Special Chapter #1

3.3K 48 6
                                    

Special Chapter #1
Millianna Xixiazeth Williams
Mafia Boss #1: The Real Mafia Heiress
---------------

"Ang tanging kailangan nalang natin ngayon ay ang magpunta sa Xavier University para i-confirm na ang school nila ang magiging host by this year. Kaya anong oras tayo pwedeng magpunta ngayon araw, Pres?" Namira asked while looking at me curiously.

Saglit akong huminga ng malalim bago siya sagutin. "By one in the afternoon. I need to go muna sa library to settle my siblings problem. Kita nalang tayo sa parking at 'yun sasakyan ko nalang ang gagamitin natin." I boredly replied.

She just nodded her head then continue to do her works. Kasalukuyan kaming nasa office ng student council ngayon dahil sa mga papeles na kailangan naming tapusin. Bilang isang student president ay kailangan kong masiguro na magiging maayos ang lahat para sa upcoming festival week.

Malaki nalang ang pasasalamat ko na hindi ang eskwelahan namin ang host ngayong taon kundi ang Xavier University. Pero bilang kami ang founder ng event 'non ay kailangan pa din naming makisali sa mga event planning.

Kaya naman wala kaming magagawa kundi ang magtungo ngayon sa kanila para makonpirma ang sagot nila.

Pero bago 'yun kailangan ko munang ayusin ang gusot na ginawa ng tatlong bugok kong kapatid. Sa lahat ba naman ng lugar na pipiliin nilang gumawa ng gulo ay napili pa talaga nila ang libary which is forbidden na gumawa ng kahit anumang gulo doon.

Walang salita akong tumayo at agad nagtungo sa guidance office kung na saan sila ngayon. Unang bumungad sa'kin ang mukhang ng mga kapatid ko na ngayon ay masama ang tingin sa dalawang lalakeng nasa tabi ng isang guro.

Mahina akong kumatok bago tuluyang pumasok. "Good afternoon, ma'am." I politely greeted.

Tumingin naman sa'kin si Ma'am Ranez, ang guidance councilor. "Oh, you're here, hija. What can I do for you?" She asked.

I heavily sighed. "Nandito po ako para sa mga kapatid ko, ma'am. Wala po kasi sila mommy at daddy ngayon dahil out of the country po ang business trip nila." Sagot ko.

Tumawag ako kila mommy kanina kung makakapunta ba sila pero nalaman ko na kakaalis lang pala nila kaninang umaga papunta ng Russia. Mamayang madaling araw pa daw ang magiging balik nila. Pero ng tanungin ni mommy kung ano ang dahilan ng pagtawag ko ay narinig ko nalang ang galit sa boses niya ng malaman na nakipag-away ang triplets.

Kaya naman ako na muna ang pinakiusapan ng mga magulang ko na makinig sa sasabihin ng guidance councilor. Medyo nakakahiya lang sa part ko dahil kilala ako bilang student president na madisiplina pagdating sa ibang estudyante pero mga sariling kapatid ko ay hindi ko nagawang pigilan sa mga kalokohan nila.

Tumango nalang si ma'am at agad akong pinaupo sa tabi ng mga kapatid ko. Nakita ko naman ang lihim na pagngiwi nila ng tignan ko sila ng seryoso. Humanda talaga sila mamaya pag-uwi namin.

"So, kaya ako nagpatawag ng guardian nila ay dahil sa ginawa nila kaninang umaga, hija. " Panimula ni ma'am, saglit siyang tumingin sa mga kapatid ko at sa mga lalakeng nakaaway nila pagkatapos ay tumingin sa'kin. Mahinang napabuntong-hininga siya. "Bilang student president ay alam mo naman ang rules na bawal ang gumawa ng gulo lalong-lalo sa library. Pero ang mga kapatid mo ay tila walang pakialam sa mga rules na 'yun at doon pa talaga gumawa ng gulo." Dagdag niya.

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now