Chapter IV.

1.2K 9 0
                                    

Nothing goes special, days goes like an ordinary day. Glen got into the Basketball team, thrice a week may practice siya kaya si Spencer? No choice but to wait for her brother dahil kaylangan niya si Glen para makauwi dahil wala siyang sariling car.

Kelly’s POV

                Every practice andito si Spencer, yah you got it right alam ko na yung pangalan niya, may kapatid pala siya na bagong sali lang sa basketball team kaya andito siya lagi at yun din yung reason kung bakit ko siya nakita dito last time. Narinig ko din na she’s a lesbian marami kasing nagpapalakad kay Glen sakanya pero sinasabi lang ni Glen sorry she’s into girls. Actually natuwa ako nung narinig ko yun, I don’t know I just like her, there something about her na di ko maexplain I want to know her more.

                “Matunaw” biro sakin ni Madison, kanina pa kasi ako nakatingin lang kay Spencer which is seating opposite to our direction. Kasama ko si Madison, Keith and Ashley nag aantay kami sa iba kasi as usual may practice kami “Kung kinakausap mo na yan hindi ka puro titig dba?, nakakatakot kana” Madison said while laughing. “Hindi niya yan kayang kausapin, nakakita na siya ng katapat niya haha :D pupusta pako hindi niya yan kaya” sabi ni Keith habang tumatawa nadin. “Ano ba yan, huwag niyo nga siyang pagpustahan hindi naman niya kayo inaano” sabat ni Ashley na halatang medyo nairita, nakikinig pala siya akala ko sa mga nag lalaro ng basketball yung atensyon niya. Medyo tumigil yung dalawa sa pagtawa. Dapat nga siguro kausapin ko na siya “Wait lang girls” sabi ko at pinuntahan ko si Spencer.

SPENCER POV

                Eto nanaman ako nag aantay kay Glen, lagi nalang ganito. How I wish may sarili akong car o kaya may mabait na mag hahatid sakin pauwi kada may practice si Glen kasi honestly? Im bored as hell nabanggit ko naba kung gano ko kaayaw makakita ng mga lalaking pawisan habang naglalaro ng basketball? Well kung nasabi ko na inuulit ko ulit I don’t think why other girls find it hot. Yuck.

“Hi” sabi nung babaeng papalapit sakin naalala ko siya pero hindi ko matandaan kung san ko siya nakita. “Hi?” patanong kong sagot. “Pansin ko kanina ka pa mag isa? Or should I say lagi kang mag isa nanunuod?” sabi niya while smiling widely. Napapansin niya ako? Ang weirdo ba manood mag isa? ok I’ll take it in a joke manner para di naman masiado nakakahiya pag sinabi niya na ang weirdo ko.

“Im waiting for someone haha :D ganon naba ako kaweirdo tingnan at napapansin ako dito? Haha :D” tumawa ako para makita talagang nag jojoke ako. “No, hindi naman kita napansin kasi weirdo ka, napansin kita kasi ang ganda mo, I find you attractive kaya wag kang mag tataka kung maraming nakakapansin sayo” sabi niya, nagulat ako naramdaman ko na uminit yung pisngi ko sa narinig ko, pano ba naman first time na girls are hitting on me, tama ba ung term ko?

Kinausap lang ako sinabi ko na agad na she’s flirting with me, feeling te? “by the way Im Kelly” buti nalang nagsalita siya kasi hindi ko alam na yung sasabihin “Spencer” “I know” she knows me? Alam ko ang init nanaman ng muka ko, kanina pa ata ako nagblublush dito “hahaha that’s creepy ano to stalker na kita at alam mo pangalan ko? Dapat ba akong matuwa o matakot? Hahahaha :D” sabi ko habang tumatawa, ang awkward sa pakiramdam.

“I think dapat kang matuwa? Hahahaha :D” tumatawa niyang sabi, tama ba to? Medyo nakipag flirt ako sakanya? Somehow. Hmm, hindi ko naman maiwasan kasi ang gaang ng pakiramdam ko sakanya, parang ang bait niya. Then narinig ko may tumawag sakanya “Practice na ata kami, una na ako” sabi niya “sige” “See you later” I nod.

Naalala ko na, siya yung sinasabi ni Kyla na Lesbian daw sa squad. I smile a little bit, I don’t know why pero knowing na nakipagkilala siya natutuwa ako : )

ASHLEY POV

                Tinawag ko na si Kelly kahit 15 minutes pa bago mag start yung practice namin, ewan ko ba. Hindi ako natutuwa sa nakikita ko na magkausap sila ni Spencer, all I want is tumigil sila sa pag uusap ok im acting like a jelous girlfriend, grrr. Hindi naman dapat at ang way ko para mapaghiwalay sila ay ang tawagin na si Kelly. Ang saya nila tingnan, nagtatawanan na agad to think na kakakilala palang, sabagay sino nga bang makakareject kay Kelly? Tsk >.< nakakawala sa mood hindi ko alam kung bakit, gusto ko ako naman yung reason ng pagtawa ng ganun ni Spencer.

NEXT DAY

SPENCER POV

                Nag aasume lang ba ako? o talagang inaantay ako ni Kelly? I walk towards her since dun naman talaga yung daan ko. “Hey Im actually waiting for you” sabi niya parang nabasa niya yung tanong sa isip ko “Im sorry kahapon hindi ako nakapag paalam kahapon ng maayos si Ashley kasi tinawag agad ako though may couple of minutes pa bago mag start yung practice namin” sabi niya. “That’s ok” maikli kong sagot then I smile, then the bell rang “Then see you later Spence” sabi niya pagkarinig ng bell I just simply nod.

LUNCH BREAK

                Nagulat ako nung nakita ko si Kelly na kasama nina Chelsea sa usual seat namin pag lunch break, first time kasi ito. “Hi?” may confusion sa boses ko “Hi Spencer” sagot  ni Kyla na may halong nakakalokong ngiti. I seat next to Kelly since siya yung umusod to give me a seat.

 Habang kumakain nagsalita si Kelly “Im just thinking im you guys is going to the party this Friday?” tanong niya habang paikot niya kaming tiningnan, may party sa Friday invited ata kung sinong gustong pumunta, ganon naman lagi sa King High pag may party sige punta lang house party yun I think. Hindi ko pa alam kung pupunta ako pero im quite excited it’s my first time kasi since new lang ako dito sa school “Yah, were coming” sagot ni Chelsea at tumango lang si Kyla. “Ikaw spencer?” tanong ni Kelly sasagot na sana ako ng nagsalita siya ulit “Would you mind going with me?” dagdag niya, speechless ako di ko alam bakit siguro nagulat? O di ko lang ineexpect na yayayain niya ko that was so fast “oo naman syempre sasama siya sayo diba Spencer?” sabi ni Kyla with matching siko pa. ha? Bakit siya yung sumafgot? Ang labo. Saka lang ako natauhan at saka tumango. And then tumingin sakin si Kyla giving her nakakalokong tingin ulit. Gaga talaga to. “well it’s all set, I pick you up at 730 sa Friday, kunin ko nadin yung number mo to know how will I get there sa bahay niyo” she said excitedly. I just give her a plain smile and give my number.

Days passed. Ganon lagi ang set up, inaantay ako ni Kelly bago pumasok then kasabay nadin namin siya maglunch, pag may practice sina Glen si Kelly yung lagi kong kasama mag hintay habang hindi padin sila nag prapractice. Mabait naman si Kelly, masarap din kasama. I could even tell you na madaming girls sa school ang naiingit sa treatment na binibigay sakin ni Kelly, but I can’t help it sina Kyla at Chelsea lang ang kinikilig and natutuwa somehow.

Don’t get me wrong natutuwa din naman ako sino bang hindi matutuwa sa ginagawa niyang effort, pero hindi ko maexplain parang walang dating, walang kilig, walang butterflies, walang imaginary cute little sounds na masarap pakinggan, wala lahat just a plain and boring scene. Pero lahat naman daw pwede magbago diba? So im giving her a chance, as well as myself malay mo magwork.

i love her, but i'm a girl [tagalog] (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon