Chapter One

44.9K 418 19
                                    

Mula pa nang unang pagkikita nila Lantis at Tiffany ay tumikwas na ang kabilang kilay ng dalaga. Sa tanang buhay niya sa mundong ibabaw hindi pa siya nakakatagpo ng kasing yabang ng lalaki. Bukod sa pagiging presko ng binata nasa pagkatao na yata nito ang pagiging manyak. Kung sa bagay ay ganito naman ito dati pa. Gilgil na gigil si Tiffany at halos gusto na niyang kuyumusin at pagpira-pirasuhin si Lantis. Naisahan naman siya nito ng halik ang masama pa nito'y kitang-kita ng nobyo niyang si Yamza ang eksenang iyon. Lalo lamang niya itong kinasusuklaman.

She really hated him so much. Lantis is the only person she doesn't want to see entire her whole life. Sumidhi pa lalo ang galit niya rito dahil ito ang dahilan kung bakit hindi siya kinakausap ng nobyo. Iniisip siguro ni Yamza na niluluko niya ito at may unawaan silang dalawa ni Lantis.

"Papatayin talaga kitang, Lantis ka! Kurimaw! I hate you so much!" Sa subrang inis niya'y binato niya ng sapatos ang lalaki pero agad din naman nitong naiwasan ng huli.

"You're not a good shooter, sweetheart," anitong binahiran ng simpatikong ngiti  ang mga labi na mas ikinangitngit ng Tiffany.

"Don't you ever dare to call me to that endearment, bastard!" asik na wika niya.

Marahil kung nakakamatay lamang ang mga titig ni Tiffany ay malamang kanina pa binawian ng buhay ang talipandas na lalaki. Nagmistula na rin siyang nagpahid ng sili sa mukha sa pamumula ng magkabilang pisngi niya. Sa dinami–rami ba naman ng puwedeng maging kapatid ng bestfriend niya bakit ang katulad pa ng lalaking ito. Mula kabataan nila ay mainit na ang dugo niya rito. Hinding–hindi niya makakalimutan ang mga naging karanasan niya mula sa hudyong lalaki. Nilalagyan kasi ni Lantis ng kung anu-ano ang bag niya noong grade school pa sila. Minsan pa'y nilagyan nito ng butiki at palaka ang bag niya sa magkasunod na araw. Naging dahilan rin iyon upang ma–confine siya ng tatlong araw sa hospital bed. Sanhi ng matinding takot pagkasindak.

She thought, nagbago na ito after those disastrous from the past. But she was wrong. Patuloy pa rin ito sa pamba-bully at pang-iinis sa kanya. He was the most horrid and naughty kid she had ever met in her young age. Then when they both stepped in high school tinira naman nito ang crush na crush niyang junior high, si Gohan. At hindi lang iyon, hindi pa ito nakuntento at ipinabugbog nito ang first boyfriend niyang si Vincent sa mga barkada nito. Kaya ang entire high school niya ay hindi siya nagka–boyfriend nang dahil sa talipandas na lalaki.

Ipinagpasalamat lang niya dahil nagpatuloy ito ng kolehiyo sa ibang bansa. Subalit, mula nang bumalik ito ng Pilipinas dalawang linggo na ang nakararaan ay naging magulo muli ang buhay niya.

"Nakakainis ka talagang impakto ka! Mamatay ka na sana!" galit na galit at tila bulkang sasabog na sigaw niya.

"Ahuh! Mawawalan ka na ng guwapong boyfriend pagnawala ako. And take note, sweetheart, maraming babaeng iiyak pag namatay ako. And I know that you're one of them, aren't you?" sabi nito na sinabayan ng lokong tawa.

"You wish! Kahit kailan hinding-hindi kita iiyakan. Ikatutuwa ko pang mawala ka sa landas ko. Halimaw ka!" muling bulalas ni Tiffany walang sabing sinugod nito ang binata't pinaghahampas ng hand bag niya.

"Hey! I know that you love me, Tiff. But sorry dahil—"binitin sa ere ang nais sabihin at pinasandahan ng tingin ang dalaga. "Dahil hindi talaga kita type." And he chuckled crazily that made her even more angrier.

"How dare you! Mas lalo naman ako! Mas nanaiisin kong mabulok ang Matris ko kesa patulan ang isang katulad mo!"patuloy siya sa paghahampas ng bag sa lalaki.

"Whoa! Seriously? Baka kapag natikaman mo ako ay you'll cry and beg me for another round. Again and again." He grinned habang sinasangga ang bawat hampas ng dalaga sa kanya.

ONLY YOUWhere stories live. Discover now