Chapter I: Overview

15 0 0
                                    

What if bumalik yung greatest what if mo? Will you say hi? No. Just ignore it.

But you can’t.

Ry can’t stop the tears forming in his eyes while watching Ken and Mikoy saying their goodbyes and promises na they’ll keep in touch kahit nasa Manila na si Ken.

Matagal na pinagmasdan ni Ry ang mag-ama na para bang kinakabisado ang eksenang ito. Kung walang balak si Ken na panindigan ang anak, hindi naman niya pipilitin ito. Masaya at maluwag na sa dibdib niya na masabi ang totoo kay Ken.

“Malaki po yung house mo ‘don? Sino kasama mo po kumain? Mag-isa ka lang natutulog po?” sunod-sunod na tanong ni Mikoy.

What if your greatest what if is in front of you.. kasama ang anak niyo.

Ngayon kaya, ano na ang gagawin mo?

Gustong aminin ni Ry ang totoo pati na rin sa anak niya. Gusto niyang sabihin na yung papa na matagal na niyang gustong makasama ay si sir pogi niya mismo.

But he can’t.

Hindi niya kayang saktan ang anak. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Ken, hindi niya alam kung ano na ang buhay nito sa Manila; kung may naiwan ba siyang tao na naghihintay sa kanya, pamilya, o kung sino o ano man.

Casddiel’s right. Ken has to earn his place in Mikoy’s life if he wants to be part of it. Hindi naman pipigilan ni Ry, lalo na kung makita niyang seryoso si Ken na tanggap niya ang anak nilang dalawa.

“Anak, akyat ka na sa taas. Maglilinis na tayo maya-maya.”

Nang lumapit si Ry sa dalawa ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Ken. This wasn't the first time after 7 years, but this is the first time after Ken found out na nagbunga ang pagmamahalan nila noon.

“Dada, one last babye po kay sir pogi.” Mikoy said and Ry nods, agreeing.

Muling hinarap ni Mikoy si Ken at niyakap ito nang mahigpit. “Balik ka po ha? Mamimiss po kita. Kain ka po lagi ha? Tsaka text mo po ako kapag wala ka pong work.”

Ken smiles, “I will. Ikaw din ha, makinig ka lagi kay dada mo. Wag papasaway. Sinabihan ko si Iver na isumbong ka kapag pasaway ka.”

“Hindi ka po babalik dito kapag pasaway ako?” malungkot na tanong ni Mikoy.

Napalingon si Ken kay Ry na naghihintay ng isasagot niya. Ken has zero to none idea on how to be a father. Hindi niya alam kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin o sabihin para hindi masaktan ang feelings ng anak. And as he stares at Ry, he admired him; at how he managed to be a good father to Mikoy even when he is alone.

“Babalik pa rin. Goodboy or pasaway, babalik pa rin ako. Pero dapat wag pahirapan sina dada ha?”

“Opo, promise! Behave po ako.”

Ken pat Mikoy’s head and smiled, ”That’s my baby. Very good.”

Nang makaakyat na si Mikoy sa taas ay naiwan na sina Ken at Ry sa baba, tahimik. Tanging mga mata muli nila ang unang nag-uusap.

What if your greatest what if is in front of you, anong gagawin mo?

“Hi.” Ry broke the silence. He took a deep breath and offered a handshake to Ken. “Nice to see you again, Ken.”

Puno man ng pagtataka ay tinanggap ni Ken ang pakikipag-kamay ni Ry at nginitian ito. “Hi, Justin.”

Ry can’t ignore him. He can’t. Lalo na ngayon at alam na nito ang tungkol sa anak nila. Ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay linawin ang mga plano ni Ken.

“About Mikoy,” hindi natapos sa pagsasalita si Ry dahil sa pagpigil ni Ken sa kanya.

“He’s mine. Anak ko siya.”

A tear fell from Ry’s eyes. Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula kay Ken na tawagin niyang anak si Mikoy.

“Alam na ba niya?” Ken asked.

Umiling si Justin, “Hindi pa. Bago ko sabihin sa kanya, I want to know your decision first. Tanggap mo ba yung anak mo? Okay lang naman kung hindi—”

“Babalik ako, Justin. And I promise, pagbalik ko gagawin ko lahat para sa anak natin. Para matanggap mo ulit ako. May aayusin at tatapusin lang akong trabaho sa Manila, after that, babalik ako dito. Babalik ako sa inyo.”

Justin half smiled. Tila ba may malambot na kamay ang humaplos sa puso niya nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Ken. Mga salitang inasahan niyang maririnig mula dito seven years ago.

“Dito ka na mag-breakfast bukas.” the only words Justin uttered before calling the night.

EstrangheroWhere stories live. Discover now