Chapter 36

5.4K 114 10
                                    

Third Person's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Third Person's Point of View

Hindi napigilan ni Azva ang mapangisi habang pinapanood ang ginagawa nila Ashton sa matandang ngayon ay namimilipit sa sakit. Ang makita ito sa ganoong sitwasyon ay tila isang masayang pangyayari sa mga oras na ito. Sa dami ng kasalanang ginawa nito ay madali lang na paghihiganti ang kamatayan. Kung kaya unti-untiin nila ang pagpaparusa dito hanggang sa ito na mismo ang humingi ng kamatayan niya.

"Fuck! It's good to see this old man in this kind of situation." Narinig niyang wika ni Ashton pagkatapos ay muli itong sumuntok sa tiyan ng matanda. Sumuka ng dugo ito ngunit imbis na maawa ay tila wala lang sa kanya ito.

"Tangnamo, Ashton, maghinay-hinay ka naman! Baka biglang mawalan ng hininga 'yan at hindi ako makabawi!" Sigaw ni Markheus.

Ashton groaned. "Tangna mo din! Kulang pa nga yung ginawa ko sa kanya sa lahat ng ginawa niya sa'kin!"

"Tarantado! Ang sabi ko ay magdahan-dahan ka lang at baka hindi na ako makakabawi din!" Balik ni Markheus. Lumapit ito at nakisali sa pagsuntok sa matanda. Kaya naman mas lalo itong dumaing sa sakit at sumuka ng dugo. Halos hindi na makilala ang mukha nitoi dahil sa labis na pagkakabugbog.

"Magsitigil nga kayong dalawa. Ashton, itigil mo muna 'yan!" Napatigil sila at sabay-sabay silang tatlo napalingon sa bagong kakarating palang na si Astrein. Kumunot ang noo ni Azva ng makitang may pasa ito sa mukha at iyon ang ipinagtataka niya. Magaling sa mano-manong labanan ito kung kaya bakit ito mayroong pasa sa mukha?

"What happened to your face?" Ashton asked.

Kahit ang iba pala ay iyon ang unang nakakita kay Astrein. Lahat sila ay kilala ang kaibigan kaya naman talagang magtataka sila kung sino ang may gawa non.

Astrein didn't answer them. Muling bumukas ang pinto at pumasok si David na may pasa din sa mukha.

"Damn it! Don't tell to us na naisahan kayo ng suntok ng mga kaaway?" Hindi makapaniwalang tanong ni Markheus.

Hindi pa din sumagot ang dalawa. Muling bumukas ang pinto at iniluwa non si Alana na galit ang ekspresyon nito.

"Where is that fucking man!" Sigaw ni Alana.

Lahat sila ay napaigtad ng bigla itong sumigaw. Hindi agad nakapagsalita sina Markheus at Ashton habang si Azva naman ay lihim na napamura. Nararamdaman niyang malaking gulo ang mangyayari na naman sa pagitan nila ni Alana.

"She's the reason kung bakit meron kaming nito." Wika ni David habang nakaturo kay Alana.

"Yeah, and she's fucking amazona!" Sang-ayon ni Astrein.

Oh crap!

"Azvameth Uno Williams!" Tawag nito sa kanya pangalan.

Azva gulped. "What's your problem, Alana?"

Tumingin ito sa gawi niya at mas lalong tumapang ang tingin. "Don't fucking asked me if you already knew the goddammit answer!"

Hindi alam ni Azva kung ano ang gagawin. Kilala niya ang dalaga kapag ganito ang naging pagtawag ay mas nakakatakot pa sa kamatayan ang mangyayari sayo.

"Fuck!" He silently cursed.

Mukha hindi pa din nito napapansin ang ginagawa nila dahil nakatuon ang atensyon nito sa galit sa kanila.

"Alana.." Tawag atensyong wika ni Ashton.

Lumingon saglit si Alana at bigla napahinto ng makita ang ama sa tabi nila Ashton. Akala nila ay magagalit ito sa nangyari sa ama nito ngunit ang hindi nila inaasahan ay isang ngisi ang iginawad nito.

Tila nawala ang atensyon nito sa kanya at napunta sa ama nito. Lumapit si Alana at mas lalong nagpagulantang sa kanila ay bigla na lang nitong sinampal ang sariling ama. Alam ni Azva na labis ang galit ni Alana sa ama niya ngunit hindi niya inaasahan ay ang ginawang kilos nito. Ibang-iba sa babaeng kilala niya noon.

"It's nice to see you in that kind of situation!" Galit nitong wika sa ama. "Kahit sa ganyan man lang ay makita kitang nagdurusa!"

Kahit isa sa kanila ay walang nagtangkang magsalita. Lahat sila ay gulat pa rin sa naging kilos ni Alana.

"You ungrateful child!" Kahit nanghihina ang ama ni Alana ay nagawa pa din nitong makapagsalita.

Alana smirked. "Kahit anong pang masasakit na sabihin mo ngayon ay hindi na ako masasaktan pa. Wala na sa'kin ang mga iyon."

Tinalikuran nito ang ama at muling natuon kay Azva ang atensyon nito. Galit itong lumapit sa binata at wala sabi-sabing sinuntok ito sa mukha. Hindi iyon agad nasangga ni Azva kaya naman tumama ang kamao ni Alana sa panga niya.

"Fuck!" He groaned in so much pain. Naramdaman niya ang bigat ng kamay nito. Kahit babae pa si Alana ay iba ang lakas ng kamao nito. Ngayon lang naaalala ni Azva na blackbelter ito sa taekwando kaya ganoon nalang ang lakas nito.

"Bwiset kang demonyo ka! Bagay lang sayo yan! Tangna mo ka talaga!" Mura nito sa kanya.

Hindi siya nagtangkang sumagot pa. Alam na niya ang dahilan ng kinagalit nito. Tumingin siya kay David na ngayon ay nakangiwing nakatingin sa kanila.

"I'll kill you later!" He mouthed.

"Alana..." Lahat sila ay napatigil muli ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na medyo may kaedaran na. Walang iba kundi ang ina ni Alana.

"Mommy!" Agad na lumapit sa ina si Alana at inalalayan ito. "Diba sabi ko po sainyo ay magpahinga na po muna kayo." Biglang lumambot ang boses ng dalaga.

Alana's mother smiled. "I'm okay, nak."

Alana deeply sighed and nodded. Inalalayan nito ang ina. Saglit na napatigil ito ng makita ang asawa. May sakit na dumaan sa puso ng ina ni Alana ngunit mas nanaig ang galit nito.

"I already warned you before but you won't listen to me. Tama nga siguro na nagising ako sa katotohanan na kahit kailan ay tanging sarili mo lang ang mahal mo." Umiiyak na wika ng ginang.

Nanatiling nakatahimik lang ang matanda habang nakayuko dahil sa labis na panghihina.

Tumalikod ito at humarap kay Azva. Mapait itong ngumiti. "Alam kong huli na ang lahat para bumawi. Pero kahit ito man lang ay magawa ko bilang ina ni Alana at para makabawi din sa pagiging bulag ko sa hustistya."

Kumunot ang noo ni Alana. "What do you mean, Mommy?"

Alana's mother took a deep breathe. "Tungkol sa mga magulang ni Azva." Wika nito.

Tila natuod si Azva sa kanyang pwesto. Tila may kung ano ang bumara sa kanyang lalamuna at wala kahit anong salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig.

"Hindi namatay sa aksidente ang tunay magulang mo, kundi ay sinadyang patayin sila." Dagdag nito.

----
A/N: Mga mare! Sorry! Sorry! Sa tagal kong nawala.

By the way, happy 100k reads💖🤧, thank you so much.

I'm willing to learn more para maimprove ang sarili ko sa pagsusulat.

Thank you again😘😘😘

©Hanamitchiunnie

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now