XLVIII

5.9K 358 204
                                    










" Sabi ko na nga ba..Dapat hindi na tayo pumasok ngayon! " Galit na sabi ni Janice sa mga kaibigan niya.








" Eh kase nabalitaan ko na pumasok si Sally! " Naiiritang sabi ni Jade.








Kasalukuyan silang nagtatago ngayon sa maliit na guard house, Kapwa sila nakayuko dahil transparent ang bandang taas ng pader ng guard house kaya nakayuko sila. May mga kung anong nilalang ang humahabol sa kanila kaya napunta sila sa ganitong lugar.








" Tangina.. Ang baho baho naman dito! " Maarteng sabi ni Alessandra.








" Wag kayong maingay! Pare- parehas tayo mamatay ng di oras.. " Naiinis na sabi ni Janice.









Sa sobrang inis nito ay hindi niya na namalayan na napatayo na pala siya. Tsaka niya lang namalayan na nakatayo na pala siya ng magtama ang mata nila ng bampirang papalagpas na sana sa pwesto nila. Abot tenga ang ngisi nito habang nakatingin kay Janice bahagya pa nitong dinilaan ang ilalim ng bibig niya na mas lalong nagpataas ng balahibo ni Janice.









" AaAahh! " Sigaw ni Janice at mabilis na lumabas sa guard house iniwan pa nito ang mga kaibigan niya sa sobrang takot.









" Tangina Takbo!! " Malakas na sigaw ni Jade at nag- ala the flash sila sa sobrang bilis tumakbo iba nga talaga nagagawa kapag nasa alanganin ang buhay mo.








Ang maarte ay nagiging mabilis, Ang pabebe ay nagiging desperada, Ang mayabang ay nagiging matatakutin kaso anong laban nila sa bampirang may kakaibang bilis? kumpara dito ay walang wala sila.







" Putangina... Mamatay na ata ako! Ito na ata ang karma ko sa lahat ng mga kasalanan ko.. Mama! Help me.... " Naiiyak na sabi ni Janice








" Putangina niyo kase! Dahil sa inyo sumama ugali ko hindi naman ganito dati ugali ko!! " Naiiyak na sabi ni Jade. Tumatakbo paren ito. Saglit itong tumigil dahil sa sobrang pagod ngunit ng makita niya ang panget na mukha ng bampirang humahabol sa kanila ay agad siyang mabilis na tumakbo. " Putangina naman! Mamatay na ngalang bakit hindi pa gwapo ang humahabol kingina naman!! Saksakin ko nalang kaya sarili ko??!! " Dagdag pa nito.









" Kamalasan naman! " Naiinis na sabi ni Alessandra dahil sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya namalayan na may bato palang nakaharang kaya nagresulta iyon ng pagkadapa  niya. Tatayo pa sana siya ngunit ng makita niya ang papalapit na bampira ay napapikit nalang siya ng di oras. This is her end she thought.








" Punyemas ka naman Alessandra! Pati ba naman ngayon pinapairal mo yang katangahan mo!! " Naiinis na sabi ni Janice at inalalayan ang kaniyang kaibigan. Napilitan pa siyang bumalik kahit malayo layo na ang kaniyang natakbo. Nagmamadali niyang tinayo si Alessandra ngunit huli na ang lahat.









Nasa harap na nila ang bampirang may ngisi sa mga labi. Kitang kita ang tulis ng mga pangil nito na tila naghihintay ng maka kagat.









" Ang tanga tanga niyo talaga kahit kelan!! " Naiinis na sabi ni Jade. Umupo ito sa kanang bahagi ni Alessandra habang si Janice naman ay nasa ikaliwang bahagi ni Alessandra bali napapagitnaan nila si Alessandra.








" Sabay sabay tayong mamatay! What's friends for? " Matotouch pa sana si Alessandra sa kaniyang mga kaibigan ngunit ng makita niya ang bampirang unti- unting papalapit sa kanila ay sabay sabay silang napasigaw.









Reincarnated as Seventh daughter of Mafia BossWhere stories live. Discover now