12

1.8K 88 16
                                    

"Text me kung pauwi ka na."

Ares placed a kiss on Eos' lips. Hindi pa nakuntento. Ilang beses pa iyong naulit dahilan para matawa ang huli. Years passed, walang nagbago. He's still treating Eos like his baby.

Forever his baby.

"Opo, boss!" Pabirong sumaludo si Eos sa asawa saka lumabas ng sasakyan. Ares rolled down the window to look at his husband once again.

"Hindi ka pa mapula. Kulang pa yata sa halik. Come here," Ares teased.

Kumunot ang noo ni Eos dahil sa narinig habang may sinusupil na ngiti sa labi. Sanay kasi si Ares na nakikita ang namumulang mukha ng asawa sa t'wing mahahalikan.

"Tama ka na, Jeon. Masyado ka na," umiiling-iling na sagot ni Eos sa asawa.

Ares chuckled. "Bye, see you later. Huwag magpapagod, ha? Sinabihan ko sina Jimin na paalalahanan ka lagi uminom ng tubig kung sakaling ma-busy rin ako—"

"Opo, boss. Copy!" Eos blew a kiss. Sumakay si Ares sa pakulo niya at nagkunwaring hinuli ang halik saka iyon itinapat sa sariling labi.

"I love you, baby," malambing na ani ni Ares sa loob ng sasakyan.

Lumingon-lingon sa paligid si Eos. Mukha namang walang makakakita sa kanila rito dahil nahaharangan sila ng mga sasakyan sa parking. Kinuha na ni Eos ang oportunidad na malapitan si Ares. He opened the door of the front seat at itinukod ang tuhod sa upuan. He leaned in to give his husband a longer kiss.

Their lips met like magnet. Ares' arms automatically encircled around his waist, making sure na hindi siya mahuhulog sa upuan. Habang siya naman ay ipinulupot ang braso sa leeg ng asawa.

Nagtagal ang halik nang halos tatlong minuto. No one wants to pull back. Kahit pa kinakapos na sila parehas ng hininga. Naputol lang iyon nang makarinig sila ng preno galing sa kalsada sa harapan ng building.

"Pasok ka na. Baka hindi ako makapagpigil kapag nagtagal pa tayo rito," hinihingal na sambit niya.

"I love you," Eos whispered, brushing their lips against each other.

"I love you more," sagot ni Ares na may nakakabaliw na ngisi sa labi. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naghaharumentado ang puso ni Eos ngayon.

PadabaWhere stories live. Discover now