XL

6K 299 79
                                    







Tumingin ako sa buong palibot ng pamilihan ng lungsod ng Europia. Huminga akong malalim bago pumasok sa panglimang pamilihan na napuntahan ko.. Kanina pa ako naghahanap ng supplier ngunit pare- pareho ang mga sagot nila.










" Aba Ineng! Mahal ko ang buhay ko mabuti pa't sa iba ka nalang maghanap... "









Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako natanggihan, Dismayado akong lumabas ng panglimang tindahan.









Huminga akong malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.











" Teka Ineng! Naghahanap ka ba ng magiging supplier mo? Pwedeng pwede ako!! " Tumingin ako sa matandang lalaki na tumawag sa akin.









" Sige na Ineng. Kunin mo na akong supplier! Narinig ko ang usapan niyo ng lalaki sa tindahan, Naghahanap ka ng supplier na maghahatid ng mga gulay at prutas araw araw sa Hadleigh City! Kahit saan pa yan basta kumita lang ako ay ayos na ayos na!! " Napukaw ng atensyon ko ang mga malalaking butlig nito sa katawan. Buong katawan nito ay may mga butlig maging ang mukha niya ay meron.










" Pasensya kana sa itsura ko Ineng Ganito talaga ang katawan ko, Pero pangako hindi ito nakakahawa... " Bahagya pa nito hinawakan ang mga kamay ko at tila nagmamakaawa na siya ang kunin kong supplier. Mas lalo akong naawa para sa kaniya dahil sa mga nakita ko.









" Kadiri! Nakakadiri ka pati ang mga tinitinda mo!! "



" Yuck wag kayo bumili diyan! Baka mahawa pa kayo sa itsura niyan! "



" Hahahahahahaha. Matandang ulikba "




" Tay, Sira nanaman ang iba nating mga prutas dahil ilang araw ng matumal "



" Fernan! Sawang sawa na ako sa ganitong buhay! Tsaka tignan mo nga itsura mo! Nakakadiri ka! Pwe "



" Pre tignan niyo yung matanda ho! Ang daming bato sa katawan' Hahahahahahaha! "



" Matandang Ulikba! Matandang ulikba! "










Sa paglipas ng isang araw ay nadiskubre ko na may kakayahan akong makita ang mga pangyayareng natapos na at mga Mangyayare palang, Bukod pa dun ay may mga bagay akong kayang gawen na hindi kaya ng normal na tao. Simula ng mangyare ang pagtatagpo namin ng diyos ay marami ng nagbago sa katawan ko. Everything seems weird and Plus the fact that I can do anything.









" Sige po Tatay, Mabuti pa't dalhin niyo ako sa inyong tindahan.. "










" Hala, Thank you Ineng hulog ka ng langit! Alam mo ba Ineng wala halos sa akin bumibili dahil sa itsura ko, Wala akong ibang naging pagpipilian kundi magpatuloy sa kabila ng lahat ng problema. Dahil bukod sa walang trabahong babagay sa akin ay sayang din ang pinamana sa akin ng mga magulang ko na Lupa at Taniman ng prutas at mga gulay. Kaya pinagtiyagaan ko nalang din.. " Pagkwekwento ng matanda. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako.










" Ang pagtitinda ng gulay at prutas na ang naging hanap buhay ko. Matumal pero kinakaya ko paren kase wala naman akong ibang pagpipilian. Walang mangyayare sa amin ng anak ko kung hindi ako magtitinda. " May lungkot sa boses ng matanda. Ngumiti ito sa akin at tinuro ang kaniyang pwesto. May kaliitan ang kaniyang pwesto ngunit hindi mo iyon mapapansin bagkos ang makikita mo ay ang mag fresh na prutas at gulay.









Reincarnated as Seventh daughter of Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon