GPVSCP: Chapter Two

140K 2K 68
                                    

Lucille's Point of View

"Andrea, gumising ka na." Marahan ko siyang niyugyog para magising na siya ngunit hindi pa rin niya iminumulat ang kanyang mga mata. Damn, naiirita na ako, ha. Sumasakit na ang lalamunan ko kakatawag sa pangalan niya kanina pa pero hindi ko pa rin magawang gisingin ang babaeng ito.

Buhusan ko kaya ito ng malamig o kumukulong tubig? Okay, which is better?

May importante kaming appointment ngayon dahil mag eenroll kami sa nasabing school nila Tita kung saan may hint silang naandon din ang mga hinahanap namin and here's Miss Andrea Marcella Sy, sleeping like there's no fucking tomorrow. Huling tulog na ba niya ito kaya't nilulubos na niya?

"Andrea, ano ba? Hahapunin tayo kapag hindi ka pa bumangon diyan. Baka masyadong dumami na ang tao sa school. Ayokong pagkaguluhan." Patuloy na panggigising ko sa kanya.

Iniisip ko rin kasi na malaki ang chance na pagkaguluhan kami because why not? Masyado kaming maganda para hindi magstandout sa school na iyon kaya kahit planuhin kong maging low profile ay hindi iyon mangyayari.

Bumukas ang pintuan kaya't tamad ko itong nilingon nang makita kong pumasok si Alexis. Tiningnan niya ako bago ilipat ang titig sa babaeng natutulog pa rin.

"Holy shit, tulog pa rin si Andrea? Ginigising mo ba talaga o baka naman kinakantahan mo pa ng lullaby kaya lalong hindi magising, Lucille?" Anito.

Kasalanan ko pa ngayong hindi ko magawang magising si Andrea? Why blame me when I did nothing wrong and tried to wake this bitch up.

"Hindi ko kasalanan na kahit anong panggigising ko sa kanya ay hindi siya magising." Humalukipkip ako at inirapan si Alexis.

Narinig ko na rin ang boses ni Sabrina sa may sala dahil mukhang naiinip na sa amin kakahintay. Lahat kasi kami ay nakaayos na, itong si Andrea nalang ang hindi pa.

"Hoy Andrea!" May ibinato si Alexis na unan kay Andrea para gisingin na rin ito but still, it has no effect on her. Damn, I surrender.

Tinapunan ko si Alexis ng tingin. "Didn't you guys stay late last night? Anong ginawa niyo? Nagising nalang ako hating-gabi ay nag iingay pa kayo."

Natigilan saglit si Alexis at halatang napaisip. May pagdadalawang isip sa kanya, kung magsasabi ng totoo o hindi. Bakit pakiramdam ko ay nagbabalak pa siyang magsinungaling sa akin?

"Nagpunta kaming bar." Nagkibit balikat siya matapos sabihin iyon.

Halos masabunutan ko si Alexis dahil sa sinabi niya. Nagbar sila nang hindi ako kasama? Bakit sila sila lang? Akala ko ba ay magkakasama kami sa lahat ng kagagahan nila? Bakit nang iiwan ang mga bitch na 'to?!

Kunot noo kong tiningnan si Alexis na ngayon ay ginigising pa rin si Andrea.

"Nagbar kayo? Tapos hindi niyo ako sinama? Magkaibigan ba talaga tayo? Pakiramdam ko kasi hindi." Pag iinarte ko. Nakakatampo na hindi nila ako sinama sa gimik nila kagabi.

"Ang drama mo! Hindi ka lang naisama ng isang beses, eh. Tulog ka na kasi kagabi, ayaw naman naming sirain ang tulog mo. We can still hang out next time. We have a lot of time. Chill ka lang. Gisingin muna natin si Andrea." Nagpeace sign pa ang gaga. Akala niya naman mawawala ang inis ko dahil sa pang iiwan nila sa akin.

Halos mapatalon kaming dalawa ni Alexis nang may pabarang na nagbukas ng pintuan. There, we saw Sabrina, looking at us like we committed something bad, habang nakapamewang.

"Ang tagal niyo! Hahapunin na tayo sa pagpapaenroll, eh." Sigaw nito sa amin bago tumingin kay Andrea na natutulog pa rin. "And look at Andrea, ginigising niyo ba talaga? Dalawa na kayo ay hindi niyo pa rin magawang gisingin ang babaeng ito." Nilapitan na rin kami ni Sabrina at tumulong sa paggising sa kaibigang himbing na himbing pa rin.

Gangster Princes VS. Casanova Princesses (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon