GPVSCP: Chapter Three

123K 1.9K 82
                                    

Alexis' Point of View

"Usapan walang gigimik kapag weekdays, ha? Kailangan natin iyon kahit na uhaw na uhaw na kayo sa lalaki at alak." Natatawang sabi ni Sabrina. How can she do that? How can she say that? Sigurado ba siyang kakayanin niya?

"I agree. Kahit na alam kong medyo mahirap iyon pero sa tingin ko ay mas makakabuti pa rin iyon sa atin. We need to stay lowkey. We need to hide our identity dahil baka mas una pa tayong ma-track ng mga kalaban natin kaysa tayo ang maka-track sa kanila at makakuha ng inpormasyon." Ani Lucille sa isang tabi.

Hindi nalang ako nagsalita. Sa tingin ko ay mas mabuting manahimik nalang lalo na't wala naman akong sasabihing maganda.

"I'm fine with that. Mas mabuting magpanggap tayong mahinhin or mga pa-virgin kaysa mahuli ng kalaban. Hindi naman natin ikamamatay kung hindi tayong madiligan ng ilang araw lang." Sabi naman ni Andrea na nakasandal sa table habang kumakain ng dried peanuts.

"Hello? Hindi naman siguro tayo mahahalata agad kahit magbar tayo araw-araw 'no? And how sure are you na makikita natin ang mga Gangster Princes or whatsoever na iyon sa mga bar na mapupuntahan natin? Sobrang liit naman ng mundo kung ganoon." Iritang sabi ko. Ako lang ata itong ayaw sa mga gusto nilang mangyari.

"Well, for your information, Miss Alexis Ciannait Sasayama, maliit lang talaga ang mundo. Maaaring may background na rin sila sa kung sino tayo o kung anong balak natin bago pa man tayo makatungtong dito sa Pilipinas, kaya mas mabuti na iyong mag ingat. Hangga't maaari nga ay iwasan muna natin ang gumimik." Ngumunguyang sabi ni Andrea. Hindi pa ba siya busog? Kakakain lang namin ng hapunan, ah?

"True. Magpadeliver nalang tayo ng lalaki." Matapos sabihin iyon ni Sabrina ay malakas siyang tumawa.

"Gaga ka!" Natatawang sabi rin naman ni Lucille.

"Para saan iyong lalaki? Nako Sab, can't you live without sex? Kahit ngayon lang, hanggang matapos natin itong misyon natin. After this, magpakasawa ka sa lalaki." Naiiling na sabi ni Andrea.

"I can naman. Pero syempre, I still have my needs. Ang dami kong lalaking iniwan sa Korea para lang dito 'no. Kailangan ko ng ipapalit sa mga iyon."

"Bakit hindi mo nalang pagtuunan ng pansin iyong si Mr. Cold Guy mo? He's your next prey, right? To win our bet." Sabi ko sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Sabrina dahil sa sinabi ko and she snapped her finger.

"Oo nga pala. Virgin pa kaya iyon? Ayokong nagli-lead sa lalaki, eh. But it's fine na rin. New experience." Humalakhak siya kaya't binato siya ni Lucille ng unan at nakisabay sa pagtawa nito.

"Ikaw Lucille, wala kang balak gantihan iyong nanggago sayo?" Pagtatanong ko.

"Ewan ko, ayoko na ngang makita ulit iyon at baka masira ko lang ang magandang mukha niya. Nako!" Umakto pa siyang nanggigigil.

"Gwapo ba talaga, girl?" Lumapit si Sabrina sa kanya.

"Oo, sis. Halos luhuran ko na nga. Akala ko ay parte siya ng Greek god na bumaba rito sa lupa." Kita ko ang pagkawala ng inis ni Lucille kaya't napailing nalang ako.

"Iyong lalaki rin na nakabunggo ko, eh. Gwapo talaga. Gagawin ko talaga ang lahat para lumuhod at magmakaawa sa akin iyon. Makita niya." Deklara ni Sabrina. Napakamot tuloy ako sa noo ko.

"Nako girl, kakaganyan mo baka ikaw ang lumuhod at sumamba diyan sa sinasabi mong mala-Adonis dahil sa kagwapuhan."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya't nagtawanan kami. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na rin kaming matulog.

Kinaumagahan ay wala naman kaming naging problema. Lahat ay nagising sa tamang oras, maging si Andrea.

Nag ayos na ako at naglagay lang ng light make-up. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay, the uniform is cute. Hindi ko ikakahiyang isuot ito kahit na mas gusto kong magcivilian para makaporma ako.

Gangster Princes VS. Casanova Princesses (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon