Chapter 1

1.7K 40 4
                                    

"Anak! Bumaba ka na rito at baka mahuli ka pa sa eskwela!" narinig kong sigaw ni Meemee sa sala.

Nalukot naman ang mukha ko habang nakatingin sa tinutungtungan kong weighing scale. 70 kg na ako. Ang bigat-bigat ko na naman!

Kasalanan ko naman eh. Alam ko naman na madali akong madagdagan ng timbang pero simula noong semestral break ay wala na ata akong ginawa kung hindi ang humilata at kumain. Lagi naman kasi si Meemee ang gumagawa ng gawaing bahay at hindi niya ako ino-obliga na kumilos. Hinihintay niya lang ako palagi na ako na ang magkusa na minsan lang kung mangyari.

Bagsak ang mga balikat na kinuha ko ang backpack ko at bumaba na. Naabutan ko doon si Mamshie na abala sa pag-sandok ng kanin at nilalagyan ang plato naming dalawa.

"Meemee naman eh! Hindi nga ako kakain ng madami, diba? Tignan mo ang itsura ko? Ang taba ko na lalo! Aasarin na naman ako sa school." angal ko sa nanay ko at nalulungkot na naupo sa tapat ng hapagkainan.

"Ano ka ba naman, Cholita! Wala naman masama kung malaman ka, maganda ka pa din naman at mana sa akin. Huwag mo nga pinapansin iyong mga nanlalait sa iyo! Mga panget ang mga iyon, walang manners. Sa akin ka maniwala dahil ako ang nanay mo." sita niya at sumubo na ng sinangag na may itlog.

"Ayun na nga, Meemee! Nanay kita kaya sinasabi mo lang na maganda ako pero hindi naman. 4th year college na ako pero inaasar pa din ako. Wala man lang nanliligaw sa akin samantalang iyong mga ka-blockmates ko laging kinikilig sa mga boyfriend nila!" angal ko at napasubsob sa lamesa.

"Kahit naman may manligaw sa'yo, para naman papayagan kong ipaligaw ka. Huwag ka na nga malungkot diyan. Papasalubungan kita mamaya ng dalawang Magnum Ice Cream pagkagaling ko sa trabaho." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

Napaangat naman ako ng ulo at hindi mapigilang mapangiti.

"Sabi mo yan, Meemee ha? Maganda pa rin naman ako diba? Kahit mataba ako? 'Diba?" tanong ko sa kanya kaya napangiti siya sa akin at napapailing.

"Oo nga, sige na at kainin mo na 'yan. Nasa lunch bag na rin iyong pagkain mo. Adobo ang ulam na niluto ko kaya dinamihan ko ang lagay. May ginawa din akong sandwich para sa inyo ni Samara." sabi niya kaya napangiti na ako ng mas malawak.

Kaya mahal na mahal ko si Meemee eh. Lagi siyang nandyan para pagaanin ang loob ko at asikasuhin ako kahit sumpungin ako.

"The best ka talaga, Meemee! Labyu!" sabi ko sa kanya at nag-flying kiss. Natawa naman siya at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Napatitig ako kay Meemee. Kung hindi lang sana kinuha agad ni Papa Lord si Deedee, makikita ko pa rin sana ang kislap sa mga mata niya.

Simula kasi ng mamatay ang tatay ko pagkatapos ng graduation ko noong senior high school ako, bigla na lang siya naaksidente sa site kung saan siya nagta-trabaho. Nawalan kasi ng preno iyong malaking truck na may karga ng mga materyales at nasagasaan siya.

Sobra ang iniyak namin ni Meemee at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap ang nangyari sa tatay ko. Minsan naririnig ko pa sa gabi na umiiyak sa kwarto si Meemee habang hinahaplos ang picture ni Deedee. Parang kagabi lang. Araw-araw.

Masakit man para sa kanya pero hindi niya pinapakita sa akin iyon kaya naiiyak na lang din ako mag-isa para hindi niya makitang nasasaktan ako para sa kanya.

Mahal na mahal nila ang isa't isa. Naging magkataguyod sila sa hirap at ginhawa. Nakapag-patayo pa nga sila ng mga paupahan sa probinsya at dito sa Maynila pero unti-unti rin nabenta ang ibang ari-arian dahil sa kailangan namin ng pang gastos noon. Wala kasing trabaho noon si Meemee. Housewife lang siya at siya lang ang tanging umaasikaso sa mga paupahan noon. Malungkot nga lang isipin na tanging tatlong paupahang maliit na apartment at itong bahay na lang namin ang natira.

Lascivious Series #5: Endless LabyrinthWhere stories live. Discover now