sa susunod isasama ko ang bunso naming kapatid kapag naipanganak mo na s'ya ina." Sabi nito sa kan'yang ina habang nakangiti, isang ngiting hindi matutumbasan ng kahit ano.

Isang ngiting hindi mo akalain na mapapalitan ng isang malamig na tingin at walang emosyong mukha.

"Anak, Helios nais kong ipangako mo sa akin bilang nakakatandang kapatid na aalalagaan at poprotektahan mo ang nakakabata mong kapatid na babae." Hiling ng kan'yang ina bago pa man dumating ang araw na hindi nila inaasahan.

"Pangako Ina!" Buong pusong pagtanggap nito sa kahilingan ng kan'yang ina.



Hindi inaasahang dumating ang araw na magpapabago sa lahat.

"Kuya? Kuya anong nangyayari?......bakit nagkakagulo ang lahat?" Nag-alalang tanong nito sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Hindi ko alam, mukhang si Ina ang kanilang pinagkakaguluhan."

"S-Si I-Ina?" Utal na tanong niya, nakaramdam siya ng kaba at takot kaya naman tumakbo ito sa silid kung saan nanganganak ang kanilang Ina.

"Helios!"

Pagkarating ng batang si Helios sa silid, gumuho ang mundo nito ng makitang maputla ang kanilang Ina at ang inayak ng ilang katulobg na nasa silid.

"I-Ina?" Tawag niya sa kaniyang ina habang dahan dahan itong lumalapit sa pwesto nito.

"A-Ano p-pong n-nangyayar?" Tanong niya ngunit walang nakakapansin sa kaniya.

Na pa tigil sa kaniyang pwesto nang marinig niya ang mga katagang, "Patawad, Duke, ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya."

"Wala na po ang Duchess, wala na siyang buhay pa." Mga katagang nagpaguho ng kaniyang mundo










Magagawa pa kaya niyang tuparin ang kaniyang ipanangako kong may iba ng gagawa nito?



Thank you for reading ❤️

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now