Chapter 4

928 33 6
                                    

Tulala ako sa buong oras ng klase at iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Hindi na talaga ako nagtataka bakit madami ang nagkaka-gusto sa lalaking iyon. Masyadong matamis magsalita! Talo pa iyong magnum na binibili sa akin ni Meemee!

Napayukyok ako sa table ko at napatingin sa labas ng bintana ng classroom. Ilang araw ko pa lang nakikilala ang isang iyon, pakiramdam ko ang dami na agad nagugulo sa sistema ko. Sabagay, siya lang naman ang unang lalaki na pumasok sa buhay ko. Wala naman kasi akong kaibigan na lalaki dahil nga gawa na rin na madali akong mailang kapag may lalaki sa paligid ko.

"BFF! Bakit hindi ka nagpapakita sa akin buong araw? Nakakatampo ka na ha!" napatingin ako sa tabi ko at nakita roon si Samara na busangot ang mukha habang inilalapag sa upuan ang bag niyang sobrang dami ng keychain.

"Eh paano, iyang bestfriend mo lumalandi. Akala mo naman maganda." narinig kong pasaring ng isa sa mga block mate namin na nakaupo sa harap, si Anna.

Mahadera talaga ang isang 'to. Pasalamat talaga siya at hindi ako palapatol kung hindi nabangasan ko na iyong ilong niya na gawa sa silicone.

"Gaga! Hindi malandi BFF ko. Tulad mo pa sa'yo! Chaka mo!" patol ni Samara kaya tinignan siya ng masama ni Anna.

"Huwag mo na patulan. Uubusin mo lang oras mo sa mga taong hindi naman importante." bulong ko kay Samara kaya napatingin siya sa akin.

"Eh epal kasi iyan eh. Tama bang sabihan kang malandi eh hindi ka nga marunong humarot. My gosh, BFF! Yung dugo ko!" exaggerated niyang sabi at umupo na sa tabi ko.

"I am just telling the truth, dimwit! Itanong mo pa dyan sa bestfriend mong malandi. Kung makadikit kay Tyler akala mo naman papatulan siya. Akala mo mabait, nasa loob pala ang kulo." sabi ni Anna at sumang-ayon naman ang dalawang kaibigan niya na mahadera.

Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga kaklase namin kaya nailang ako. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko sa lahat eh yung ganitong klase ng atensyon sa mga tao.

Napatingin naman sa akin si Samara at kumunot ang noo niya.

"Tara usap tayo sa CR, madaming chismosa dito na mahilig mag-bintang. Gawa naman sa silicone ang ilong." sabi ni Samara kaya narinig ko ang tawanan ng iba naming kaklase.

Hinatak ako ni Samara palabas ng room at dumiretso kami sa CR. Sinilip niya muna lahat ng cubicle at nilock ang pinto.

Nang humarap siya sa akin ay kita ko ang pag-silay ng nakakalokong ngiti niya at itinaas baba niya pa ang kilay niya sa akin.

"SABI KO NA EH! TYPE MO SI FAFA TYLER!" sabi niya at biglang nagtitili.

"Ara! Boses mo!" sita ko sa kanya at tinakpan ang bibig niya.

"Kaya pala iba titig mo noong game ha? Akala ko wala lang eh kasi iniisip ko hindi ka naman madaling magka-crush pero tama pala hinala ko. Chika mo na dali!" excited na sabi niya at inalog pa ako.

"Ara nahihilo ako sa'yo!" angal ko sa kanya kasi naman kung makaalog akala mo pati braincells ko malalaglag na.

"OMG! Buntis ka na agad? Magiging ninang na ako?" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at tinampal ang bibig niya.

"Kahit kailan talaga iyang bibig mo! Tumigil ka na ha! Partner ko lang siya sa reporting tapos ang dumi na agad ng isip mo." pinandilatan ko siya pero ngumiting aso lang siya at tinusok ang tagiliran ko.

"Yieee! Magkaka-lovelife na BFF ko! Parang ako lang ha! Sabay na ba tayong magkaka-jowa?" tinaas baba niya pa ang kilay niya kaya napakunot ang noo ko.

"At sino naman ang kalandian mo aber! Susumbong talaga kita kay Tita!"

Lascivious Series #5: Endless LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon