Chapter 3 // Sniper

11 2 2
                                    

Samariya's PoV

Sabay kaming napalingon ni Killian nang sabihin 'yon ni Kean. She saw who?

"I saw the sniper," she softly said.

"Where?" tanong sa kaniya ng Kuya niya.

"In the opposite house. I was looking through the window when I saw him. When he turned his gaze on me and saw that I was looking at him, he quickly hide himself."

"Are you sure? Baka survivor lang din iyon at hindi ang sniper na tinutukoy ng Ate Samariya mo," saad ni Killian pero umiling si Kean

"I know what I saw Kuya," she replied. "He's holding his sniper that time."

"Nasaan ako nang oras na 'yan?"

"Downstairs, with Ate Samariya," sagot niya.

"You mean kanina lang?" He asked and she nodded. Nagkatinginan naman kami ni Killian dahil doon.

"I'll go back tomorrow to check," saad ko.

"I'll come with you," wika ni Killian.

"How about Kean?"

"She'll be safe here," I raised my eyebrow. "There's more danger out there. Trust me, she'll be fine."

"I'll be fine here, Ate Samariya," Kean smiled at me and so I smiled back and squished her cheeks.

Pagkatapos naming magtanghalian ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos. Pati na rin ang magiging higaan ni Killian ay inayos namin at magiging katabi ko naman si Kean sa kama.

It feels nice to have these two people around me. At least now I don't feel alone anymore because I have them.

***

"Stay here, okay? Don't go anywhere," bilin ni Killian kay Kean bago kami umalis.

"Babalik kami agad," Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya.

Ngayon ang araw na pupuntahan namin ang bahay na tinutukoy ni Kean. Walang kasiguraduhan kung andoon nga ba talaga ang sniper o wala. Pero wala namang masama kung susubukan naming tignan. Utang na loob ko sa kaniya ang buhay ko at malaking pakinabang siya para mas maging ligtas kami dahil marunong siyang gumamit ng baril.

Nang makalayo kami ni Killian ay muling bumalik ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa lugar namin kanina. Ito na naman siya, hindi p'wedeng hayaan ko ang sarili kong ganito dahil baka mapahamak kami. I can't space out in this kind of place. Tama na ang isang beses kanina.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Killian nang tanungin niya ako.

"Y-Yeah..." I heaved a sigh.

"Are you nervous? Afraid of what may happen to us out there?" Napatitig ako sa kaniya dahil sa mga tanong niyang iyon. "We'll be okay, isa pa nabanggit mo namang niligtas ka ng kung sino mang sniper na 'yon. You have nothing to worry about," aniya habang hawak ang magkabilang balikat ko.

"Uh, yes, you're right." I smiled awkwardly as I grab his hands and put it down.

Nauna na akong maglakad at nanatiling balisa pero alerto pa rin sa paligid ko. Tahimik namang nakasunod lang sa akin si Killian. Nang matanaw ko na ang kalsada ay napahinga ako nang malalim. We're here. It's time to find who the sniper is.

Naglakad kami pabalik sa bahay namin at pumunta sa kwarto ko kung nasaan si Kean nang makita niya ang sniper. Sumilip ako sa bintana para tignan ang katapat na bahay. Maayos pa ang pangalawang palapag pero may mga sira na ang baba. Basag na ang mga bintana at kitang magulo na rin ang mga gamit sa loob. Kung andoon nga ang sniper ay siguradong wala ng mga zombie sa bahay na 'yon.

RefugeWhere stories live. Discover now