Chapter 8

645 44 13
                                    

Kinabukasan ay busy ako sa pagre review dahil may quiz kami sa isang major namin. Kasama ko yung isa kong classmate na sumasabay sa pagre review ko.

"Sige, it's also called brittle bone disease-"

"Osteogenesis Imperfecta."

Tumango tango siya sa sagot ko. Nanliit ang mga ko at nawala sa focus nang makita kong pumasok si Kiarra. Agad akong umiwas ng tingin nang tumingin din siya saakin. Teka nahihiya ako.

Tsaka pwedeng mamaya muna kiligin? Kailangan ko munang review. Please lang Kiarra, wag mo munang guluhin ang mundo ko. Umagang umaga ginugulo mo sistema ko.

"Dumating lang siya grabe na makangiti ah."

Napanguso ako. Sinabihan ko yung kaklase kong mamaya nalang muna ako mag review at kailangan ko pang lumandi-- charot. Pupunta talaga ako sa may gate dahil pa importante tong si Jessica.

"Tara canteen." Aya niya agad kahit kakadating lang niya ng University. Hindi ba siya kumain sa bahay? Sumunod nalang ako.

"Laura! Canteen tayo!" Sigaw niya kay Laura na naglalakad sa gitna ng quadrangle. Kitang lumingon lingon si Laura.

"Ha?!" Parang bingi niyang sabi.

Napatakip ako ng tenga nang si Jessica naman ang sumigaw.

"Canteen!"

"Kanton?!"

Napa face palm nalang ako sakanilang dalawa. Buti nalang at mukhang nagkaintindihan kaya ngayon kasama na namin ang walang ganang si Laura.

Senenyasan ko si Jessica na kausalin si Laura at nang kakausalin na niya sana ay may lumapit saamin.

"H-Hi Ris." Bati nang isang babae.

"Hello po." Magalang kong bati.

May inabot siya saakin. "Ahm may n-nagpapabigay."

Sasagot pa sana ako pero mabilis nang tumakbo paalis yung babae. Napakibit balikat nalang ako at bubuksan sana ang regalo nang makita ko si Kiarra na seryosong nakatingin saakin.

"E-Ehem. Jessica, sayo na." Wala ano anong sabi ko at inabot sakanya ang bigay saakin. Binuksan niya ito at walang hiyang kinain pa ang chocolates sa loob.

Katakot naman.

....

Parang nagising ang buong katawan ko habang inaabangan si Laura na inuman ang alak na hawak niya.

"Shot mo na yan!"

Nagsigawan kaming lima nang tuloy tuloy na ininom ni Laura ang alak. Nasa isang bar kami dahil itong si Laura mukhang nasasaktan.

"Shot! Shot! Shot!"Kantyaw nila nang saakin naman tumapat ang iniikot na bote. Tinapik ko ang dibdib at mayabang na tumayo hawak ang isang shot glass.

Nagsigawan silang lima nang inisang lagok ko ang binigay nila. Damn, mukhang lasing na ata ako. Kanina lang nasa University kami. Paano ba kami napunta dito?

FLASHBACK

Kakatapos lang ng quiz namin at pare pareho kaming lantang nakaupo sa gilid. Pero mas mukhang lanta si Laura kesa saamin. Kanina ko pa napapansin ang pag iwas niya kay Ashley kaya hindi ko tuloy malapitan si Kiarra.

Aside din dun ay dahil mukhang bad trip si Kiarra sakin. Ewan ko ba kung bakit.

Siniko siya ni Noel. "Problema mo?"

Imbes sagutin ang tanong ay iba ang sinabi niya.

"Inom tayo. Sa bar ni Tito para okay lang kahit malasing."

ClassmateWhere stories live. Discover now