18

1.6K 79 66
                                    

"Taeh!"

Eos saw Jimin waving his hand at him. Nakababa ang bintana ng sasakyan nito at naka-tigil sa harapan ng building. Ipinakita nito sa kanya ang supot na dala. Paniguradong iyon na ang gamot na ipinabili niya.

Dali-dali siyang naglakad patungo rito saka inabot ang supot.

"Thanks, Jim. Bigay ko muna sa kanya," ani Eos.

Jimin nodded. Ngunit hindi nakatakas sa mata niya ang kamay ni Taehyung na punong-puno ng mga tinta.

"Pinush mo na naman ang sarili mong gumawa ng maraming plates sa isang araw?" Jimin can't help it. Lumabas na sa bibig ang tanong na sinubukan niyang kimkimin for the past few weeks. Masyado siyang nag-aalala para sa kaibigan.

"Kaunti lang naman. Dumami na kasi ang mga kliyente kaya natatambakan ako," tipid ang ngiting sagot ni Taehyung.

Umiling-iling na lang ang kaibigan. Hindi rin alam ni Jimin kung bakit hindi sa iisang kompanya nagtatrabaho ang mag-asawa. Parehas naman silang architect. They could've just apply in one company para mabantayan nila ang isa't-isa 'di ba?

Taehyung went back inside. Inabot niya ang gamot sa co-worker slash kaibigan na si Hyunjin. They were blockmates back in college. Tanda pa niyang naging ka-grupo niya ito sa isang group project na siyang naging daan para makilala niya si Ares.

"Thanks, Taehyung. Pwede namang ako na lang ang bumili," ani Hyunjin sabay abot sa supot.

"They need you here. Saka sakto namang andoon na rin ang kaibigan ko. Hassle pa kung lalabas ka," sagot ni Taehyung.

"Sige. Salamat!"

Tanging tango na lamang ang isinagot niya sa kaibigan. Pagkatapos noon ay dali-dali ulit siyang bumaba para makauwi na. He was catching his own breath nang makarating ulit sa harapan ng sasakyan ni Jimin.

"Jims! Tara na?"

He hopped in inside his car. Ngunit naisara na niya lahat lahat ang pinto, hindi pa rin nagsasalita ang kaibigan. Kaya naman nilingon na niya ito. Jimin blinked twice. Nanlalaki ang mga mata nito na para bang may nakitang multo.

"Jimin? Ayos ka lang ba? Bakit ganyan—"

"Your nose... is bleeding, Taehyung."

PadabaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon