PROLOGUE

236 13 2
                                    


𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚠𝚘𝚛𝚔 𝚘𝚏 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗. 𝙽𝚊𝚖𝚎𝚜, 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚛𝚜, 𝚋𝚞𝚜𝚒𝚗𝚎𝚜𝚜, 𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎𝚜, 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜, 𝚕𝚘𝚌𝚊𝚕𝚎𝚜, 𝚊𝚗𝚍 𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚊𝚛𝚎 𝚎𝚒𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚝𝚜 𝚘𝚏 𝚝𝚑𝚎 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛'𝚜 𝚒𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚘𝚛 𝚞𝚜𝚎𝚍 𝚒𝚗 𝚊 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚝𝚒𝚘𝚞𝚜 𝚖𝚊𝚗𝚗𝚎𝚛. 𝙰𝚗𝚢 𝚛𝚎𝚜𝚎𝚖𝚋𝚕𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚝𝚘 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚜, 𝚕𝚒𝚟𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚍𝚎𝚊𝚍 𝚘𝚛 𝚊𝚌𝚝𝚞𝚊𝚕 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚒𝚜 𝚙𝚞𝚛𝚎𝚕𝚢 𝚌𝚘𝚒𝚗𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕.

                                         ***



“Pare‚ paano kung hindi talaga siya pupunta dito? Paano kung—”



“Shut up‚ Vance! Pupunta 'yon. Nangako siya‚ okay?”



Nandito kami ni Vance ngayon sa restaurant dahil magkikita kami ng girlfriend ko na nakilala ko lamang sa RPW.



Nagpasama ako sa'kaniya para naman may sumuporta saakin ngunit mukhang iba naman ang nangyayari.



Tiningnan kong muli ang suot kong relo at napansin ko na isang oras na pala kami dito ni Vance sa restaurant.



Ngunit napaisip ako dahil sa sinabi n'ya‚ paano nga kung hindi siya makikipagkita saakin? Paano kung hindi siya pinayagan?



Umiling ako. Hindi tama itong iniisip ko‚ hindi siya gano'n. Alam kong tutupad siya sa usapan namin‚ may tiwala ako sa'kaniya. Naniniwala ako sa girlfriend ko.



Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siya‚ nakaramdam na kami ng gutom ni Vance kaya kumain na muna kaming dalawa.



“Ano kaya ang itsura n'ya pare? Maganda nga ba siya? Paano kung hindi naman talaga siya 'yong picture na sinend n'ya sa'yo—”


“Kumain ka na nga lang.” Medyo naiinis na sabi ko sa'kaniya. Kinakabahan na nga ako tapos gan'yan pa ang mga sinasabi n'ya. Hindi ba siya marunong makiramdam?



At napaisip na naman ako‚ siya nga ba 'yong... Nasa picture? What if hindi siya 'yon? Tapos bakla pala siya? Ano'ng gagawin ko? Hindi naman ako pumapatol sa bakla. 'Saka sa RPW ko lang siya nakilala‚ marami pa namang mga tao ang nagsesend ng picture sa kausap nila pero hindi pala sila 'yon.



“Excuse me‚ ikaw ba si West?”


Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang may nagsalita na babae sa likuran ko at banggitin ang pangalan ko sa RP.



Tiningnan ko si Vance na kumakain sa harap ko at nakita ko na lumaki rin ang mata n'ya habang nakatingin sa likuran ko.



Bumilis ang tibok ng puso ko‚ ito na ba 'yon? Nandito na ba talaga siya sa likuran ko? Hindi ako makapaniwala! Kinakabahan ako na natutuwa.




Pakiramdam ko ay para akong natatae na ewan. Hindi ko maipaliwanag.




Tumayo ako at dahan-dahan na tumingin sa'kaniya.



Pagkaharap ko ay mas lalong nanlaki ang mata ko. Grabe... Ang ganda n'ya. Siya 'yong babae na nasa picture. Siya 'yong girlfriend ko. Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa.




WILL YOU STILL ACCEPT ME IF... (ON GOING)Where stories live. Discover now