Isang kaakit-akit at nakakabighaning ganda ang unang nakita ni Gray sa entrada ng Akademiya, hindi babae, kundi isang simpleng bulaklak ng mariposa na animo'y sumusulyap sa kanya na may mainit na pagbati at halong inspirasyon sa mga mata, papasok sa sikmura, buong kalamnan, at buong puso. Pinapaalahanan ang kanyang araw, isang bagong simula ng kabanata ang uusbong para sa kanya. Si Graymiel Adventio, isang bagong 3rd year na Helyan, galing sa Ignación Dream State High School, ay papasok sa isa sa pinakamagagaling na eskwelahan ng Pilipinas, ang maalamat na Academy of St. Gem. Isang noo'y blacklister ng Academy bago pa siya ipinanganak dahil sa pagkasangkot ng kanyang ama sa isang malaking kaguluhan noong Martial Law. Si Gray ay mapapabilang sa ikalawang elite society ng Academy, ito ay ang Society of St. Diamond, kasama ang magkakapatid na sina Lance at Arla bilang mga unang kaibigan niya. Makikilala niya si Gavrielle Iliado. Siya ang pinakamatalinong Helyan sa Academy na napapabilang sa Society of St, Pearl, ang pinakaunang elite society. Bukod dito, wala siyang pakielam kung kakalabanin man niya ang bagong transferee ng St. Diamond na si Gray. Isang giyerang kompetisyon ang mangyayari sa apat na sulok ng Academy. Ang tanong sa pagkawala ng ama ni Gray ang isa sa pinakahahanap niyang sagot habang patuloy sa pag-aaral. Dahilan para makilala niya ang maimpluwensyang pamilya ng Iliado na babangga sa kanya hanggang sa mapupunta siya sa sobrang liwanag ng pag-asa, ang misteryong lugar ng Hillock of Hope ng Academy. Ano pinakatatago nito? Ito ay bumabalot ng matinding sumpa na kailanman ay hindi pa niya nararanasan. Ang kadiliman ng pag-alay ay magsisimula na! Isang kwentong liliwanag at didilim ng iyong imahinasyon kasabay ng pag-ihip ng unang simula ng pag-asa mula sa mga mata ni Gray.
7 rész