Chapter 23

12 0 0
                                    

Gian's POV

Everyday hinahatid sundo ako ni Patrick. Sabay din kaming nagllunch and everyday din siyang nagpapadala ng kung anu ano like flowers or chocolates. Sabi ko nga sa kanya hindi naman niya kailangang gawin yun pero mapilit talaga siya, gusto niya daw kasing punan yung mga panahon na nagkahiwalay kaming dalawa.

---

Nasa conference room ako ngayon, dealing with some clients. May gusto kaseng kumuha at gawin kaming supplier ng jewelries sa isang mall. Well, nakuha naman namin yung deal at nagkapirmahan na ng contract. After nun, bumalik na ako sa office ko.

May meeting pa pala ako mamayang 2pm for the release of new designs. Chineck ko naman yung mga kakailanganin ko sa meeting mamaya. Habang chinecheck ko yung mga presentations, may kumatok sa pinto. Bumungad sa akin si Iyah.

"Ms. Gian, andito po si lover boy." Sabi niya habang tumatawa. Nagwink pa siya sa akin. Napailing na lang ako sa ginawa ng sekretarya ko. Lakas din kaseng makapang asar nito.

Pinapasok na niya si Patrick sa loob. Tinignan ko lang siya habang lumalapit siya sa mesa ko. Haay... Sa araw araw ata na ginawa ng Diyos, lalong gumagwapo ang Mine ko.

"Maaga pa for lunch break Mine, why  are you here already? Kunot noong tanong ko sa kanya.

Narinig ko siyang tumikhim bago magsalita. "I want to be with you the whole day. Pwede ba akong magstay rito sa office mo?" Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why? May office ka naman ah."

"N-namimiss kase kita mine." Sagot niya sabay iwas ng tingin.

"May ginawa kang kasalanan?" Naniningkit yung mga mata ko habang tinitignan siya.

"Wala, I just miss you. Kanina kase, di mo ko pinapansin. Nakatutok lang yung tingin mo sa papers na hawak ko kanina." Nakasimangot na paliwanag niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Sorry na, madami lang kase akong ginagawa for today. Si kuya kase ayaw akong tulungan, training ko na daw to pag nagretire na si papa." Niyakap ko na siya.

Niyakap niya rin ako, idang sobrang higpit na yakap. "Naiintindihan ko, miss lamg talaga kita mine." I kissed him. Smack lang. "I love you!"

Namula naman si Patrick sa ginawa ko kaya naman lalo ko lang siyang inasar. Dinadampian ko siya ng mumunting halik sa kanyang  mga labi, hinuhuli naman niya yung labi ko kaya mas lalo ko siyang inasar pero sadyang mabilis lang din kumilos si Pat kaya ayun, nahuli at hinalikan niya ako- a passionate one.

"I love you. I love you so much!" He said.

"Mahal na mahal din  kita." Sagot ko naman. Niyakap niya ulit ako. We stayed like this for a few minutes ng maalala ko na madami pa pala akong tatapusin.

"Mine..." Tawag ko sa kanya.

"Hmmm..."

"May tatapusin pa pala ako." At humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Okay, dito din muna ako mine. Dito muna din ako magtatrabaho." Nakangiting saad  nito. May magagawa pa ba ako? Tsaka gusto ko din naman siyang kasama, nakakawala kase ng pagod.

"Sure Mine! I love you!"

"I love you too."

"I love you more and more and more." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"I love you mine. Haha. Huwag ka ng sasagot, may tinatapos ka pa oh "

"Opo" At sinimulan ko na ding magtrabaho, ganun din siya.

Officially Missing youWhere stories live. Discover now