02

571 41 34
                                    

Kahit na pala sobrang malas ng buhay ko, papaano maswerte pa din ako kasi napasa ako sa Scholarship. Sagot na nila ang whole year tuition fee ko at yung remaining balance ko? Ayown hawak ko ngauon ang cheque na bigay kay Senator Marquez. Ano kayang meron sakin at inalok nya ako ng pera para sa remaining balance ko ng walang kapalit. Hays baka lanv talaga maganda ako kaya ganyan.

Ngayon, palakad na ako papuntang accounting hindi mataas ang pila kaya mabilis lang akong nakalinya.

" miss nandito ka naman ulit, kailang beses ba naming sabihin na hindi pwedeng mag enroll ng walang bayad" pagdaldal ng treasury.

Agad ko namang linabas ang cheque at pinakita sa babae.Oh sino ka ngayon teh. Kala mo ha.

Nanlaki naman ang mata nya nung nakita nya ang pangalan na may pirma ng senadora. " oh akin na yan ng maka pag enroll kana. Oh i priority number nyo tong si keller" pagsigaw nya sa mga kasama nya. Kumain ba to ng microphone, ang sakit sa tenga ang boses, pambihira.

Habang hinintay ko si ateng treasury na hindi naman sa kagandahan ay tumunog ang cellphone kong tig 999 pesos. Opo keypad lang ang cellphone ko, yan kang kasi ang afford ko.

" after enrolling, come back here and I'll bring you to my sister's office"

Ito ang text sakin ng senadora. Maganda na mabait pa. Talagang green flag to.

"Miss matagal pa po ba iyan?" Marespetong tanong ko sa kanila.

Tinignan naman ako ng babae at tinaas ang kaniyang isang kilay. " nagmamadali ka ba?" Pagtataray nya.

Pigilan nyoko at baka masapak ko ito. Ano bang problema nito sakin at ang init ng dugo.

"Medyo po e. Nagtext kasi sakin si Senator, may papuntahan kami" binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Akala mo ha, hmpp.

"Eto oh, yan ang ipresenta mo sa resigtrar pagbalik mo dito para ma confirm na enrolled kana. Umalis kana, huwag mong paghintayin ang senadora ng bansa" satsat nito.

Hindi ko na lang ito pinansin, tinanggap ko na agad ang papel. Tinakbo ko na lang pabalik sa office ni Mr. Chhoa, nakakahiya na din kasi sa senator.

" Ms. Keller, Mrs Chhoa is already in her car. IMC 1255 yan ang plate number." Pagbati ng Sekretarya ni Mr. Chhoa.wow, kay ganda ng buhay nga noh, oo.

At heto na naman ako tinakbo ang 4th floor papuntang VIP Garage. Di naman ako na inform na kailangan pala maging Darna pagpasok ko sa Scholarship na to. Kala ko ba good grades lang.

Nang nakita ko na ang sasakyan ng Senadora, kinatok ko ang glass windor nito. Narinig ko naman ang tunog ng unlock at binuksan ito ng senadora.

"I'll be visiting my sister now, so i think it will be good na idaan na lang kita sa opisina niya" Pagpapaliwanag ng senadora habang umupo ako sa tabi nya. Jusko ang lamig para akong nasa freezer.

Napakatahimik ng buong byahe tanging tunog ng music ng senadora habang nanunuod siya ng tiktok ang maririnig namin. Nakakaloka, pinairup pa ito sa dating presidente ng pilipinas, buti hindi nagseselos ang asawa nito.

"Oh we are here na. I'll be going with you sa accounting office. Tara na" sabi nya ay hinawakan nya ang kamay ko palabas. Nakakahiya, ang lamig pa naman ng kamay ko.

Nang nasa labas na ako sa accounting office nila ay iniwan na ako ng senadora, wala pala dito yung lapatid nya ngayon. Nandun pala sa botique nya kaya binigyan nya na lang ako ng 1000 pesos pamasahe ko daw.

"Ms. sheehan your mommy isnt here po" mangiting sambit ng babae na naka uniform. Nagkamali lang ba ito? Luh sino si sheehan?

"Hoy hindi yan si ms. Sheehan tingnan mo nga ang pananamit nyan oh tsaka ang tanda na kaya nyan tignan" bulong ng babae na nasa gilid nya. Tinitigan naman ako ng mga to. Luh kala mo naman kung sinong maganda.

"Ay hindi po ako si sheehan? Ms. I am Tara po, bagong working student dito. Graduating BSA" mabait na pagpapakilala ko sakanila.

Binigyan naman nila ako ng matamis na ngiti. " ay ikaw pala yung pinapasundo namin. Hali kana beh. Wag kang mag ate or mag ms samin prehas lang tayo dito working students." Pagpapaliwanag nito.

Agad  naman kaming nagtungo sa opisina na inassign sakin. Pagbukas ng pinto, mapapaamen ka na lang talaga sa daming papeles. Mga taong tig tatlo ang lamesa na bundok ng papel.

" sir ito na po yung bagong working" pagtawag ng kasama ko sa head nila. Tumungo naman ito saamin at tinignan ako mula paa hanggang ulo. Ganto ba talaga ang mga tao sa opisinang to?

" oh, kasama mo yang si veronica at ciara sa lamesa ha. Pagbutihin nyo ang pagtatrabaho. Mabait ang mga amo natin pero huwag mong abusuhin" pagpapaalala nya sakin. Nginitian ko na lang sya bilang sagot.

Nang umalis na si Mr. Head, agad naman akong dinala ng dalawang to sa lamesa namin. Buti organized din tong dalawang to kaya magkakaintindihan siguro kami. Kaya sinimulan na namin ang aming trabaho para matapos to ng maaga.

" psst, mars ano pangalan mo pala? Yung whole name mo tara" pangunang tanong ni Veronica sakin.

Linigon ko muna sya at binigyan ng mapanuksong tawa. "Chismosa ka din ano noh. Dejwk. Amelia Atara Katherine Keller yan ang totoo kong pangalan"simpleng sagot ko at bumalik agad sa pagtrabaho.

Kinalabit naman ako ni veronica ulit. Ang kulit!.

" ay mayaman ka noh? Tas gusto mo lang magtrabaho?" Pangisosyo nya sa buhay ko.

"Hindi ako laking pinas beh, laking swiss ako pero dito na ako na nanirahan nung namatay ang umampon sakin"  pag iling ko.

" ay so hindi mo talaga kaano ano ang marcos araneta?" Tanong ni Ciara, linapit nya naman ang swivel chair nya sakin. Hindi naman halata na chismosa tong mga to noh.

Tinaas ko naman ang aking kilay, " ha? Pano mo naman ako napagkamalang marcos araneta i hindi ko nga sila kilala sa personal atsaka-"

" ay beh sa maniwala ka't hindi. Kamukhang kamukha mo talaga ang anak ni Ms. Irene na si Sheehan. Para kayong pinagbiyak na bunga jusko yun nga lang parang mas matanda ka" pagputol ni veronica sakin kaya naman mas na intrega ako kung ano ba talaga ang mukha ni sheehan.

"May picture ba kayo nyan? Pakita nga pambihira nagmukhang chismosa na ako dito" patawa kong banggit sa dalawa. Siyempre na nakisosyo na din ako kasi curious ako, bakit ba.

Binuksan ni Ciara ang cellphone nya at pinakita sakin ang facebook ni Sheehan. Napanganga ako sa mukha nya, ang ganda at malabo naman ang pinagsasabi ng dalawang to.

" fake news nyo naman parang ano. Ang layo yan sa itsura ko oh at saka parehas labg kaming singkit kaya nasabi nyo yan. Tigilan na natin ang pakikigchismisan mga mare. Magtrabaho na tayo" pagsuway ko sa dalawa.

Nagkanya kanya naman kami ng talikod at ginagawa ang mga papeles namin pero ayaw na mawala sa isip ko si sheehan. Bakit may pagkapareho kami ng aura? Sino sya?

. . . . . . . . . .

Vote and Comment.

Safe HavensWhere stories live. Discover now