CHAPTER 15: I'm Sorry

557 12 2
                                    

Samantha P.O.V

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon mixed emotions, oo yun talaga diko expected tong mga pinaggagawa sakin ni Calix.

Medyo masakit na kasi yung kamay ko kanina habang nagluluto ako kaya hinugasan ko lang mabuti nga at hindi iyon napansin nila Dark kanina. Naku kung napansin yun baka hindi na nila ako hayaang magluto ng makakain namin.

Tumigil naman na yung sakit ng kamay ko kaya hindi ko na rin masyadong ininda. Feeling ko nga manhid na talaga ako eh.

Kasi kanina hindi ko talaga maramdaman yung sakit mas masakit parin talaga yung mga sinabi ni Calix sakin.

Masakit sa puso oo literal na sa puso diko kasi expected na ganun nya ako ipapahiya sa mga studyante sa parking lot.

Matapos naming kumain kanina ng snack's nagkwentuhan lang kami ng kaunting oras habang hinihintay na bumukas yung bakal na pinto.

Marami akong nalaman tungkol sa pinsan ni Dark na si Axe sobrang sarap nya kasama as in nakakatawa sya dahil puro sya joke nalimutan ko na yung mga problema ko.

Nalaman ko na din na may girlfriend na pala itong si Dark at gusto nya lang na malaman kung may feeling's ba sakin ang asawa ko.

Willing daw nya akong tulungan para mag-kaayos na kami ni Calix pero tumanggi ako.

Ayaw ko ng tulungan nya kami bahala na si Calix at wala na akong habol sa kanya dahil divorce na kami at pagod na akong maghabol sa kanya.

Ng matapos na kaming kumain at magkwentuhan ibinalik ko na iyong mga ginamit namin sa dating lalagyan.

Nilock ko na ulit yung condo ko pagkatapos naming lumabas saktong pagpatay ko ng ilaw ng dark jail ay bumukas naman agad ang bakal na pinto.

Tuwang-tuwa naman yung dalawa samantalang si Dark naman ay inakbayan pa ako parte daw yun ng plano nya eh.

Feeling nya daw kasi nandyan sa harapan si Calix at mukang hinihintay daw akong lumabas.

Kaya pumayag na din ako bale napapagitnaan ako ni Dark at Axe bigla namang nagbiro itong si Ellijah kaya napatawa kaming tatlo.

Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng biglang sumulpot ang galit na galit na mukha ni Calix yes mga dai galit talaga sya.

Akala ko ba okay na tong parusang ibinigay nya? Akala ko hindi na nya ako guguluhin bakit ngayon nangingialam sya sa buhay ko.

Mas nagulat pa ako ng  hilahin nya ako sa braso ko kaya mas lalong sumakit ang braso ko na may bakat pa ng kuko ni Angel kanina.

Ngunit mas nagulat ako ng pumasok kami sa loob ng clinic at marahas nya akong itulak sa kama.

What the h*ll anong balak nyang gawin don't tell me may masama syang balak sa aking masama. Kaya't agad akong umayos ng upo at niyapos ko din ang aking sarili.

Ng nag-angat ako ng tingin agad na dumapo sakin ang masamang tingin sa akin ni Calix.

"𝐃𝐨 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐫𝐚𝐩𝐞 𝐲𝐨𝐮?, Tskk you're making me laugh Samantha ngisi-ngisi nyang saad.

Aba'y ang loko may pangisi-ngisi pang nalalaman ahh. Agad namang tumalikod sa akin si Calix pagkatapos nya iyong sabihin.

Hindi ko alam kung saan ba sya pupunta ano toh dadalhin nya ako dito sa Clinic tapos lalantakan nya na agad ako ng layas.

Pero agad din namang nasagot ang aking tanong ng mga ilang minuto lang ay nasa harapan ko na si Calix na may dalang first aid kit.

"𝐀𝐤𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐫𝐚𝐬𝐨 𝐦𝐨 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐦𝐮𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐨", malamyang saad ni Calix.

The Secret Wife of Professor Calix Where stories live. Discover now