"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 7)

19 0 0
                                    

Busy ang lahat sa kanya-kanyang trabaho. Malapit na ang deadline ng project ng BIS Association kaya mas naging pursigedo ang mga empleyado.

"Maxine," tawag ni boss.

"Yes, boss?"

"Wala, wala."

Tinatawag ako tapos wala lang daw? Hindi ba nakikita ni boss na busy ako dito?

May biglang tumawag sa cellphone ko.

Astrid is calling.

"Hello?"

"Besh, busy ka ba mamaya?"

May kailangan ba 'to?

"Oo eh, mga 10 pm ako makaka-uwi," I said.

"Gano'n ba." Napansin kong malungkot ang tono ng boses nito.

"May problema ka ba? Tatawagan ko ang ibang barkada para mapuntahan ka d'yan," sabi ko.

"Eh kasi, ikaw ang kailangan ko," aniya.

"Bakit?"

"Sa susunod na lang siguro, workwell!" sabi nito at binabaan ako ng tawag.

May problema kaya yun?

_____

The deadline was yesterday at ngayon iannounce ang mananalo.

Nakabihis ang lahat ng tao dito sa loob ng venue.

I saw Red, smiling at me. Ba't ang creepy ng ngiti nya?

Bumaling ang tingin ko sa katabi ko dahil hinawakan nito ang isang kamay ko.

"Boss, maraming tao. Baka masapak kita," sabi ko.

Tumawa ito ng mahina at binitawan ang kamay ko.

Buti naman at naiintindihan nya.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari noong naka-topless lang siya.

-Flashback-

Pinanggigilan pa rin nito ang pisngi ko nang bigla nitong inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Atlas, anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong.

"Nasa bahay naman tayo, so..." bigla ako nitong hinalikan.

Itutulak ko na sana siya pero bumigay ako nang gano'ng kadali. Ang lambot at ang sarap ng labi nya... kinagat nya ang pang-ibabang labi ko kaya malaya nyang naipasok ang dila nya sa bibig ko.

Biglang nag-init ang katawan ko, shit!

Lumalim ng lumalim ang halikan namin. Hanggang sa 'di ko namalayang naka-kandong na pala ako sa mga hita nya.

Bumaba ang labi nya sa leeg ko.

"A-atlas..." paos kong ani.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan kahit na bukas ito.

"Ehem!"

Dali-dali akong umayos ng tayo.

"Sino ba 'yan?" inis na tanong ni Atlas.

Nakangiting pumasok ang kaibigan ni Atlas.

"It's me, Jake."

"What the fuck, dude!"

Iniwan ko silang nag-uusap do'n. Ang pula ng mukha ko dahil sa kahihiyan.

Nakakahiya talaga! Nakita kaya ng Jake na yung ginawa namin kanina ni boss?

-End of Flashback-

Umiling-iling ako para mawala sa isipan ko ang kahihiyan na yun.

"Ladies and gentlemen,"

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now