EIGHTEEN

280 10 1
                                    

Jho's POV

Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi nila mama at papa, hindi ko alam kung susundin ko ba ang gusto nila para sana makita ko parin si bea or piliin nalang pumunta nang ibang bansa kasama si papa para lang hindi ako ipakasal sa hindi ko naman talaga mahal.

"Ate? Gising kana ba?" tanong ni jaja habang kumakatok sa pinto

"Oo, tara pasok ka" sabi ko, pumasok naman agad si jaja

"Oh bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni jaja

"Lock mo muna pinto" sabi ko at agad naman siyang tumayo

"Bakit ate? Anong nangyari? Nag away ulit kayo ni ate bea?" sunod sunod niyang tanong pero umiling lang ako sakaniya "Eh ano nga ate? Anong nangyari?"

"Ja gusto akong ipakasal ni papa kay nico para mabayaran yung utang natin sakanila" Pag papaliwanag ko

"Ha? Anong utang ate? Nagka utang tayo sa kanila?" nag tatakang tanong ni jaja

"Hindi ko din alam ja, pero sabi ni mama kagabi nagkautang daw si papa ng 2 million sa pamilya nila nico, matagal na daw niyang utang yun kaya naniningil na sila kung hindi daw natin kayang bayaran agad ipapakasal nila ako kay nico at bayad na tayo sa utang natin" pag papaliwanag ko

"HA? Pumayag ka ate?"

"Hindi. Pinag pipili ako ni papa, kapag hindi talaga ako nagpakasal kay nico. Isasama niya daw ako sa ibang bansa at hindi ko na pwedeng makita si bea"

"Ate piliin mo nalang sumama kay papa kesa mag pakasal sa taong hindi mo naman talaga mahal" sabi ni jaja

"Paano ang utang natin? Tsaka paano si bea"

"Ate may ipon ako dito alam kong may ipon ka din diyan malaking tulong na din to pandagdag sa pambayad. Tsaka ate wala ka ng choice. Yun nalang ang paraan para hindi ka ipakasal kay nico, at tsaka maiintindihan ka din ni ate bea"

"Pero ja ayaw kong sabihin na ang dahilan is ipapakasal kami ni nico kasi nung nakaraang araw tumawag si nico at nakausap siya ni bea may plano daw si nico na agawin ako kay bea. Kaya ayaw kong sabihin" pag papaliwanag ko

"Ate what if hindi mo nalang sabihin sakaniya? At wag ka nang mag paalam?" napatitig ako kay jaja ng matagal at natulala. "Ah nga pala ate tumawag si ate bea saakin hinahanap ka di ka daw ma contact" sabi ni jaja at lumabas na nang kwarto

Ff~
"You're now free jhoana" Shit. Gustuhin ko mang makasama ka habang buhay bea ngunit parang ipinagdadamot tayo nang tadhana sa isa't isa.

3 days nalang aalis na ako nang pilipinas gusto kong makita ka, bago ako umalis baka sa muling pag balik ko ako'y tuluyan mo ng kinalimutan. Anim na taon din ako doon, kaya anim na taon din akong mangungulila sayo.

"H-hey bea are you free tomorrow? I have something to give you lang" message ko sakaniya sa IG

"uhhh oo jho, ano oras at tsaka saan ba?" reply naman agad ni bea

"Kahit saan mo gusto. Or kung gusto mo yung cafe nalang na malapit diyan sa dorm kung okay sayo?"

"Sure sure, what time?" message ni bea

"Breakfast okay lang ba?" tanong ko sakanya.

"Sige. May masasakyan kaba? I'll pick you up saan kaba?" sunod sunod na tanong nya

"No bea I'm fine mag cocommute nalang ako. I'll message you again tomorrow thank you" sabi ko at pumunta nang mall para bumili ng necklace para sakanya

Bumili lang ako nang simple necklace na may pendant na B.

Ff~

"Hey bei asa cafe na ako, I'll wait here" message ko sakanya sa Ig anyway sa ig nalang ako nag memessage kasi nag palit na ako ng number

"yeah coming, give me 5 minutes" sabi ni bea

"No. Take your time" message ko pero hindi na sya nag reply. 5 minutes nga dumating na din siya agad

"H-hey jho Goodmorning" bati nya saakin

"Good morn- Okay ka lang ba? Parang hindi naman good ang morning mo e mugto mata mo e" sabi ko

"huh? hindi, ano kasi di ako makatulog kaya nanuod ako nang movie na nakakaiyak kaya mugto mata ko" hays hindi ka talaga marunong mag sinungaling bea. Alam kong ako ang dahilan nang luha na yan sorry bea.

"Ahh okay. Order na ako ano gusto mo?" tanong ko

"Just black coffee and bread" black coffee? Ang pag kakaalam ko hindi to umiinom ng matapang na kape ha

"Kape? Ayaw mo ba nang gatas? Para makatulog ka mamaya?" tanong ko

"Hindi na may training din kasi mamaya. Nga pala di ka nag tretraining mag lalaro ka ba this season?" para akong nakakain ng tinik sa tanong ni bea

"A-ah wait lang order lang ako" pag iba ko ng usapan.

Nang maka order na ako bumalik din ako sa upuan namin iseserve na daw kasi nila yung order namin.

"maglalaro kaba this season?" tanong ulit ni bea pagkaupo ko

"Ah bea ito nga pala yung ibibigay ko. Buksan mo habang nag hihintay tayo ng order" pag iiba ko ulit ng usapan. Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"Jhoana mag lalaro ka paba? Last playing season na natin to." sabi niya habang hawak ang kamay ko at nakatingin sa mga mata ko

"Uhh bea hindi na kasi ako pinaglalaro ni papa. Nag sabi na din ako kay coach thai pero sa team hindi pa" pagpapaliwanag ko

"Huh? Jho isang season nalang tiyaka kapa hindi pinayagan?" sigaw niya "sorry, sabagay desisyon naman ni tito, anyway ano to?" di ko siya sinagot kaya binuksan niya na lang yung laman ng nasa paper bag

"Necklace? Sana hindi kana nag abal- singsing? Diba ito yung gift ko sayo? Jho kung ayaw mo na saakin you can throw this sana hindi mo na binalik"

"Hindi ganun bea. Hindi ko lang deserve yung gift na binigay mo. Hindi kana sana gumastos" sabi ko

"Deserve mo to jho, give me your hand" sabi ni bea at sinuot saakin yung singsing "Actually dalawa to tig isa sana tayo kaso ang awkward naman kung sinuot natin to parehas ng wala na tayo diba?" sbi niya at tumawa ng sarcastic

"Eh ano naman kung suot nating pareho" sabi ko at kinuha ang kamay nya para isuot ito sakanya "same lang din sasabihin ko, kung naka move on kana pwede mo tong isangla sayang kasi kung itatapon mo e haha" sabi ko

Kumain lang kami at hindi na nag usap. Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos kami kumain at napag usapan namin umuwi na ano na din kasing oras at may training pa siya tsaka mag aayos pa ako ng gamit dahil bukas na ang alis ko.

"Di kana ba talaga babalik sa dorm?" tanong ni bea habang nag hihintay ako ng masasakyan. Wala na din kasing oras para ihatid pa ako ni bea dahil may training pa siya

"Hindi ko alam bei e" sabi ko at tumango lang siya. Sa kalayuan may nakita akong bus papuntang batangas kaya tinanong ko si bea "Uh beatriz pwede ba kitang mayakap? Sa huling pag kakataon?" hindi na siya sumagot tuluyan nalang niya akong niyakap

"malapit na yung bus sige na jho mag iingat ka sa biyahe sorry ha hindi kita mahatid" sabi ni bea

"Thank you bea. Thank you sa time mo" sabi ko at niyakap sya bago sumakay ng bus. Kahit naka sakay na ako sa bus naaamoy ko parin ang amoy ni bea. Sinulit ko na bago mawala ang amoy nito anim na taon ko ding mamimiss yung amoy na to.

Habang nasa biyahe ako naisipan ko muna mag Ig dahil hindi ako makatulog. Nang nakita kong may story si bea kaya agad kong tinignan yun. At sarili ko ang nakita ko habang umoorder. At may nakalagay sa ibaba ng picture na yun sobrang liit lang. Kaya iniscreen shot ko at zinoom nang makita ko ang nakasulat biglang tumulo ang luha ko.


"THANK YOU FOR MAKING MEMORIES WITH ME ONE LAST TIME MI LOVE"








I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now