The Prelude Wrapped In Darkness

106K 2.7K 976
                                    

Bloody Crayons
The Prelude Wrapped In Darkness
---------------------------------------------------------------------------

Mai

"Guys sa tingin niyo, sino ang pumatay kay Olivia?" narinig kong tanong ni John. Nakahiga na kami ngayon sa kwarto at naghahanda nang matulog. Kaso alam ko namang hindi kami makakatulog agad agad. Hindi dahil sa may namatay kundi dahil sa nasa bingit rin ng kamatayan ang nga buhay namin. It's amazing how much fear can do.

"That's a very loaded question John." Sagot ko.

"I agree. Parang ang hirap sagutin ng tanong mo John." Segunda ni Richa.

"Pero may point si John, alam naman nating lahat na may pinagsususpetyahan tayo." Kalmadong sabi ni Justin.

"Exactly my point. At tignan niyo, ang problema kasi satin, magisa nating sinosolve yung challenge nung killer. Minsan kaya itry nating pagsama samahin yung mga ideas natin at tignan natin kung ano ang logical at hindi?"

"Hmm, you have a point there. So, do you think this is the right time?" tanong naman ni Kyamii.

"Why not? Kahit naman siguro hindi natin sabihin, tatlong tao lang ang suspects natin." I guess it's the leader inside John that is talking right now. He's the university's Student Government President. Natural na sa kanya na magtake ng role ng leader. Idagdag mo pang napakatalino niya.

At tama siyang tatlo lang ang suspects namin. Kyle, Kenly, April.

Kasi kung sino man ang pumapatay, nasa kanila lang tatlo. Dahil kaming natitirang sampu, nanduduon sa sala at nagiscrabble. Imposible naman sigurong pumatay ng nasa second floor kung ikaw ay nasa first floor. Dagdagan mo pang napapalibutan ka ng mga tao.

"I'm sold." Sabi ni Kyamii. "April."

"Kenly." Sabi naman ni Justin.

"Si Kyle at April." Napataas ang kilay ko ng narinig ko yung sinabi ni John. Dalawa? Pero diba isa lang yung killer? Pero tama nga bang pagkatiwalaan namin yung mensahe ng killer?

"Silang tatlo." sabi ni Kiko sabay punta dun sa upuan na malapit sa kumpol namin. Nanahimik lang yan kanina pero nakikinig din pala.

"Kyle and April." Mukhang parehas sila Richa at John.

"Kenly naman sakin." Sagot ko narin.

"Okay. Kenly got 2 votes. April got 1. Two voted na magkasama si April at Kyle at isa naman ang nagsabi na tatlo sila ang magkakasama." John paused to jot all of that on a piece of paper. "Kyamii, bakit mo nasabing si April?"

"Simple, sa iksi ng lapse ng pagsigaw ni Olivia at sa pagdating natin, I doubt na kaya pang magtago nung pumatay. Kaso, kung iisipin natin ng mabuti, kung icoconsider natin yung alam natin sa killer at kung sasabihin nga nating si April ang killer, bakit niya ijejeopardize ang sarili niya? Alam nating matalino ang killer kaya bakit parang gumawa siya ng katangahan kung si April nga siya." Ano ba yan, pati tuloy ako naguluhan sa sinabi ni Kyamii. "So hindi parin talaga ako makapagdesisyon."

"I see, medyo nagcocontradict nga ang sinabi mo. Ikaw Justin. Why Kenly?"

"Simple lang din, kung yung killer nga ang nagsabotahe nung speedboat at nung telepono, maraming time si pareng Kenly para isagawa yung mga yun. Pero kung nagpapanggap nga lang talaga sila April at Kyle, di hamak na mas marami silang time para isabotahe ang communication at means of escape natin."

"Contradictory din, pero pwede nang intindihin kasi parang ganun din yung theory ko. Kung tutuusin, pwedeng nagpapanggap lang si April na may sakit siya para magkaroon ng rason para mapunta siya sa kwarto. Tapos hihintayin nilang magsolo si Olivia para maatake nila siya. Si Kyle ang maghahawak at pipigil sa pagpupumiglas ni Olivia dahil mas malakas siya at hula ko, si April naman ang may gawa ng panghihiwa. Kung titignan nating mabuti, napakabrutal nang pagpatay kay Olivia at si April lang ang sadista sa ating grupo." Parang may mali. Pano kung hindi pumunta si Olivia sa kwarto? Edi walang silbi yung plano. "Ikaw Kiko, bakit mo nasabing tatlo silang gumawa?"

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon