Chapter 3: Ang Academy of St. Gem

4 1 0
                                    



Eksaktong alas-singko ng hapon sa Ignación, halos rush hour na. Nagsimula na ang uwian ng mga estudyante ngayon. Karamihan ay galing sa St. Gem Academy kung saan pinaaga ang kanilang mga mag-aaral na Gem o Helyan sa hindi malaman na kadahilanan. Habang ang ibang estudyante na napapadaan sa harap ng Academy ay kanilang sinasamantala ang bakanteng oras para mabasa ang plaque kung saan nakasulat dito ang buod ng kasaysayan ng nasabing eskwelahan. Napapabilang siya sa St. Gem Community kaya ang tawag sa eskwelahan na ito ay "Royal Sunflower School" dahil hindi lang puro nakakabighaning dilaw na bulaklak ng mirasol ang tinatanim dito kundi ang walang kamatayang simbolo at kahulugan sa bawat nag-aaral dito, isa sa mga pinakamagagaling at pinakamatatalinong estudyante sa buong Pilipinas. Ito ang pinakamamahal nilang Academiya. Dito nag-aaral ang mga hayskul na Helyan pati ang grade school nila ay dito rin matatagpuan. Sila ang mga iskolar ng probinsya Ignación.

Kaya isa rin ang St. Gem Community sa pinakamamagaling pagdating sa edukasyon, siyensya, pilosopiya, komunikasyon, teknolohiya, agrikultura, at iba pang aspekto ng ahensya na tumutulong sa pagpapaunlad ng kanilang probinsya, ito ay sa pamamagitan ng mga potensyal na nagtapos sa kanilang eskwelahan. Maalamat at makasaysayan ang pinagmulan ng napakatandang Academiya simula nang maitayo ito noong taong 1762 na isang munting eskwelahan na pinangalang "Academia de Joyas". Pinatayo ng isang butihing paring Kastila na si Padre Florentino, katulong ang paring Briton na si Father David Goldworth na dumating sa panahon ng pananakop ng mga Briton sa Pilipinas kung saan nasa malaking parte ng kasaysayan ng Pilipinas ang unang pagkatalo ng mga Espanyol laban sa mananakop ng kolonya. Kalaunan naging "Academy of Jewels" ang pangalan ng eskwelahan.

Sa pamamagitan ni Father Goldworth, dinala niya ang buo at pinakatatagong makalumang edukasyon na mayaman sa pag-aaral ng mga disiplina galing pa sa napakahabang pinagmulan ng maalamat na Adamantite Academy sa Europa noong pagsikat ng Roma. Kanyang binigay ito kay Florentino para ipagpatuloy, ipakalat, at buhayin muli ang pagtuturo ng mga tinatawag na Founding Masters noon ng Adamantite na may sagradong edukasyon at Kristiyanismo. Kanila itong pinaunlad at pinalaki para sa mga estudyanteng magmumulat sa katotohanan, kagalingan sa sarili, pagmamahal sa kapwa, at pagtitiwala sa Maykapal. Naging martir si padre Florentino dahil sa kanyang pagtatanggol sa kanyang nasimulang eskwelahan na para lang sa mga Indio na hindi makapag-aral, inaapi, at inaabuso noon ng mga Kastila. Siya ay ginawang santo ng Vatican na tinaguriang "El Brillo" (ningning) o mas kilala sa tawag na Santo Gema o Saint Gem. Sa huli, ito ay ipinangalan sa akademiya bilang unang tagapagpatayo at nagsimula ng edukasyon sa mga Indio ng probinsya.

Nahahati sa anim na sosyedad (society) kung saan napapabilang ang bawat Helyan na nag-aaral dito ayon sa kani-kanilang mga larangan, interes, at pagkatao nila. Bawat anim ay may doktrinang ipinapatupad sa tinataglay ng bawat Helyan sa sosyedad nila. Nakasulat din kung sinu-sino ang mga Founding Master ng mga societies noong unang panahon sa Adamantite Academy at naging pundasyon ito sa puspusang pag-aaral ng kasalukuyang panahon ng Akademiya ayon sa kinabibilangan na disiplina at interes. Sila ay naging mga santo kalaunan.

1. Ang St. Pearl - Gem Society of Scientific Knowledge and Wit, ang flagship class o pinakamataas sa lahat ng society.

Perna Reperio (Founding Master of Pearl Society)

Society Color: White

2. Ang St. Diamond – Gem Society of Wisdom and Perception

Lucis Adámas (Founding Master of Diamond Society)

Society Color: Light Grey

3. Ang St. Emerald – Gem Society of Agriculture and Green Unity

Legatus Esmaraldus (Founding Master of Emerald Society)

The Adventales: A Hopeful BeginningWhere stories live. Discover now