Chapter 1: Dream School

3 1 0
                                    

*BING... BONG... BING... BONG...*

Tunog ng bell galing sa Ignación Dream State High School o mas kilala sa tawag na Dream State High School. Ito ay pinakamalaking pampubliko at modernong hayskul sa buong maliit at tagong probinsiya ng Ignaciónalismo o tinatawag din na Ignacion kung saan nag-aaral ang mga simple at ordinaryong estudyante na pawang mga taga-Ignacion lamang. Sinasabi na ito ang magandang panimula pagkatapos ng elementarya bilang isang normal na buhay estudyante na walang masyadong problema sa edukasyon kundi payak na hangarin - makalinang at makatapos tungo sa magandang kinabukasan.

Ang Ignación ay nasa bandang dulo ng timog Katagalugan sa pagitan ng mga probinsiya ng Cavite at Laguna. Mayaman sa mga bulubundukin at katabi lamang ng Laguna de Bay kaya walang humpay ang malamig na simoy ng hangin dito ngayong Oktubre na siya rin kasinglalim at walang kamatayang kasaysayan nangyari dito. Paminsan-minsan din ay medyo mainit ang tanghali na hindi aabot sa 30°C ang temperatura kapag hindi pa nalalapit ang kapaskuhan.

Bago pa man napangalan ng Ignación Dream State, naging Hiuaga High School muna ang pangalan nito noong taong 1930 na itinayo ng isang mayamang Pilipino na sinasabing maalamat ang kanyang kontribusyon at kabayanihan para sa kanyang probinsiya. Ang tanging pangalan niya na alam ng mga nakatira ay Don Ignasio. Sinasabing mailap siya sa mga tao noon pero matunog pa rin ang kanyang pangalan hanggang sa ngayon. Hindi malaman kung ano naging mga kaganapan sa kanyang huling buhay na palaisipan pa rin sa taga-bayan. Ipinangalan ang hayskul sa kanyang mismong pangalan pero ginawang "nación" ng mga tao noon dahil sa kanyang walang sawang pag-ambag at sa pagiging nasyonalismo nito para sa buong probinsiya ng Ignación na noo'y Hiuaga pa ang pangalan. Ignación City ang kabisera nito.

Kamakailan lang, nanalo sila sa huling laban ng Ignacion Cup, isang inter-football tournament na pinaglalabanan ng mga pangunahing hayskul ng probinsiya ng Ignacion. Huling naglaban ang pampublikong Ignación Dream State High School, at ang pribadong hayskul ng St. Gem Academy sa iskor na 5-3. Tuwing dalawang taon lang ang nangyayaring ganito para sa hangaring palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga pangunahing mataas na paaralan sa Ignacion sa pamamagitan ng paglalaro ng football.

Ito ang pang-walong panalo ng Dream State at ginawaran ng Junior MVP na si Graymiel Gael Adventio o mas kilala sa palayaw na Gray. Isa siyang Central Midfielder. Hindi naman siya masyadong sikat sa labas pero nang matalo nila ang matinding koponang Helian Strikers ng Academy of St. Gem ay naging mas kilala pa siya. Sa kabila ng kanyang kagalingan sa larangan ng football, mayroon siyang pinakatatagong pangarap. Isang dream school na bigo siyang makapasok noon. Ito ang Academy of St. Gem na gustong-gusto niya mapanalo sa kanyang puso. Alam niyang angat na angat ang St. Gem sa lahat ng larangan pero hindi niya binigo ang kinabibilangan niyang eskwelahan na Dream State na buong sumusuporta sa kanya magmula sumali siya sa koponan noong unang taon palang.

*BING... BONG... BING... BONG...*

Tumunog sa ikalawang pagkakataon ang campus bell pagkatapos ng dalawang minuto. Ang mga estudyante ngayon ay patuloy pa rin sa paghabol ng kani-kanilang mga klase pagkatapos ng lunch break. Sakto ang pagtunog ng bell nang mayroong lumabas sa kantina, ang dalawang magbarkada na sina Russi at Rabir. Parehong nagmamadali sa kanilang mga kilos sa kung saan man sila patutungo pero hindi sa kanilang klase.

Hanggang ang kanilang mga paa ay nakarating sa malinis na berdeng damo ng kanilang pinagmamalaking football field ng Dream State. Sabay silang napatingin sa nag-iisang lalaki na nakahiga sa damuhan na malapit sa goal post na hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

"Sabi na nga ba andito siya," sambit ni Russi habang ngumingiti.

Kanila itong tinungo. Ang ulo ng lalaki ay nakapatong sa kanyang bagpack, nakasuot ng salamin, at tulog na tulog. Makapal ang kanyang buhok, medyo payat at aakalain na siya ay isang tahimik na inosenteng pusa. Hindi masyado singkit ang mga mata. Matangkad. Mapapansin mo sa kanya ang maamong mukha na parang walang dapat aalahanin sa kanya.

The Adventales: A Hopeful BeginningWhere stories live. Discover now