Chapter 3

15.4K 275 8
                                    

Tiffany felt the sudden leapt of her heart as she saw the man she loved the most gorgeously standing right at the end of stairs waiting for her.
Marahil kung hindi lang siya matatapilok mula sa kinatatayuan hanggang sa unang baitang ng hagdan ay kanina pa siya tumalilis ng takbo pababa at sinugod na ito ng yakap. God! Ganito ba siya nasasabi sa lalaking ito.
Sa mahigit tatlong linggo nilang hindi pagkikita pakiwari niya'y lalong naging kaaya-aya sa kanyang paningin si Lantis.

He seems like a king of all gods and goddessess from ancient mythology that travel in the time just to persuade all women of the current generation. Bagay na bagay dito ang suot nitong polo. Idagdag pa ang matamis na ngiti sa mga labi ng lalaki.

Oh god! Hihimatayin na yata siya sa subrang bilis at dagundong ng pintig ng puso niya habang mataman na nakikipagtitigan dito. Pakiramdam niya'y biglang nanunuyo ang lalamunan niya sa magandang tanawing iyong.

Samantala, lihim na nagpupunyagi ang puso ni Lantis nang makitang suot ni Tiffany ang regalo niyang kuwentas noong kaarawan nito, patunay lang na may simpatiya rin ito sa kanya katulad ng nararamdaman niya para rito.

Tiffany arched her skeptical eyebrow as she reached the man waiting for him. So that's it? Ngiti lang? Hindi man lang ba siya nito hahalikan o yayakapin man lang just to compensate sa pag-alis nito ng walang paalam? Or even to compliment how beautiful she was?

Oh well, sino ba naman siya sa puso ng binata para mag assume?
God, she could even smell his masculine perfume na humalo sa lalaking amoy nito na tila ba nanadyang umikot-ikot at maglaro sa kanyang pang-amoy. She wanted to close her eyes upang lalo itong masamyo. Gusto na rin yata niyang umidlip sa matipuno at malapad nitong dibdib. Nais din niyang magpakulong sa mga bisig nito at damhin ang bahaging iyon ng katawan ni Lantis. Ano kaya ang pakiramdam na mahalin ng gaya ni Lantis?

"You look amazing, hija. At napakaganda mo sa suot mo."bukal sa kalooban na papuri sa kanya ng kanyang ina na mabilis nakalapit sa kanila na siyang napabalik sa kanyang tamang katinuan.

Mabilis na sinaway ni Tiffany ang sarili sa kapilyuhang naglalaro sa kanyang diwa. Anong karapatan niyang mag-isio ng ganon?

"Thank you, Ma. Nagmana lang po sainyo." nakangiting aniya rito ayaw naman niyang mahalata ng mga ito ang pagkainis na bumangon sa dibdib niya.

Mabuti pa ang kanyang ina't napansin ang ganda niya. Aba! Kahit wala na siyang halos oras magpaganda ay sinikap pa rin niyang maging kaakit-akit sa paningin ng lalaking nagyaya sa kanyang lumabas pero ni ho o hi ay wala man lang itong sinasabi.

He was just starring at her na tila ba hinuhubran.
Well, seeing the adoration in his eyes was more than a great compliments at all.

Pero gusto pa rin niyang marinig mula rito na maganda siya mahirap bang bigkasin ang salitang iyan?

"Take good care of our daughter, hijo." bilin pa ng ama ni Tiffany kay Lantis.

"I will, tito."
"Be nice to him, hija." dugtong na saad ng ginang.

Batid kasi nito na parang aso't pusa ang dalawa.
At sa katunayan ay ikinatuwa pa ng mag asawa na lalabas sila ni Lantis upsng magda-date ang mga ito.

"Ma, naman," namumulang naisatinig ni Tiffany.

"Sige na, hijo. Umalis na kayo para hindi kayo masyadong gabihin sa pag-uwi."

"Sige po, tita, tito. We won't be late." si Lantis na mabilis na inalalayan ang dalaga.

"You look gorgeous, Tiff." Pagdaka'y wika ni Lantis. Habang inaalalayan siya nito na tila ba isang mamahaling kristal.

Kung kanina'y grupo ng mga kulisap ang nagsasayawan sa dibdib niya ngayo'y bigla ang pagragasa ng sampong stallion sa loob niya na ikinapula ng magkabilang pisngi ni Tiffany.

"You too, you look handsome." Kusang nanulas sa bibig niya ang katagang iyon.

Ngumiti lang si Lantis at hindi na muling umimik pa.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan na tila pinapakiramdaman ang kilos ng bawat isa.

"Hindi ka man lang ba magsasalita r'yan? Wala ka manlang bang sasabihin? Umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa akin tapos babalik ka parang yayain akong lumabas! Nakakainis ka!" Tuloy-tuloy at puno ng hinanakit na wika ni Tiffany kasabay niyon ang paglalandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi na siyang ikinalingon dito ni Lantis.

Itinigil ng binats ang sasakyan pagkatapos ay walang sabing binihag ng halik ang mga labi niya. Maalab, mariin, marubrob at puno ng pananabik ang bawat galaw ng mga labi nito sa labi niya na agad namang tinugon ni Tiffany sa ganoong paraan.

They were both breathless when Lantis broke their kisses. Pakiwari ni Tiffany ay mayroon libo-libong paro-paro ang nakihalobilo sa mga kabayong nagsasayawan sa loob ng kanyang dibdib.
Mataman siyang pinaktitigan ng binata maya-maya'y pilyong ngumiti sa kanya.

"Did you miss me, sweetheart?"
Without waiting for her response Lantis cupped her face he then claimed her mouth and kiss her once more. Deliberately, Tiffany reached for him and place her hand around his nape glorying the heat of his kisses.

"I hate you! I really hate you for doing this to me," humihikbing sagot ni Tiffany.

Hindi na niya maikakaila at maitatago ang tunay niyang saloobin para sa lalaki. Mahal na mahal niya ito at hindi na niya kayang tikisin ang damdaming iyon.

Mabilis siyang niyakap at inalo ni Lantis na wari bang sa pamamagitan at mga yakap nito'y mapawi ang mahabang panahong nasayang sa pagitan nilang dalawa.

"Dahil ba mahal mo ako?"

"Mahal na mahal kita kahit wala ka nang ginawa kundi ang asarin at galitin ako." suminghot-singhot na tugon niya na tinawanan ng binata.

"I-uwi mo nalang ako kung mag-iinis ka lang."

Pero sahalip na sagutin siya ni Lantis ay inangat nito ang mukha niya at muling siniil ng halik ang mga labi niya.

"God knows, how much I miss you, Tiff. And heaven knows how much I love you, sweetheart. Mahal na mahal kita. Your my Feb-ibig, the woman I dreamt to build a family with and live with me for the rest of my life. I love you since our childhood. I just annoyed and bullied you not because I don't like you but it is merely because that's the only way I knew para mapansin mo ako. I love you and I'll love you forever, till death do us a part, sweetheart." madamdaming pahayag ni Lantis nang maghiwalay ang kanilang mga labi na lalong ikinaiyak ni Tiffany.

Wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Ang malamang mahal din suya at minamahal ng taong itinatangi ng puso niya noon pa man ay hindi matatawaran ng anumang materyal sa sansinukob.

At nang iangat niya ang mukha ay muling binagtas at sinakop ni Lantis ang mga labi niya na agad namang tinugon ni Tiffany ng huli.

ONLY YOUWhere stories live. Discover now