CHAPTER 18: Her Smile

454 12 0
                                    

Calix P.O.V

Sa mga nagdaang dalawang araw marami akong pagsubok na kinaharap  hindi ko alam kung kaya ko pa bang harapin.

Kaya hindi ko na rin nagawang makausap pa si Samantha hindi ko na rin kinausap si Angel.

Tumawag sa akin si Daddy nung martes ng gabi at sinabi nya sakin kung ano na ang nangyayari sa kompanya.

Nabalitaan ko na din na may kinakaharap kaming malaking pagsubok ngayon dahil nawala yung malaking shares nila Angel sa kumpanya.

Na kapag nawala yun ay mababawasan ang products namin at pwede na kaming malugi kaya sa akin inutos ni Dad para masulosyonan iyon dahil ako naman ang susunod na magte-take ng kompanya namin.

Bukod dun may sarili din naman akong mga kompanya eh pero ayaw ko munang ilabas yun saka na kapag naipamana na sa akin yung Hernandez Inc Corporation.

Wala akong choice kundi kausapin si Angel at pilitin na ibalik yung shares nila sa amin kaya nung gabi ding yun niyaya ko si Angel na pumunta sa bahay.

Hindi ko pa gustong sabihin sa kanya na alam ko na ang sikreto nya dahil baka lalo nya lang tanggalin yung shares nya at ako nanaman ang malilintikan kapag nangyari iyon.

Nakapag-usap na kami at hindi ko nagustuhan ang mga plano nya pero wala akong choice alam kong pagsinunod ko yung plano nya talo na talaga ako.

Siguradung wala na akong babalikan dahil paniguradong masasagad ko na sya at talagang sa mismong araw na yun nya pa gustong ipagawa sa akin yun ah.

Kapag naibalik nya na yung shares nya at naipamana na sakin yung kumpanya sisiguraduhin kong pagbabayarin ko sya sa kasalanan nya.

Naging busy ako maghapon ng Thursday kaya bagsak akong nahiga sa condo unit ko na halos katabi lang din ng kay Samantha.

Ngayon palang gustong-gusto ko na agad huminge ng tawad alam kong hindi nya pa ako napapatawad kaya kung maaari sana ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya.

Ayaw ko ng dagdagan pa yung galit na nararamdaman nya sakin dahil siguradung hindi ko na kakayanin yun.

Bumangon ako sa pagkakahiga at agad na kinuha yung memory card nya na nakatago sa drawer ko inalis ko iyon sa maliit na box na pinag-lagyan ko para sana hindi mawala.

Agad ko naman itong inilagay sa cellphone ko wala akong ginawa kundi tingnan ng tingnan ang iba nya pang mga pictures dito.

Marami pala syang mga picture dito hindi ko ito nakita noong una ko itong buksan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti napaka-tanga ko pala talaga.

Dahil pinaiyak ko lang at sinaktan yung sobrang gandang babae na walang ibang ginawa kundi ang mahalin, intindihin, at alagaan ako.

Samantalang andaming lalaki na gustong-gusto sya natatakot lang sila na ligawan ito dahil sa baka mabasted lang daw sila.

Habang naglalakad kasi ako kanina papunta sa office aksidente kong narinig yung usapan nung mga studyante.

May gusto pala sila kay Samantha pinag-aagawan panga nila ito buti nalang at napigilan ko sila.

Anlakas naman nilang ligawan ang asawa ko sinabi ko sa kanila na may boyfriend na ito at matapang ang boyfriend nya.

Hindi ko nga din maintindihan ang sarili ko bakit ko ba iyon nasabi kanina, eh ang totoo naman ay ayaw na ayaw ko talaga kay Samantha.

Kaya ayun mukhang natakot naman sila kaya nag-sialisan na sila may mga nagkakagusto sa kanya, pero hindi nya man lang yun napapansin oh naging manhid na din sya, na kahit alam nyang may gusto sa kanya yung iba ay hindi nya nalang ito pinapansin, bakit ba kasi hindi nalang iyon ang piliin nya.

The Secret Wife of Professor Calix Where stories live. Discover now