Chapter 1 - Crush At First Sight

15 0 0
                                    

Chapter 1

__________

CARA's POV

"Caraaaaaaaa,umaga na late kana naman" sino ba yun? Amp ang ingay natutulog pa ang tao eh.

"Hoy,di ka talaga babangon dyan? Jusko kang bata ka malapit na mag 8 o'clock ,maliligo kapa!" napalingwas ako ng bangon, itong nanay ko talaga ang aga-aga nagrarap na naman.

"Bumangon na nga oh diba!" Irita kong sagot sa nanay ko.

"Aba,sumagot ka pa. Maligo kana at kakain ka pa" sabi ni nanay sabay lumabas ng kwarto.

Natatawa nalang ako kay nanay kahit ganyan yun,mahal na mahal ko yun.Sanay na ako sa kanya kaya keri langs HAHAHAHAH.

Nagligpit ako ng higaan ko at pumunta ng banyo.Ay teka,nakalimutan ko tuwalya ko nasa sampayan pa!

"Nay,pakikuha naman ng tuwalya ko oh" sigaw na utos ko kay nanay.

"Juskong batang ito" napangisi nalang ako kay nanay na nasa labas,papunta na siya dito sa kwarto ko. "Oh ito na! Bilisan mo riyan"

"Salamat nayyy,you're the best HHAHAHA " nagflying kiss pako kay nanay bago pumasok ng banyo.

________

Naglalakad nako papuntang school since malapit lang naman.I think 10 minutes distance sa bahay namin.Nasa gitna nako ng paglalakad ng may dumaang motor na may sakay na poging lalaki sa likod ng isang may edad na lalaki at babae parang parents niya.Tumingin ako sa kanya ngunit siya ay diretso lang ang tingin sa direksyon na pupuntahan nila.

I was stunned to speak, who is that guy? Ang gwapo niya at kalokalike niya ang idolo kong artista na si Daniel Padilla,ang neat ng suot niya at ang lakas ng appeal.

Habang nasa klase ako di ko maiwasang di mapaisip ang lalaking iyun.Ano kaya pangalan niya ? I think ka edad ko lang siya eh. Saan kaya siya nakatira? HAHAHAHA

"Hoy Cara! Anong iniisip mo dyan at di ka nakikinig?" bulong ni Angela, kaibigan ko na kaklase ko rin inshort childhood friend ko.

"Wala,mamaya nalang,ginugulo mo pag-iisip ko" suway ko kay Angela at kunwaring nakikinig kay teacher.

"Aba,kailan kapa naglilihim sa akin?" Anak ng,ang kulit naman ng babaitang ito. Di talaga magandang impluwensya sa katulad kong never pa na-guidance.

"Shhh,mamaya nalang.Itikom mo nga yang bunganga mo." Bulong ko sa kanya kasi baka marinig kami ni Ma'am Joy, isang terror teacher namin.

"Students at the back! Are you listening or not? " nabigla kami ni Angela sa sigaw ng teacher namin, at sabay kaming napatingin sa kanya na sa amin pala nakatingin.

Sinipatan ko si Angela with a look na 'sabi ko sayo e'.

Itinuon ko nalang atensyon ko sa harap at bahagyang nakikinig sa discussion ni ma'am about subject na Math. Hays,kapag usapang Math talaga napakahina ko. Naalala ko nalang noong Grade 6 pa ako at ako ang pinadala sa MTAP kahit bobo ako sa subject na yan.Eh kasi naman nagkasakit yung top 2 namin na si Jenny kaya ako ang ginawang substitute ,eh top 4 lang ako sa klase.Well,tatlo naman kami non,yung pang Top 1 at Top 3 oh dba? Pang apat ako?char.

CHURCH WAS A MEETING PLACEWhere stories live. Discover now