GPVSCP: Chapter Four

111K 1.7K 131
                                    

Third Person's Point of View

Nang umalis si Lawrence sa tabi ni Alexis ay agad itong dumiretso kung nasaan ang isang kaibigan niya na mahimbing pa ring natutulog na katabi naman ni Lucille.

Si Lucille naman ay pilit na iniiwas ang tingin sa katabi, dahil bukod sa hindi niya makita ang mukha nito ay ayaw niyang mapag abutan siyang nakatitig dito.

Bago pa man tuluyang makalapit si Lawrence sa kaibigan ay napatigil siya nang biglang pumasok muli ang isang professor nila.

"There will be an important meeting today. Cut na ang lahat ng klase para sa araw na ito. Iyong mga wala nang importanteng gagawin sa school ay maaari nang umuwi. Thank you and take care."

Matapos i-announce iyon ay dali daling umalis muli ang propesor. Huminga ng malalim si Lawrence at nagpatuloy na sa paglalakad nito patungo sa kaibigan niyang katabi ni Lucille.

Marahanag ginising ni Lawrence ang kaibigan. "Thunder, wake up. The class is over. Umuwi na tayo at doon ka na matulog."

Tinabig ng binatang katabi ni Lucille ang kamay ni Lawrence kaya mariin itong napapikit, nagpipigil na mainis dahil alam niyang sayang sa oras kung maiinis lang siya.

"Alam nang natutulog ang tao, eh! Respeto naman!" Giit ng lalaki.

Napakunot ang noo ni Lucille at napatigil siya sa kung ano mang ginagawa niya. Para sa kanya ay pamilyar ang boses na iyon, hindi niya nga lang masyadong matandaan kung saan niya iyon narinig.

"Gisingin mo na si Blood. I'll wake Prince. Do it. I want to go home." Mahinahon pero mariing sabi ni Lawrence sa kaibigan nang masigurado nitong gising na ito. Naglakad na si Lawrence papunta sa isa pa nilang kaibigan para gisingin na rin.

Itinunghay na ng lalaki ang kanyang ulo at kunot noong kinusot ang mata. Napatingin siya sa kanyang katabi nang mapagtantong may nakaupo na roon. Tumaas ang isang kilay nito noong una pero agad ding ngumisi.

"So, I have a seatmate now. Sinong naglakas ng loob tumabi sa akin, ha?" Sarkastikong sabi nito bago silipin ang kanyang katabi.

Mariing pumikit si Lucille. Naiinis man ay pinigilan niya pa rin. Ayaw niyang mang away sa unang araw niya rito.

"Can you please—"

Agad siyang napatigil sa pagsasalita nang harapin niya ang lalaki ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakita. Ang kaninang pagpipigil ng inis ay hindi na niya napigilan pa. Agad siyang kinain ng galit niya para sa binatang iyon.

"Shit, it's you!" Hindi na maiwasan ni Lucille ang pagsigaw.

Napataas ang kilay ng lalaki bago tumawa. "Oh, hindi ba ikaw iyong naligo kakahanap ng office ng department?" Tinuro niya pa si Lucille bago tumawa tawa.

Nagsalubong ang kilay ni Lucille dahil doon. Hindi na niya maitago ang nararamdamang pagkainis para sa lalaki.

"Ikaw ang dahilan bakit ako nabasa noon! How dare you laugh at me right now?!" Umirap si Lucille at humalukipkip. "At kapag minamalas ka nga naman, ikaw pa ang nakatabi ko? What the fuck."

Natigil sa pagtawa ang lalaki bago magsalita. "Bakit nagrereklamo ka pa? Pasalamat ka nga at ang gwapo pa ng nakatabi mo. Ako dapat ang nagrereklamo dahil kagaya mo ang katabi ko, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Lucille sa gulat dahil sa narinig niya. "Are you saying that I'm ugly? Ang kapal naman ng mukha mo! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Mister? Eww ka."

Tumawang muli ang lalaki, natutuwa dahil nagagawa niyang inisin ang katabi niya. "Bully ako but I'm not a liar. Totoo namang gwapo ako." Kininditan pa nito si Lucille bago tumayo.

Gangster Princes VS. Casanova Princesses (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon