Chapter 8

550 27 8
                                    

Halos mahigit dalawang buwan na rin ang nakakalipas simula nang maging magka-partner kami ni Tyler sa isang minor subject.

Wala na rin naman akong naririnig na masama sa mga tao sa paligid ko pero minsan ay matalim pa rin ang tingin nila sa akin kapag kasama ko si Tyler.

Paano pa nila ako paparinggan kung halos iwasan ko na nga si Tyler kahit sa klase. Nag-uusap lang kami tuwing may itatanong sa isa't isa o hindi naman kaya tungkol sa magiging mga report namin.

Mukha na nga akong tanga eh. Feeling maganda. Akala mo naman gusto talaga akong kausap ni Villagracia. Napabuntong hininga ako at kumagat sa hawak kong waffle.

"BFF. Why naman busangot na naman iyang face mo? LQ kayo ni Pareng Tyler?" tanong ni Samara kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"LQ ka dyan! Mamaya may makarinig sa'yo sabihin ambisyosa pa ako. Tigilan mo rin iyang kaka-pare mo sa tao. Ano 'yun, close kayo?" mataray kong sabi sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa.

Inakbayan niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Alam mo, malakas ang kutob ko. Kayo ang end game ni Fafa Tyler. Kapag nangyari iyon, ako dapat ang bridesmaid ha?" sabi niya ng nakangisi at para pang nagi-imagine.

"Asa ka naman! Pwede pa kita maging bridesmaid pero panigurado at malayo sa hinagap na si Tyler ang groom. Nahihibang ka na."

"Walang imposible, BFF! Look mo ako! Sa ilang taon kong naging crush si Dylan, may lihim na tampururut din pala sa akin. Jowa ko na ngayon ang gwapong bebe na iyon." kinikilig na sabi niya. Kulang na lang ay mag-hugis puso ang mga mata niya.

"Ikaw iyon! Magkaiba tayo." sabi ko sa kanya at napanguso.

"Ang hilig mo naman kasi ibaba ang sarili mo, Cholita. Hindi ka naman panget ha? Cute ka nga eh. Malaki pa boobs mo. Asset natin 'yan, girl! Laban lang!" nakangisi niyang sabi at pinindot pa ang gilid ng dede ko gamit ang hintuturo niya.

Ginantihan ko rin naman siya kaya pareho kaming natawa.

"Puro tayo kalokohan. Kaya napagkakamalan na tayo ang mag-jowa eh. Tara na nga. Kailangan ko pa makipag-meet kay Tyler. May usapan kami na tatapusin namin iyong video presentation ngayon hanggang sa weekend." sabi ko kay Samara.

Inisa-isa ko ng ligpitin ang mga gamit ko nang marinig ko ang impit niyang pagtili. Tinignan ko siya habang salubong ang mga kilay ko. May topak na naman ang isang 'to.

"Anong video iyan? Nako, Cholita ha. Graduating na tayo! Tsaka na kayo gumawa ng sex scandal ni Fafa Tyler kapag graduate na tayo para may diploma  ㅡ Aray naman!"

Napatigil siya sa sinasabi niya ng kurutin ko siya sa tagiliran. Ramdam ko tuloy ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Kahit kailan talaga walang preno!

"Puro ka kalokohan! Kapag talaga may makarinig sa'yo, tatapon kita sa Pasig River! Parang hindi mo naman kilala iyong mga taong may gusto sa kanya. Kulang na nga lang ilagay ako sa pugon para mawala sa landas nila eh, dadagdagan mo pa."

"Bakit? Ayaw mo ba maranasan 'yun? Ako nga gusto ko na eh kaso nahihiya pa ako kay Dylan. Hanggang kiss pa lang kami." sabi niya sa akin habang nakanguso.

Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga alam kung paano tumatakbo ang utak ni Samara. Paano ko ba 'to naging bestfriend?

"Mauuna na ako. Iyang bibig mo, pigil-pigilan mo ha. Kaya ka napapaaway eh."

"Hindi ko naman kasalanan kung nagsasabi ako ng totoo sa kanila 'no! Mabaho naman talaga yung bunganga ni Cara kaya sinabihan ko siya mag-toothbrush. Concern na nga ako, siya pa galit. Hmp!"

Lascivious Series #5: Endless LabyrinthWhere stories live. Discover now