Unravel That Thread Called Fate

93.9K 2.4K 701
                                    

Bloody Crayons
Unravel That Thread Called Fate
---------------------------------------------------------

Jerard

Tama ba yung desisyon ko na iwan si Kyamiing nagdurusa? Tama bang maduwag ako? Tangina naman kasi. Bakit ba sobrang mapaglaro ng buhay?

Kung sino pa ang dapat hindi paglaruan, yun pa ang pinaglalaruan. Kung sino ang mga hindi naman kailangan ng lipunan yun pa ang nagtatagal na mabuhay. Parang nanggagago. Parang nananadya.

Mahirap daw mamatay ang masamang damo. Kagaguhan.

Ni hindi nga ata totoo yung sinabi ng teacher ko nung high school. Nature runs a restaurant called 'KARMA'. It's a place where there is no need to place any order. You're automatically served what you deserved.

Automatically served what you deserved? Bullshit. Kung talagang automatic yun, kung talagang totoo ang karma, bakit buhay pa yung killer? Diba dapat nakarma na siya? Diba dapat buhay pa si Kyamii?

Diba dapat... Tangina talaga. Bakit ngayun ko pa napiling umiyak? Kailangan kong maging malakas eh. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan ko.

Kailangan kong maipaghiganti si Kyamii.

Kung hindi kaya ng karma, ako ang magiging karma. Ako ang gagawa nang paraan para magbayad siya. Kung sino man ang killer sa amin, nabibilang na ang mga panahon niya. Ako ang tatapos sa killing spree niya. I will stop this madness.

Kasalukuyan kong tinutuyo ang mga luha ko nang marinig ko silang sumisigaw. Shit. Wag mong sabihing umatake nanaman ang killer?

Inisip ko kung saan nanggaling ang tunog. Mukhang nanggaling ito bandang ibaba ng resthouse. At isa lang ang lugar na alam ko na pwede nilang puntahan. Sa basement.

Dali dali kong tinakbo pababa ang hagdan papuntang basement. Pipito nalang kami. Ayaw ko nang mabawasan pa yun. Seryosohan na to. Seryoso na ako.

24 hours.

Masasagot ko tong laro niya within 24 hours. Sawang sawa na ako sa laro niya. Habang hindi ko pa siya natatanggalan ng maskara, maghanda handa siya. Kung may diyos pa siyang pinapaniwalaan, magdasal dasal na siya.

"Ano nangyari? Bakit kayo humiyaw?" humihingal kong tanong. Medyo malayo layo rin yung tinakbo ko.

"Ikukwento ko sayo mamaya. San ka ba nagpupupunta pre?" saan nga ba ako nagpunta? Sasabihin ko ba na habang naghihirap ang girlfriend ko nanduon ako sa labas at nagsesenti? Na hinayaan kong magpakaduwag ang sarili ko? Aaminin ko bang umiyak ako?

"Ah, wala." In the end wala nalang ako sinabi. Sikretong malupit ko yung kahinaan kong iyon. Kailanman hinding hindi ko sasabihin.

Papunta na kami sa attic para kunin ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ko pero nanghihina parin ako. Kaya ko bang makita siyang wala ng buhay at isa na lamang malamig na bangkay?

Pinilit kong patigasin ang kalooban ko. Kakayanin ko 'to para sa kanya. Gagamitin kong pangdrive sa galit ko ang imahe ng bangkay niya. Hinding hindi na ulit ako magpapakahina pa. Magiging malakas ako para sa kanya. Hanggang nasa isla kami, wala akong karapatang magpakita ng kahinaan.

"Nakakita kami ng mata dun sa bintana sa basement." Pukaw ni Kenly sa attention ko. "Si Olivia. Ngayon sigurado na akong si Olivia siya. May nunal siya sa bandang taas ng kanang mata niya at naaalala akong may nakita ako nun na nunal sa kanang mata."

Napaisip ako sa narinig ko. "Pero tol, patay na si Olivia. Panong nasa labas siya?" takang tanong ko.

"Yun nga. Ikaw, alam kong marami kang alam sa mga ganitong bagay. Kung ikaw si Olivia, pano mo pepekein ang pagkamatay mo?"

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon