Chapter 22

13 0 0
                                    

Gian's POV

Tama ba yung desisyon ko? Dapat ko ba siyang pahirapan? Pero wala naman siyang kasalanan diba? Aksidente lang naman lahat diba? Pero aaminin ko, may takot pa rin ako.. What if hindi ako gusto ng daddy niya? What if si Reg talaga? What if-

Biglang nagvibrate yung cellphone ko. May mga text messages roon. Si Coco at Patrick. Una kong binasa yung kay Patrick

"Good morning Mine! Eat your breakfast okay? I love you!"

Nagreply naman ako kaagad. "Good morning din. Opo mine, kakain na. Ikaw din ah? I love you more!"

Sent!

Pagkasend ko agad nagring yung phone ko, may tumatawag si Patrick...

Sinagot ko yung tawag niya.

"He-"

"I love you Mine! I love you so much! Miss na kita kaagad."

Di ko alam pano magreact but I found myself smiling. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lakas talagang magpakilig nito. Aish.

"Hello? Andyan ka pa ba? Mine?"

"A-ah oo a-andito pa ako."

"Why are you stuttering? Ok ka lang ba? May sakit ka ba? Pupuntahan kita diyan."

"No! I-Im fine."

"I'l be there in a minute." Then he ended the call.

After a few minutes, andito na nga siya sa bahay. "Okay ka lang ba?" He asked. "Oo, okay na okay lang ako." Sagot ko naman.

"Bakit kase nagsstatter ka?" Tinignan niya ako. Yumuko naman ako kaya iniangat niya yung mukha ko. "You're blushing." Sabay kurot sa ilong ko. "Now I know." Natatawa niyang sagot . Niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you." Bulong ulit niya.

After naming maglambingan, napagpasyahan na din naming umalis.

"Hatid na kita Mine."

"Huwag na, baka ikaw naman ang malate niyan?"

"Hawak ko oras ko mine." Nakangiting saad nito.

Napailing na lang ako sa sagot niya. Ano pang sense ng pakikipagtalo sa kanya, di naman ako mananalo. "Haay. The perks of being a CEO, right Mine?" I said. Tinawanan lang ako at hinalikan sa lips. Smack. Kahit kailan talaga lakas makapakilig ng lalaking to.

Nakarating naman kami kaagad sa company, gusto pa nga niyang ihatid ako sa mismong opisina pero sabi ko na huwag na lang.

"Mine... Hatid na kase kita."

"Huwag na... Malelate ka na oh."

"It's fine with me. Please?" Pangungulit niya.

"No."
"Yes"
"No"
"Yes"

"Patrick.' I said in a warning tone. Ang kulit talaga.

"Okay. Hindi na kita ihahatid." Then he stop the car sa may malapit sa kumpanya.

"Bye mine. Sabay tayo maglunch okay?"

"Opo. Saba-" Napatigil ako sa pagsasalita. Pagkaangat ko kase ng ulo ko, sobrang lapit niya sa akin, as in. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Why?" Natatawang tanong niya. Napatingin ako sa labi niya. Shit! Pakiramdam ko namumula ako. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niya akong halikan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako kaagad nakagalaw. Akmang titigil na siya sa paghalik ng ilagay ko yung mga kamay ko sa batok niya and then, I start kissing him. Naramdaman ko yung pagkabigla niya pero saglit lang yun, naramdaman ko din yung pagngiti niya habang naghahalikan kami.

Officially Missing youWhere stories live. Discover now