PROLOGUE

11 0 0
                                    

A/N: Hello reader! Wow!

I didn't expect you to be here but you are here. Thank you for reading my published story. Please vote, leave a comment and share. Para mas dumami pa tayo.

Also, don't forget to follow my Wattpad account ")

Thank you!

"You don't have to remind me, Ma. Uuwi ako so please just wait..." I was talking to my Mom while drying my hair.

Kanina pa ito tumatawag habang nasa banyo ako at naliligo kaya hindi ko ito nasagot agad. Nang matapos akong magbihis ay saktong tumawag ulit ito so I answered her call.

"Can you blame me? Mahigit dalawang taon na kitang pinapauwi at lagi mo'ng sinasabi na uuwi ka pero walang nangyari." Dinig ko'ng pagmamaktol nito sa kabilang linya.

Hindi ko naman maiwasang matawa.

Minsan talaga mas immature pa ang nanay ko kaysa sa akin.

"O come'on! Umuwi ka na anak. Na mi-miss na kita." hirit pa nito. Ang sabi ko kasi dito noon, kahit isang taon lang dito, magiging okay na ako.

But the thing is, may trabaho na ako dito. I work as a designer.

I rolled my eyes.

For all I know, kaya lang naman ako pinapauwi ng nanay ko ay dahil magpapakasal ito...ulit...sa pang-apat na pagkakataon.

I sighed. "I'm going home, Ma. But you also have to understand that I have my work here." I told her. Totoo naman kasi iyon. Hindi ko maiwan-iwan ang trabaho ko. Hindi naman sa pini-pressure ko ang sarili ko.

Gusto ko lang na may ginagawa ako. Yung tipong uuwi at matutulog na akong pagod para wala na akong ibang isipin pa.

"Yes...I know that, that's why I called Amanda last night." sabi pa nito na tinutukoy ang best friend niya na may-ari ng botique na pinagtatrabahuan ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito.

"What? Anong sinabi mo?" I immediately asked.

"Well, I told her that Greg and I are getting married in three months time. At sinabi ko na gusto ko'ng ikaw mismo ang gumawa ng gown ko at lahat ng susoutin sa kasal ko." diretsahang sabi nito.

Laglag ang balikat ko'ng tumayo at tinungo ang kusina ng apartment ko.

"Ma naman, e. You know I still can't go home right now. Diba, alam mo naman ang rason?" I asked her. Napaiing ako ng ulo.

Huminga ako ng malamim bago siniksik sa pagitan ng pisngi at balikat ko ang telepono at binuksan ang refrigerator.

Kinuha ko ang pancake mix na ihahanda ko kagabi para sa almusal ko at inilagay iyon sa counter.

7am pa naman kaya may oras pa akong makapaghanda ng breakfast.

"Hindi ka parin ba nakaka-move on sa Gary na iyon? Shan naman, it's been three years already." maagap na sabi nito.

Yes, it's been three years already. I have moved-on too, pero as much as possible, I don't want to go back there.

Not yet.

I just moved-on...but, I'm still hurt.

Hindi ko alam na posible pala iyon. Naka move-on kana pero nasasaktan ka parin sa tuwing naaalala mo yun mga taong nanakit sayo.

"Ma..."

"I know. You don't want to talk about it. You don't want to talk about him. But, Shan... It's my wedding. At gusto ko'ng nandoon ka sa pinakamasayang araw ng buhay ko." my mom calmly said. She's obviously using her wedding for me to go home.

THE SECRETS OF LUCASWhere stories live. Discover now