Four

388 7 0
                                    

Jho's POV

"saan mo gusto jho?"

"kahit naman saan basta kasama kita<3" pabiro kung sabi sakanya at tumawa. Nang napansin kong kumunot ang noo nya kaya mas napatawa ako ng malakas.

"corny mo naman jho" pinipigilan kong tumawa kasi mukha napipikon na si bea "buti nalang mahal kita"

Nanlaki ang mga mata ko. Wait tama ba yung narinig ko na mahal niya ako? Dapat na ba akong umamin sakanya? Or baka mahal niya ako as a friend? Ay bahala na hays.

"A-ano? May s-sinasabi kaba b-bea?" utal utal kong sabi sakanya

"wala. So ano saan tayo miss maraguinot nakapag isip isip kana ba?" pag iba nya ng usapan

"ah mcdo nalang bei" sabi ko at di nalang nag salita.

~~
Nakatingin lang ako ngayon sa bintana habang iniisip yung sinabi nya kanina.

Totoo ba yun? Or sadiyang nag bibiro lang siya? Mahal niya ba talaga ako?hindi bilang kaibigan ha. Kasi ako oo mahal ko na siya hindi bilang kaibigan. Higit pa sa kaibigan.

"jho?" "jhooo?" "jhoooo" nabigla naman ako kasi bigla niyang sinigaw ang pangalan ko kaya napabalik ako sa aking wisyo.

"a-ah b-bakit bea?" utal utal kong sabi kaya napakunot ang noo nya

"kanina pa kita tinatawag, pero parang malalim  ang iniisip mo. Okay ka lang ba jho?"

"ah oo n-napagod lang siguro ako sa biyahe kanina"

"edi sana sinabi mo para nakapag pahinga ka." sabi niya na mukha ng nag aalala "anyways andito na tayo. Kain lang tayo at umuwi na para makapag pahinga ka"

"h-hindi okay lang bea" agad naman siyang napalingon saakin. Pero bumaba din siya agad at pinag buksan ako ng pinto "t-thank you"

~~
Nakapasok na kami ng mcdo at agad nag hanap ng mauupuan buti nalang may bakante doon sa may sulok kaya agad na kaming umupo doon

"ano order mo jho?"

"burger lang" sabay ngiti sakanya tumango lang siya.

Habang nag oorder si bea nilabas ko muna ang phone ko at nag sscroll sa facebook nang may mag pop up na message

From Bea: jho okay ka lang ba talaga?

Kaya agad akong napalingon sakanya pero nakatalikod siya

~~
Dumating na si bea dala ang mga pagkain namin. Isa isa niya itong binababa. Parang ang dami niya yatang order mauubos nya ba lahat yun?

"kain na jho" at napalingon naman ako sa nilagay nya sa harap ko.

"2pc chicken?" sabi ko sakanya pero ngumiti lang siya at tumango "sabi ko naman sayo burger lang e"

"alam kong sabi mo lang yun, pero alam ko ring gutom ka" sabi nya at ngumiti saakin "sige na kain kana jho"

"ahh thank you bea"

"wala yun sige kain kana, para makauwi na tayo" sabay ngiti saakin

~~
Nakarating na kami ng dorm kaya agad akong nag palit ng damit at humiga. Sinusubukan kong makatulog pero hindi ako makatulog kaya nag patugtog nalang ako at pumikit ulit iniisip parin yung sabi ni bea kanina sa sasakyan. Nang biglang may biglang tumabi sa kama ko kaya nag panggap nalang akong tulog.

"ang ganda mo jhoana" sabi nya at napatawa ng mahina "yayayain sana kita ng tagaytay kaso mukhang pagod na pagod ka. Aaminin ko na sana na may gusto ako sayo, pero feel ko ayaw pa ng tadhana kasi masyado pang maaga kaya hindi sya nakikisama. Pero handa naman akong maghintay jhoana kung kailan handa na ang tadhana para pag-isahin tayong dalawa" hinalikan niya ako sa noo at napabuntong hininga

Lord ang swerte ko naman po sainyo masyado para bigyan ako ng isang Beatriz De Leon.

I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now