Five

387 6 0
                                    

Bea's POV

We're here at our dorm. Jho's already sleeping how pretty is she uhhh.

Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog, naisipan kong tabihan si jho kahit may sarili akong kama. I look at her face for five minutes

"ang ganda mo jhoana" and i laughed awkwardly "yayayain sana kita ng tagaytay kaso mukhang pagod na pagod ka. Aaminin ko na sana na may gusto ako sayo, pero feel ko ayaw pa ng tadhana kasi masyado pang maaga kaya hindi sya nakikisama. Pero handa naman akong maghintay jhoana kung kailan handa na ang tadhana para pag-isahin tayong dalawa" hinalikan ko ang kanyang noo at napabuntong hininga.

Hindi ko alam kung anong meron ka jhoana bakit baliw na baliw ako sayo hays. Mahal na mahal kita jho, alam kung ang bilis ng mga pangyayari para sabihin kong mahal kita pero sigurado na ako sa nararamdaman ko, kaya hihintayin kita.

~~
Nakatulog na pala ako sa kama ni jho, buti nalang tulog pa siya. Naisipan kong tumayo na at mag luto ng aming hapunan. Nang matapos ng maluto ang ulam saktong pababa na din si jho.

"jho tara dinner na tayo" sabi ko ng naka ngiti "guys tara let's eat" tumango naman silang lahat at lumapit na

~~
Nasa training na kami ngayon at kanina pa ako hindi pinapansin ni jho, siya nga dapat yung partner ko eh pero ayun iba yung partner nya.

"LQ kayo mare?" tanong ni ate ells at tumawa

"ah hindi naman"

"di nga? Kanina kapa diyan nakasimangot at nakatitig sakaniya"

"hindi ko na din alam ate ells, bigla niya nalang akong hindi pinansan mula umaga, okay naman kami kagabi" sabi ko habang nakasimangot

"kayo na ba bei?"

"hindi ate ells"


"pero kung makasimangot ka diyan akala mo naman jowa. Mahal mo na no?"

"hindi ko alam ate" pag sisinungaling ko


"sus tigil tigilan mo nga ako beatriz, halatang halata" sabi niya at napatawa ng malakas "wag mo naman ipahalata na mahal na mahal mo na"


"hindi naman kasi talaga ate" pag sisinungaling ko

"ayyy mag si-tigil ka bea, tara na ako nalang partner mo since busy pa yung GUSTO MO, I mean yung partner mo dapat"

Masyado bang halata na gusto ko si jho? Bawasan ko ba ang pagiging showy ko?

Natigilan ako sa pag iisip ng kung ano ano nang matamaan ako ng bola sa ulo. Kaya napatingin silang lahat

"sabi ko naman sayo bea saluhin mo e" sabi niya palapit saakin "ano okay kalang ba?"

"medyo nahihilo lang ako ate pero okay naman"

"tara upo tayo dun mag lagay ka ng ice diyan sa ulo mo mukhang napalakas yata hampas ko sa bola" tumango nalang ako

"ako nalang diyan ate" napatingin ako sa harap ko ng marinig ko yung familliar na boses

"j-jho ako nalang diyan" pag pupumilit kong kunin sakanya yung ice bag.

"hindi na ako na"

"ako nalang jho balik ka nalang dun" ngumiti ako ng tipid sakanya

"ako na nga kasi bea!!" nabigla ako ng biglang tumaas ang boses niya "hayaan mo naman akong alagaan ka bea, hayaan mong ipakita ko sayong ma--" hindi ko na masyadong narinig yung sinasabi niya dahil umiiyak na siya

I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now