"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 5)

20 0 0
                                    

ATLAS'S POV.

"Hindi naman siguro halata na inggit siya sa'yo para barilin ka kahapon, no?"

I looked at my friend. "Hindi nga halata," walang ganang sabi ko. Nag-iisip pa ako ng plano kung anong gagawin ko sa kalaban ko sa negosyo.

How dare him do that to me!

"Juice?" Biglang pumasok sa Maxine, may dala-dala itong tray na ang laman ay inumin.

Nilagay nya 'to sa mesang nasa harapan namin ni Wade.

"Thanks, Maxine," sabi ni Wade.

Ngumiti lamang si Maxine kay Wade at umupo siya sa tabi ko.

"Tell me boss, sino ba 'tong nagtangka sa buhay mo?" Maxine asked.

"Kaibigan nya noon, kaaway na nya ngayon," si Wade ang nagsalita.

"His name is Red Venuiois," I said. Red is my best friend back then, sabay naming pinaghirapan ang AS Company. But I think dahil sa inggit kaya siya nag traydor sa kompanya. Sumapi siya sa unang kalaban namin noon sa negosyo, naging ispya siya sa kompanya at muntik ng malugi ang negosyo na binuo namin na ako lang pala ang naghihirap.

"Ow? The owner of Venuio International?" She asked.

"Indeed, at siya din ang nag utos na nakawin ang mga kotse ni Gio na itatransport sana papuntang Japan," Wade said.

"Bakit hindi niyo pa sinasabi sa mga pulis? Para makulong siya agad," wika ni Maxine.

"That's not easy, Maxine. We don't have enough evidence," sabi ko.

_____

MAXINE'S POV.

Nandito lang kami ngayon sa bahay ni boss, wala kaming trabaho lahat dahil sa nangyari kahapon.

Pagkatapos mag-usap ni boss at Wade kanina ay nagkulong si boss sa kwarto nya, may gagawin lang daw ng ilang oras.

Nasa terrace ako ng bahay ni boss, nagpapahangin.

Nabigla ako nang may naramdaman akong yumakap sa'kin mula sa likod.

"Bakit nandito ka? Hindi ka ba inaantok?" it's boss.

Tiningnan ko ang relo ko, it's 2 pm.

"Hindi eh, ikaw yata inaantok boss," I said.

"Atlas."

"Sabi ko nga Atlas, tapos ka na sa ginagawa mo?" tanong ko.

"Yes. Tulog tayo, inaantok ako," aniya.

"Ikaw na lang, hindi ako inaantok," sabi ko.

"Pero gusto ko ng may kasama," sabi nito.

"Isama mo isang maid mo d'yan."

"Baliw, ikaw lang ang gusto kong kasama." Nagpapakilig ba siya?

Humarap ako sa kanya.

"Atlas Gio Salvero, kung inaantok ka matulog ka. 'Wag mo akong idamay," sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

Nalukot ang mukha nito. "Can I sleep in your lap?"

Ang kulit nya, no?

"Fine, fine. Kulit," sabi ko. Para naman siyang batang ngumiti-ngiti.

_____

"Delikado sa daan, bawal kang umuwi," may diin na sabi nya.

"Pero boss, nasa bahay daw si mama. Gusto ko siyang yakapin, ngayon lang umuwi yun," sabi ko.

"Bukas na lang. Gabi na eh, baka mapano ka pa," he said.

"Mag video call na lang muna kayo, tapos ako na magpapaliwanag kung bakit hindi ka makaka-uwi," dagdag pa nya.

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now