Chapter 5

578 44 10
                                    

Pagod na tumingin ako sa ceiling ng bahay namin. May pasok ngayon pero tinatamad akong gumalaw. Masakit din ang ulo ko at hindi ko feel makipag interact sa kahit kanino.

Late na akong nakauwi kagabi dahil ewan ko at naisipan ko pang gumala. Para na din siguro malimutan ko yung nangyari.

Napabuntong hininga ako pagka apak ko sa entrance ng school. I wore a mask dahil masakit ang lalamunan ko.

"Wazzup, Ris na chocolate." Bati ni Jessica pag upo ko sa bleachers. Last day ng event and ito yung araw kung saan may mga sports and pa games na magaganap.

Tinanguan ko lang sila Roman at hindi pinansin ang grupo nila Kiarra na ramdam ko ang tingin saakin. Lalo na siya. Ramdam ko ang tingin siya saakin.

"Sup." Paos ang boses kong bati pabalik at isinuot ang headset para matulog.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ako nakatulog pero naramdaman ko nalang na niyuyugyog ako ni Laura.

"Mag lunch na tayo."

Napakunot noo ako at dahan dahang tumayo. Uminat ako at sumabay sakanilang dalawa ni Jessica.

"Ayos ka lang?" Nag aalala niyang tanong. Tipid akong napangiti dahil hindi sila nagtatanong kung anong nangyari. Mas nag aalala pa sila sa kalagayan ko.

"Masakit lang lalamunan ko." Mahina kong sabi. Nakita kong naka abang sila Ashley sa may silong kaya tinignan ko ang mga kaibigan ko.

Nginuso ni Laura ang gate at ngumiti saakin. "Sa labas ng University nalang tayo kumain."

Hindi ako sumagot at hinayaan sila. Gaya ng dati ay nagkwe kwentuhan nanaman sila pero hindi ako gaanong nakakasabay dahil nga masakit ang lalamunan ko.

Kasama kong nakaupo si Jessica at Laura habang yung tatlo ay nago order ng pagkain. Magsasalita sana ako nang makita ko sila Ashley na papasok. Coincidence lang or sadya?

Tinignan ko si Kairra pero agad napaiwas ng tingin nang mapansing nakatitig siya saakin. She looks worried that made me smile a little.

"Is it just me or kanina pa tingin nang tingin si Jaz sa direksyon natin?" Tanong ni Roman habang kumakain kami. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumain lang.

"Oo nga 'no. Pati din si Ashley."Sabi ni Mark.

"Umamin na kasi ako." Mahina kong sabi na ikinatingin nilang lahat saakin.

"What did she say?"

Tipid akong ngumiti bago umiling."She said she can't because she's straight and she..."

Diretso ang tingin nila saakin at hinihintay ang sasabihin ko. I cleared my throat. "She have a boyfriend."

Napaawang ang labi nilang lahat sa sinabi ko. I chuckled and continue to eat my food but deep down I'm trying to hold in my tears. You can't cry here, Ris. Nasa public place tayo at nasa kabilang table lang sila.

"Gusto mo bang uminom? Or mag ano uh-"

Natawa ako sa pag dadalawang isip ni Jessica.

"No, gusto ko lang magpahinga pagkatapos ng event."

Natahimik ang lahat pagkatapos. Nang matapos kami ay patapos palang din ang grupo nila sa kabilang table. Hindi na namin sila hinintay at naunang bumalik sa school.

"Ris, gusto mong maglaro?"Aya ng isa kong kaklase saakin.

Umiling ako at tinuro nalang si Jessica na kanina pa sabi ng sabi ng "Me, me, sali!"

Napakamot sa ulo ang kaklase namin. "Sige ikaw na nga lang."

"Eh bakit para kang napipilitan?"Simangot ni Jessica.

ClassmateKde žijí příběhy. Začni objevovat