Chapter 2 : Cara's decision

6 0 0
                                    

Fast Forward....

__________

Malapit na pala mag Valentines at naisipan kong maggupit gupit ng kung anong maigupit.Naisip ko kung kanino ko ibibigay kung gagawa ako.Kay Nanay? Wag na,sawa na yun sa mga love letter,tuwing okasyon ba naman bibigyan ng tatay ko pati nga walang okasyon may natatanggap siya.Maiba naman tayo para kay nanay.

"

Nak,nandito si Angela" minamalas ka nga naman,nandito na naman yan para sumagap ng chismis o may dalang chismis.

"Caraaaaaa" hays, makasigaw daig pa gumamit ng mikropono. "Beshyyyyy" aba umulit pa.

"Oh,ginagawa mo dito? May chismis o sasagap ng chismis?" Bigla akong hinampas ng bruha. "Aray ha,inaano ka ba?" tugon ko nang hinampas nya ko sa braso.

"Chismis agad? Hindi ba pwedeng namiss lang kita?"sabi ni ng gelang bruha." Weh, neknek mo gela. Kailan mo pa ako namiss eh araw-araw mo nga ginugulo buhay ko." sagot ko habang naggugupit ng hugis puso na papel.

"Uy uy,anong meron? Bakit may hugis puso?" Hindi ko siya sinagot at patuloy parin sa paggupit.Hindi naman niya naalalang malapit na Valentines.Hmm,napaisip tuloy ako kung kanino ko ibibigay to. Hehe.

Nang mapansin ni Gela na busy ako sa ginagawa ko pilit niya kong pinaharap sa kanya at pumalag naman ako" Ano ba kita mong may ginagawa ang tao eh"

"Ay ganyan kana beshy? Di mo na ako lab?" pagmamaktol niya sabay pout. "Tumigil ka nga di bagay sayo HAHAHAHAHA " tawa ko ng makita siyang ngumuso.Napairap ang bruha.

"Ay teka, may sinabi pala si Shiela na may practice sila for youth sa Church nila malapit lang naman dito e. Tara attend tayo" sabi niya habang nag-aayos ng ginupitan ko na mga construction papers.

"Pwede ba yun? Hindi naman ako Born Again,duh" sagot ko, hindi naman kasi pwede baka magalit sila mama at tska nahihiya ako no.Naalala kong lagi pala ako pumupunta doon para maglaro at may nakalaro nga ako non e, pero di ko na maalala sino yun.

"Oo naman, Catholic din ako remember? Tska aattend lang tayo hindi naman magpalit ng religion" may point naman ang babaeng to. "At isa pa,kamag-anak mo rin naman sila Shiela kaya okay lang yan beshy"
Napatawa ako,Shiela is my third degree cousin o maybe tita niya ako,since the mother of her grandmother and my grandmother are sisters.Bale yung Lola ni Shiela at Papa ko ay magpinsan.Gets niyo ba?

At hindi lang dahil sa kadugo ko sila, pupunta ako kasi baka doon ko na mahanap si the one,char. HAHAHAHA naisip ko tuloy yung kantang Tagpuan ni Moira "Noong nakita kita sa tagpuan ni Bathala,may kinang sa mata ng hindi maintindihan"

"Oh sige,gora" Pumayag na ako since gusto ko rin magkaroon ng experience at curious din ako kung ano ginagawa nila.

CHURCH WAS A MEETING PLACEWhere stories live. Discover now