Chapter 11: QED Club in Action!

3.1K 247 138
                                    

JAMIE

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

JAMIE

I HAD always wanted to see the QED Club in action kaya hindi ko na pinalampas ang opportunity na 'to. After ng first meeting namin ni Loki—at n'ong Lorelei—sa kanilang clubroom, halos hindi na ako mapakali. Halos hindi na ako makahintay na maka-receive ng update mula sa kanila. Sayang nga lang kasi kay Lorelei ko naibigay ang number ko. Kung kay Loki sana, e 'di direkta na kaming magka-communicate. Hindi na kailangan ng middleman—or middlewoman, in Lorelei's case.

But that's okay! Baka hindi ito ang una at huling chance para maging close kami.

Bago mag-lunchtime, naka-receive ako ng message mula kay Lorelei. Tinanong niya kung pwede raw ba nilang ma-meet ang cast at crew ng Repertory Club mamayang hapon. Napangiti ako habang binabasa 'yon. Mas kikiligin siguro ako kung si Loki mismo ang nag-text sa akin. Pero okay na 'to! Makikita ko naman siya mamaya. I replied na walang problema sa request. Maliban sa pagiging lead actress, malakas din ako sa mga tao sa club namin. One hundred percent guaranteed na pagbibigyan ako.

Parang bumagal ang oras habang hinihintay ko ang class dismissal. Halos 'di na nga ako nakinig sa teachers. Halos 'di na rin ako masyadong nag-effort sa recitation at seatwork. Ang tanging nasa isip ko, at ang tanging gusto kong pagkaabalahan, ay 'yong meeting namin mamaya.

Nang nag-ring na ang school bell at pinalabas na kami, nagmadali akong pumunta sa girl's comfort room para mag-ayos. I still looked good kahit hindi ako mag-retouch, pero kailangang maging consistent ang itsura ko. If I looked my prettiest this morning, I should look my prettiest too this afternoon! Grabe, ha? Bihira lang ako mag-effort ng ganito.

When I was all set, umakyat na ako patungong fifth floor. Ang meeting spot namin ay malapit sa hagdanan. May strategy session muna raw bago kami pumasok sa loob ng auditorium. Pagdating ko ro'n, wala pang tao kahit saan ako tumingin. Sa sobrang excited ko yata, napaaga ang dating ko rito.

Well, mas mabuti nang early kaysa late! Nakate-turn off kasi ang tardiness for me. May times din naman na late ako sa mga lakad ko. Pero 'di baleng ako ang ma-late, huwag lang ang mga kasama ko.

Hindi ko na kinailangang maghintay nang matagal para may makasama rito. Nakita ko na agad si Lorelei na papaakyat. Akala ko'y may kasama siya sa likuran, pero mag-isa lang siyang dumating dito.

"Nasaan si Loki?" agad kong tanong sa kanya. He's the only reason why I was excited this afternoon. Nginitian ko siya kaya nginitian din niya ako pabalik kahit pilit. Feel ko na hindi siya sanay sa ganitong level of interaction.

"Baka hindi pa tapos ang klase nila," sagot niya at saka tumayo sa tabi ko. Aakalain niyan ng mga dumaraan na estudyante na close kami. "Don't worry. Siguradong susunod na siya rito."

Naging awkward ang sumunod na moments sa pagitan namin. May mga dumaan na estudyante sa harapan namin na patungo sa hagdanan. Nginingitian ko sila kapag nagagawi ang kanilang tingin sa akin. Kailangan kong maging approachable at accommodating sa harap ng iba. Mahirap na, baka may kumalat na post sa CHS Confessions na snub daw ako kahit hindi.

Origins of the QED ClubWhere stories live. Discover now