Chapter I: Overview

66 1 0
                                    


“Nagustuhan mo ba yung chicken?” tanong ni Ken habang pinapanuod si Mikoy na kumain.

Nakangiting tumango si Mikoy, “Opo, sir pogi. Ang sarap po. Thank you!”

“Kain ka lang, may binili pa akong ice cream para mamaya.”

“Yehey!”

Simpleng usapan lang naman iyon sa pagitan nina Ken at Mikoy, pero para kay Ry, ayaw na niyang matapos pa ang palitan ng usapang iyon ng mag-ama niya. Sinasabi ni Ken sa kanya na hindi nito alam kung paano maging isang ama, o kung ano ang dapat gawin, pero hindi niya napapansin na ang pagiging isang ama ay nagsisimula sa maliliit na bagay tulad ngayon, tulad ng ginagawa nitong pag-asikaso sa pagkain ni Mikoy.

“Gets ko na talaga.” bulong ni Karen. Ang mga tingin niya ay nasa pwesto rin pala ni Ken at Mikoy. “I've never seen Mikoy this happy. Kitang-kita sa mga mata niya oh.”

Tumango lang si Ry. Ayaw na niyang dagdagan pa iyon dahil baka hindi na niya mapigilan ang maluha.

“Sana kuya Diel is here too, para makita niya yung nakikita natin.” wika ni Fia.

Kars agreen to what Fia said. Sana nga ay makita ni Diel ang nakikita nila ngayon para mas maintindihan niya ang dahilan nila kung bakit hinahayaan nila si Ken na pumasok sa buhay ni Mikoy.

“Nakalimutan ko yata, pero Ken, bro, congrats pala ha! Astig ng bagong collection mo. Baka naman..” ani Josh, trying to lighten the atmosphere. Siya kasi ang unang nakapansin sa pagiging balisa ni Ry. “Kahit isang t-shirt lang.” he jokes.

Tumango naman si Ken kay Josh, “Yun lang ba? Sige, pagbalik ko.”

“Magkano ba ‘yon? Baka ako pa magkautang sayo niyan ha.” natatawang sabi ni Josh na animo ay nagbibilang pa.

“Sir pogi, nakita po kita sa tv kanina eh!”

Natahimik ang lahat nang si Mikoy naman ang magsalita. Ikinuwento nito ang mga napanuod niya kanina sa TV at hindi nakatakas ang paghanga sa mga mata niya habang sinasabi na paglaki niya ay gusto niya ring maging katulad ni Ken.

“Ang galing po, pareho po tayo apelyido. Ikaw po Ken Riguel Suson. Ako po naman si Kyle Miguel Suson. Ang galing po diba?”

What if bumalik yung greatest what if mo? Anong gagawin mo?

You already said hi.

You didn’t ignore him. You clearly can’t.

Ngayon kaya? Ano na ang gagawin mo? Your greatest what if is in front of you, kasama ang anak niyo..

“Dada bakit tayo hindi pareho?” nagtatakang tanong ni Mikoy sa ama. Tuwang-tuwa ito na pareho sila ng apelyido ng sir pogi niya nang bigla niyang maalala na magkaiba sila ng dada niya. “Pwede ko po maging papa si sir pogi? Kasi po pareho kami apelyido eh.”

Nagtama ang mga mata nina Ken at Ry. Wala mang salitang lumalabas sa mga bibig nila ay tila ba nangungusap na ang kanilang mga tingin.

Humarap si Ry sa anak at hinawakan ang mga kamay nito, “Gusto mo ba na maging papa si sir pogi? Bakit?”

Hindi na kailangan ni Mikoy ng mahabang oras para makaisip ng sagot dahil may sagot na agad ito. “Kasi po mabait po si sir pogi.”

“Yun lang? Kasi mabait siya?” paglilinaw ni Ry sa sagot ng anak.

Tumango si Mikoy bago muling nagsalita. “Sabi po ni nongnong Yel, kapag daw po nagkaroon ako ng papa dapat po yung mabait daw tsaka po yung hindi tayo iiwan. Si sir pogi po mabait tsaka kahit po umalis siya punta sa Manila, bumalik naman po siya. Kaya gusto ko po siya maging papa kasi love niya rin po ako eh kasi nakikipag-play po siya sa akin tapos may hug at tsaka kiss at tsaka heart din po siya sakin. Kaya gusto ko po maging papa si sir pogi kasi po love ko siya.”

Hindi na napigilan ni Ry ang pagbagsak ng mga luha niya habang pinapakinggan ang sagot ng anak. Para bang may kumukurot sa puso niya habang naririnig ang mga sagot ni Mikoy kung bakit gusto niya na maging papa si Ken.

Ken, on the other hand, halos hindi na makahinga. Sobra-sobra ang kaba na
bigla niyang nararamdaman ngayon habang hinihintay ang sunod na mangyayari. He
wants Mikoy to know about him being his
other father, but deep inside him, may kaunting pag-aalala pa rin kung pagtapos nito ay ano na ang mangyayari.

“Alam mo ba anak kung bakit love mo na agad siya?” tanong ni Ry.

Umiling naman si Mikoy bilang sagot. Nilingon niya lang si Ken na nakatingin lang din sa kanya.

“Kaya love mo na agad si sir pogi kasi.. kasi siya talaga ang papa mo. Siya ang totoo mong papa.”

“Totoo po?” nanlaki ang mga mata ni Mikoy at tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang dada.

Tinanguan ni Ry si Ken bilang hudyat na lumapit sa kanila at ipakilala ang sarili bilang papa ng bata.

“Totoo, anak. Ako yung papa mo.”

Ken’s voice almost broke. Kasalukuyan na rin itong umiiyak habang nasa harap si Mikoy na nakatingin lang sa kanya.

“Papa! May papa na ako! Ikaw ang papa ko! I love love you papa.”

“I love you too, anak.”

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Nov 19, 2022 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

EstrangheroUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum