O5

3 0 0
                                    

Ilang araw din ang lumipas mula nang mag-usap kami ni Lucas sa likod ng bahay namin. Hindi ko na ulit nakita ito dahil ang sabi ni Mommy ay hindi daw muna ito uuwi sa bahay namin.

Hindi naman ako nag tanong pa dahil ayoko namang isipin ng tao dito sa bahay na hinahanap ko si Lucas.

Agad akong napatingin sa pinto ng opisina ko nang bumukas iyon at pumasok si Mommy.

Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at umupo sa pang-isahang sofa na nasa harap lang ng mesa ko.

"Kukunan muna kita ng measurements, Ma. Dito ka muna." sabi ko dito sabay turo sa gilid ng lamesa kom tumayo naman ito at nanatili sa pwesto na sinabi ko.

Seryoso lang ako habang sinusukatan ito nang bigla itong magsalita.

"Tumawag si Lucas kanina kay Tito Greg mo. Kailangan daw kasi nilang umattend ng meeting kaya baka bukas mo nalang sila susukatan." sabi nito.

Napatuwid naman ako ng tayo. Susukatan ko din si Lucas?

Nang matapos ako sa pagsusukat nito ay umupo na ito ulit sa sofa. Kunuha ko naman ang mga sample drawings ko para ipakita kay Mommy kung may gusto siya sa mga iyon.

"Wow. Ang gaganda naman ng mga ito, Shan." manghang saad ni Mommy nang makita niya ang mga drawings ko.

"May ganda kasing dinulot yung pag punta ko sa New York, Ma." ipinaikot ko ang mga mata ko.

"I love this one!" sabi nito at saka inabot sa akin ang papel. Tiningnan ko iyon at napangiti ako.

This was the first design I've ever created. Ilang buwan ko din itong pinag praktisan bago ko to natapos.

Hindi naman kasi talaga ako fashion designer. I studied architecture and I really had a hard time adjusting.

Kahit naman pagd-drawing parin ang fashion designing, iba parin dahil hindi naman bahay ang forte ng trabaho ko. Magkaiba ng lay-out.

"Are you alright, anak?" my Mom worriedly asked me. Tumango naman ako dito bilang sagot.

"I'm okay, Ma. It's just that....you picked the first design I've ever made." I said to her smiling.

Mas ngumiti naman ito sa akin. "Really? It's very beautiful." she said.

"Thank you." I mouthed.

"Alam mo. Sa galing mo na sa profession mo, to think na hindi talaga fashion designing ang course mo pwede ka nang magtayo nang sarili mo'ng botique." Mommy said to me. Tiningnan ko naman ito at seryoso itong nakatingin sa akin.

"No, Ma. I'm good." napailing na sabi ko sakanya. "And besides, I'm going back to New York after the wedding." diretsahang sabi ko dito.

"Do you really need to go back there?" malungkot na tanong nito.

Napangiti naman ako dito. "After the wedding."

"Okay. Then enjoy being here. But I hope you'll consider. Alam mo naman na mas gusto ko'ng magkakasama tayo. I dreamt of having a complete family, anak. As well as your Tito Greg." malungkot saad nito.

"Anyway, What theme would you like?" pag-iiba ko ng topic. Umaliwalas ulit ang mukha nito.

"Greg said he like blue. But when I told him I like purple, he said okay." sabi nito sa akin.

Natawa naman ako.

"Violets are blue parin naman." saad ko dito.

Alas onse y media na ng gabi pero hindi parin ako tapos sa ginagawa ko. Hindi naman ako gutom dahil dinalhan ako ni Yaya Minda ng dinner kanina. May mga idinagdag pa kasi si Mommy na mga details at gusto ko'ng tapusin iyon sa lalong madaling panahon para hindi ako maabutan ng due date. I am used to finalizing my work before 2 months.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SECRETS OF LUCASWhere stories live. Discover now