Chapter 13 // Face to Face

3 1 0
                                    

Samariya's PoV

The next day I woke up in a good state. Matapos akong yakapin ni Killian kagabi na tumagal din nang ilang minuto ay hinatid niya na ako sa kwarto ko para makapagpahinga dahil lumalalim na ang gabi. I don't feel any discomfort around him, am not even having an awkward feeling to see him today.

"Good morning!" bati niya pagbukas ko pa lang ng pinto.

"Ang aga ako na agad gusto mong makita," biro ko pero ngumiti lang siya.

"Alexander told me that you guys will go out to find resources," sabi niya habang sumasabay sa aking maglakad.

"Are they ready?" tanong ko habang inaayos ang buhok para itali.

"Oo, ikaw na lang ang hinihintay."

"Okay, thank you." Ngumiti ako at nauna nang mag-lakad para makahabol sa mga kasama ko.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan silang naglilinis na kaya naman nanguha na lang ako ng isang prutas para iyon ang kainin. Hindi na rin kami nagtagal pa dahil sayang ang oras, mas magandang makaalis kami nang maaga para makabalik din agad.

Gaya ng dati, kaming lima nina Alexander ang magkakasama pero ngayon may dumagdag pang walo; sina Tiago, Samuel, Adrian, Andres, Ivan, Ismael, Enzo, at si Lorie. Mas gusto raw nilang tumulong para mas mapadali ang trabaho namin, mas ligtas din kung marami kami dahil mas malakas grupo.

Dalawang pick-up truck ang gamit namin papunta sa syudad, may pailan-ilan kaming nadaanang zombie pero hindi na namin pinagtuunan ng pansin dahil mabilis naman kaming nakakalayo. Ngunit hindi nagtagal iyon nang papalapit na kami sa sentro ng syudad.

It was as if we're in a different dimension. Parang kanina lang nangyari ang lahat dahil sobrang gulo pa rin. Mga sasakyang nasira dahil sa bungguan, mga nagkalat na mga bagay, natuyong mga dugo, at katawan ng mga tao. Hindi ba pumunta rito ang Morph?

"Be alert," I warned them because again, I don't feel good about this. Pag-alis pa lang namin, alam ko na agad na may mangyayaring hindi maganda.

We stopped at an empty parking lot near the market. Sinigurado naman muna naming hindi mawawala ang sasakyan namin bago kami umalis. "Remember that we only have to get valuable things. Nothing more, nothing less. But don't forget too that if we have to fight, we're going to fight for our lives."

Ayan ang huling bilin ko bago kami pumasok sa loob. Hinati ko ang bilang namin sa tatlo at binigyan ko ng gagawin.

Ako, Cyrus, Samuel, at Ismael – Clothes, hygiene kits, medicines, and energy resources

Alexander, Lorie, Gabriella, at Adrian – Food supplies

Tiago, Akira, Ivan, Andres, at Enzo – Tools for our place

Naghiwa-hiwalay na kami pagpasok upang gawin ang kaniya-kaniya naming gawain. Dumiretso kami sa clothes section at kinuha ang lahat ng magagamit namin. Kailangan pa rin naman naming magpalit ng mga suot namin para hindi kami marumi.

We also need hygiene kits for our health and also medicines. Isa pa kailangan talaga namin ng mga makakapal na suot para hindi kami agad maapektuhan kung sakaling makagat kami at mga bandages para sa mga sugat na matatamo sa pakikipaglaban.

Nang makuha namin lahat ay pumunta na kami sa supermarket kung saan naroon ang grupo ni Alexander. Siguradong kailangan nila ng tulong dahil sa kanila talaga ang pinaka-importante. Buti nga at kaunti lang ang zombies dito sa loob kaya madali kaming nakakaiwas. Sa tingin ko ay nagkalat talaga sa labas ang lahat para maghanap ng biktima.

Naabutan namin silang abala sa panguguha, halos lahat yata ay kinukuha na nila. Kaya para mas mapadali ang trabaho namin, inutusan ko na si Cyrus at Samuel na idala sa sasakyan ang mga nakuha namin para makatulong nang mas maayos dito. Tumulong agad kami ni Ismael kaya naging mas madali ang pagkuha namin. Hindi ko nga alam kung paano ito pagkakasyahin sa sasakyan gayong napakarami nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RefugeWhere stories live. Discover now