O4

3 0 0
                                    

"Yaya!" tawag ko ulit kay Yaya Minda. Hinahanap ko kasi ang vacuum dahil naglinis ako ng kwarto ko kanina.

Hinanap ko na sa storage room pero doon. Kanina lang ay nadaanan din ako ng isa pang kasambahay namin at nagpresenta itong ito nalang ang maglilinis sa kwarto ko na maagap ko namang tinanggihan.

Hindi ako sanay na may ibang naglilinis ng kwarto ko. Dati nga nung nasa New York pa ako ay ako nga mismo ang naglilinis sa boung apartment unit ko kahit na pwede naman talaga akong magtawag ng house keeper.

Sinilip ko ito sa kusina pero wala man lang katao-tao roon. "Yaya Minda?"

Pumunta din ako sa kwarto nito pero wala din siya roon. Luminga ako sa paligid pero hindi ko talaga ito nakita.

"Ate Lisa!" tawag ko naman sa isa pang kasambahay namin.

"Ma'am?" ngumiti ito sa akin. "Nakita mo ba yung vacuum? Kanina ko pa kasi hinahanap pero wala, e." sabi ko dito.

"Ay, opo, Ma'am. Ginamit ho iyon ni sir Lucas kanina. Saglit lang at titingnan ko kung nandoon sa kwarti niya." anito at naglakad patungo sa kwarto ni Lucas.

Sinubukan niyang buksan ang ang pinto nang kwarto nito pero tila naka-lock iyon. Pinihit niya ulit pero hindi niya parin nabuksan.

"Naku. Ma'am, naka-lock po, e." sabi nito at saka bumaling sa akin. Ipinakita pa nito sa akin na hindi ito bumukas. "Umalis kasi si Sir Lucas kanina. Hindi naman ito naglo-lock ng pinto. Ngayon lang." paliwanag nito sa akin.

"Okay lang, ate. Mamaya nalang." sabi ko dito at bumalik nalang sa kwarto ko.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa mga alikabok na inipon ko muna sa gilid. May mga buhok kasi iyon at mahihirapan akong linisin yun nang walang vacuum.

Napalingon ako sa bedside table ko at nakita ko ang mga susi ko.

Oo nga! May spare key ako ng kwarto na iyon. Kinuha ko iyon at lumabas na ng kwarto. Nagtuloy ako sa kwarto ni Lucas at sinubukan ang susi kung mabubuksan ko ba.

Napangiti ako nang pumihit iyon at bumukas.

Sinilip ko muna ang loob ng kwarto nito at tiningnan kung may tao ba. Tumuloy ako doon at agad ko'ng hinanap ang vacuum sa loob ng kwarto nito. Hinanap ko sa likod ng pinto nito pero wala doon.

Napadako ako tingin ko sa ibabaw ng bedside table nito. Pamilyar kasi ang litrato na nakalapag roon.

I slowly walked towards it at tiningnan iyon. Iyon ang picture namin ni Gary na itinapon ko nung nakaraang araw.

Paanong nandito ito? Ang alam ko ay ipinatapon ko na ito kay Yaya Minda. Inabot ko iyon. Nakita ko din doon ang picture na naka frame sa tabi nito.

It the same photo I saw on his IG account. Ito yung babaeng nakatalikod sa camera.

Sino ba ang babaeng ito at parang napakahalaga ng picture na iyon para kay Lucas? Inabot ko din iyon at tinitigan nang mabuti.

Hindi talaga makikita ang mukha nito dahil nga nakatalikod ito. Itiningnan ko ang likod ng picture frame na naroon.

"The most amazing woman I've ever met. I know I will see you again. I will make the lives of those who did that to you, miserable. I love you." iyon ang nakalagay na note doon. Halatang sulat kamay din iyon, marahil ay kay Lucas.

Tuloy ay mas naging curious lang ako sa kung sino talaga ang babaeng nasa picture.

Lumabas na ako roon na bitbit ang piture namin ni Gary nang mabigo akong makita ang vacuum sa kwarto nito. Siniguro ko din nai-lock ko din ulit ang pinto nito.

THE SECRETS OF LUCASWhere stories live. Discover now