Chapter I: Overview

14 1 0
                                    

"Dada, gusto ko rin po ng guitar. Si sir pogi may guitar eh tapos tinuruan niya po ako kanina." masayang kwento ni Mikoy pagkabalik niya sa restau. Si Ken na ang naghatid sa bata pauwi dahil may kailangan lakarin si Iver. "Sabi po ni sir pogi paglaki ko magiging magaling din po ako katulad niya." dagdag pa nito.

Sa likod ni Mikoy ay ang nakangiting si Ken na natutuwang pinapakinggan ang kwento ni Mikoy sa dada niya. He's not into kids. Hindi niya alam kung paano maghandle ng mga bata, but with Mikoy, hindi niya rin alam, but it came out naturally.

"Sige po, bibili tayo ng guitar mo sa next birthday mo na. Okay ba 'yon?" ani Ry. Habang lumalaki si Mikoy ay mas lalo niyang nakikita ang pagkakapareho nito kay Ken. Hindi lang pala sa ugali, sa paboritong pagkain, pati na rin sa hilig nito sa gitara ay nakukuha na rin ng anak.

"Yehey! Thank you, dada!" wika ni Mikoy sabay yakap sa kanyang ama. "Pwede po na hiram muna ako kay sir pogi ng guitar?"

Nagkatinginan sina Ry at Ken. Walang salita na lumabas sa mga bibig nila pero sa mga mata nila, ang daming salita at emosyon na nagtatago.

"Ako na lang bibili para sa'yo. Yun na lang gift ko, okay ba 'yon?" si Ken ang unang umiwas at binaling na ang atensyon sa bata. "Para bago ako bumalik sa Manila, may magagamit ka."

"Babalik ka na?" halos pabulong na ang tanong na iyon ni Ry. Maging siya sa sarili niya ay hindi niya napigilan ang salitang lumabas sa bibig. Nilingon niya ang anak at katulad niya, nakita niya ang lungkot dito. Ilang araw pa lang silang nagkasama pero ramdam na niya ang lungkot ng anak.

"Saan po yung Manila? Malayo po ba 'yon?"

"Hmm. Medyo malayo. Doon kasi ako nakatira eh. Nandon din yung work ko, kaya kailangan ko bumalik don." paliwanag ni Ken.

Tama naman siya. Nandon na ang buhay niya. Nandon na ang bagong buhay niya. Hindi dito. Hindi na dito sa Bulacan.

"Matagal ka po don? Di ka na babalik dito? Paano po kita makikita?" sunod-sunod na tanong ni Mikoy kay Ken na ngayon ay nakaluhod na upang maging kalevel ang mga mata ng bata. "Malulungkot po ako kapag umalis ka na."

"May cellphone naman, pwede tayo mag-text diba? O kaya video call." Sagot ni Ken.

Habang nagpapaliwanag kay Mikoy ay may hindi maipaliwanag na kirot sa puso ni Ken. Ilang araw lang naman niyang nakasama ang bata pero bakit biglang ang hirap umalis. Ang hirap iwan nito.

"Mikoy! Anak!" Paulit-ulit na tawag ni Ry sa anak dahil bigla na lang itong tumakbo papasok sa loob ng bahay at iniwan silang dalawa. "Hayaan mo na, kakausapin ko na lang mamaya. Ganon lang talaga si Mikoy, clingy."

Napangiti si Ken habang nagkukwento si Ry sa kanya. Walang halong galit sa boses nito. Normal na pag-uusap. At sa pandinig ni Ken, ang sarap makarinig ng kwento tungkol kay Mikoy lalo at galing pa kay Ry.

EstrangheroWhere stories live. Discover now