CHAPTER 2: Tagaytay

896 20 2
                                    

Samatha P.O.V.

"Hey! wife wake up,we're here" gising sakin ni Calix, agad naman akong tumingin sa labas ng kotse nya at nakita ang napakagandang lugar.

"Wow! hubby nasa Tagaytay ba tayo? manghang tanong ko sa kanya ngayon nalang kasi ulit ako nakapunta dito eh.

Napakaganda ng lugar maraming mga puno, at malamig din ang klima pansin ko naman na may kinuha sa kotse si Calix at pagbalik nya ay dala na nya ang dalawang hoodie jacket at isinuot sa akin ang isa.

"Nagustuhan mo ba? tanong nya agad-agad naman akong tumango hindi dahil sa maganda kundi dahil natutuwa ako na makasama sya dito.

"I've heard na maganda daw dito ang sunset kaya dito kita dinala, I want to watch the sunset with you", may pagkasinsiredad nyang sinabi habang nakatingin sa papalubog na araw.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, parang hinipo ang puso ko sa sinabi nya sana lang talaga akin sya habang-buhay.

Pagkatapos ng panoood sa sunset nagpicture kami, syempre nung una ayaw nya pa mabuti nalang at napilit ko sya. Kailangan naming makaipon ng memories dahil ngayon lang ito mangyayari.

Habang nasa byahe pauwi pinagmamasdan ko ang mga larawang nakuha namin ang gaganda nito, meron din kaming picture sa Restaurant na kinainan namin for lunch.

At ito kami ngayon papauwi na mahabahaba padaw ang byahe at maga-alas syete na ng gabi medyo gutom na ulit ako kahit na sobrang dami ko namang nakain kanina.

"Kruuu!Kruuuu" nagulat ako ng tumunog ang tyan ko senyales na gutom na ako napatingin naman sa akin si Calix at iling-iling na natatawa.

"A-ano b-ba d-di a-ako y-yun!",utal-utal kong saad kaya lalo syang natawa, sa sobrang pikon ko naman sa pagtawa nya ay sinapak ko ang braso nya.

"Hey wife stop that baka mabunggo tayo, mag-take out nalang tayo dyan sa malapit na fastfood", saad nya habang nasa daan pa din ang tingin

Tango tango naman ako dahil gutom na gutom na talaga ako eh, nakapagtataka lang na hindi man lang tumawag sa kanya si Angel at hindi ko rin sya nakitang may kausap sa cellphone marahil ay sinusulit nya nalang den ang araw dahil sa sunod ay malaya na sya.

Gaya ng sabi nya nagtake out lang kami at ito ako ngayon masayang kumakain habang sya naman ay busy sa pagmamaneho.

Nakonsensya naman ako kaya, sinubuan ko sya ng burger nung una ay nagulat pa sya pero kalaunan ay kinain nya den naman, pinainom ko den sya ng coke at masaya kaming natapos kumain.

Mayamaya pa ay nakaramdam na agad ako ng antok kaya dina ako nagdalawang isip na matulog muna, matagal pa naman ata ang byahe eh.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, ano bayan bat may sinag ng araw eh sa pag-kakatanda ko tinted ang kotse ni Calix.

Wait teka! napamulat agad ako at napa-balikwas ng bangon ng matantong wala ako sa kotse at nasa hindi pamilyar na kwarto ako.

Teka lang! kwarto ito ni Calix ah ibig sabihin dito ako natulog? Eh sa pagkakatanda ko nasa kotse ako natigil lang ako sa pag-iisip ng madako ang paningin ko sa lalaking prenteng natutulog sa tabi ko.

This is the first time na matitigan ko syang natutulog at ito din ang unang beses ng nakapasok at nakatabi ko sya sa isang kama.

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng mapagtantong ito na pala ang huling araw na makakasama ko sya, ito na ang huling araw na magiging mag-asawa kami, dahil bukas tapos na ang lahat isa nalang ako studyante nya.

Habang tulog pa sya naisipan kong bumangon agad at ipaghanda sya ng makakain nya, napadako ang tingin ko sa cellphone nya ng tumunog ito.

Nag-dadalawang isip pa ako kung titingnan ito pero nanaig sa akin ang kuryusidad kaya't walang alinlangan ko itong kinuha.

Natuod ako ng mabuksan ang cellphone nya dahil unang bungad sakin ang wallpaper nya na kasama si Angel na parehong nakangite sa camera.

Isinawalang bahala ko nalang ito at pilit na ngumiti ipaghahanda ko nalang sya ng makakain.

Natapos na akong maghain at hinihintay ko nalang sya na bumaba, kaso pagbaba nya nakabihis ito.

"Saan ka pupunta hubby? may lakad kaba eh linggo ngayon", sunod sunod kung tanong.

"I have to come with Angel magpapacheck up kasi sya" malamig nyang saad na animo'y may nagawa nanamang kasalanan sa kanya.

"Ah ganun ba sige basta bumalik ka mamayang gabi huh! hintayin kita" pagak kong saad. Pinilit ko paring ngumite kahit sobra yung sakit

"I'll try to come home", pagkasabi nyang yun ay tuluyan na itong lumabas. Na hindi man lamang lumilingon.

Ramdam na ramdam ko nanaman ang sakit ngunit wala akong magagawa kundi ang umasang uuwi sya para samahan akong i-celebrate ang anniversary namin kahit man lang sa huling pagkakataon.

Hihintayin kita, mag-cecelebrate pa tayo ng 4 years wedding anniversary natin eh, maghahanda  pa ako para masurprise ka mamaya sabi ko sa sarili at umakyat na sa taas dala ang bigat na aking nararamdaman.

The Secret Wife of Professor Calix Where stories live. Discover now