XLV

5.5K 351 185
                                    







" Huy! Ayos kalang ba Terry? Natulala ka? " Inis akong tumingin kay Abbegail. Kanina pa ito nangungulit naiirita at nabwibwisit na ako.








" Baka iniisip niya yung mga pogi kanina? " Natatawang sabi ni Andrea. Umirap nalang ako at inub-ob ang ulo ko sa desk ng upuan ko.









Hindi ko alam kung anong mga plano at balak nila at pumasok sila sa paaralan na ito---Gayumpaman Kailangan ko paren humanap ng tyempo para kausapin ang lalaking nagngangalang Athicus. Hay..










" AaaAaahh! "










Napaangat ako ng Tingin ng marinig ang malakas na Ingay, Kaniya- kaniyang labasan ang mga Kaklase ko Maging ako ay Lumabas rin para makiusyoso..









Halos mangimbal ang lahat ng makita ang pinanggalingan ng ingay. Takot ang namutahi sa mga estudyante ng makita ang babaeng walang buhay sa sahig, May bakas ito ng kagat sa leeg at ang katawan nito ay putlang putla na tila naubusan na ng dugo.









" Tumawag kayo ng Doctor! " Umiling iling lang ako at bumalik sa Room. Para saan pa ang doctor kung gayong patay na ang babae?









Pero teka nasa ilang minuto palang mula sa pagsigaw ng babae papaanong namatay agad ito? Wala ring miski isang tao na naabutan sa lugar. Don't tell me...









" Sa tingin ko ay totoo nga ang balita na may bampirang nag-eexist!! "






" Teka bampira? "







" Oo! Bali- balita na may mga natatagpuang patay at may kagat ito sa leeg. May isa pang biktima ngunit nakatakas lang "






" Ayon sa kaniya may mahaba itong pangil at kulay pula ang mata! Nakakatakot!! "







" Pero diba ang bampira ay takot sa liwanag? "







" Hindi iyon totoo! Ang bampira ay walang kinakatakutan! "








Sumandal ako sa aking upuan at pinakinggan lang ang pinag- uusapan ng dalawang babaeng nasa unahan ko. Sila Andrea ay nasa labas paren nakikiusyoso. Kung sakaling nakarating na nga talaga ang mga Bampira dito ay tiyak na maraming tao ang mapapahamak! Kaya pala nandito ang limang lalaki?








" AaAaaah!! " Mabilis lumabas ang dalawang nasa harap ko at nakiusyoso sa labas.








Tumayo ako at tumungo sa kabilang direksyon. Dito nanggaling ang pangalawang sigaw---Patungo ito sa old building. Nahirapan akong tignan ang nagaganap dahil sa daming tao ang nakaharang.









Halos mapanganga ako ng makita ng malapitan ang babaeng may kagat rin sa leeg. Maputla rin ito at ang kaniyang dalawang mata ay dilat na dilat. Ito ang nagpangimbal sa mga Estudyanteng nakakita sa itsura ng gurong dilat ang mata at wala ng buhay.








Kilala ko ang babaeng wala ng buhay na nakahiga sa sahig, Ito ang Teacher namin ngayon na hinihintay naming dumating.









Takot ang namutawi sa mga kapwa ko Estudyante. May mga iilang naluluha na sa sobrang takot, Yung iba ay nanginginig pa, Yung iba ay tinatawagan na ang mga magulang nila para magpasundo.









Reincarnated as Seventh daughter of Mafia BossWhere stories live. Discover now