3

215 10 5
                                    

Habang tinatahak ko ang locker hallway, hindi ko maiwasan ang hindi mapataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang mga kilala kong social climber dito sa school.

Yes, stalker ako at hobby ko yon. Sa boring pa naman ng buhay ko ano ba ang pwede ko pang gawin para malibang ako?

Magaling akong mang stalk lalo na kung interesado ako sa isang tao. Lalo na kung may pitik kang ambag sa buhay ko.

May ilan pala dito sa school ang mga mahihirap at ginagapang lang ng mga magulang nila ang tuition fee, ang iba naman scholarships and sponsorship ang nagpapa-aral sa kanila at tumutulong.

Ngumiti ako nang marinig ang boses ng isang kilalang maganda rin at active dito sa school. Maraming boyfriend at halos lahat mayayaman ang pinipili nya, yun bang number one ata sa standard nya ang dapat mayaman ka afpra maging Girlfriend mo sya.

"sa bahay nina David ang party this Saturday, i want to see you there" namimigay sya ng invites sa ilang kilala din sa school.

Kaklase sya ni Pau at senior ko, pero kumpara kay Twin, ang layo ng pagitan nila, mula kutis, ganda, talino at kayamanan.

"sitti maybe you want to come?" nakangiti nyang sabi sa akin habang hawak ang mga invites sa kamay nya.

Ngumiti din ako at umiling, "may tutorial lesson ako every Saturday night, thank you"

"awww, sorry" maarteng sabi ng katabi nyang anak ng isang politician.

"okay" tumalikod si Honey kasama ang mga kaibigan nya at nagpatuloy sa pamimigay ng invites sa mga piling estudyante lang.

"oh, Adam is coming" sabi ni Lily.

Napalingon ako sa pinsan kong hawak ang phone at suplado ang mukha. May headphone sa tenga at parang walang naririnig.

Napataas ng isang daku ng kilay ko napatukod sa pintuan ng locker ko.

"invite mo, please?" namumula ang pisngi nya habang kaharap si Honey.

"Smith, may house party kami baka gusto mong pumunta?" si Honey.

Umiling si Adam. "thanks but no thanks" sabay taas ng kilay nya at talikod sa grupo nila.

"Adam, punta ka naman" ani ng isang babae. "almost all your friends are coming" si Megan.

Huminto si Adam at nilingon sila, lalo na sya.

"sorry, I cant" ngumiti si Adam. "walang bantay ang girlfriend ko sa tutorial class nya" ngumiti sya at tumalikod.

Nagtama ang mga mata namin. Napakunot ako ng ilong at umirap. Gago!

Dumiretso sya sa locker area ng grade 9. I know for sure. Nang-iinis lang ang gagong yon.

Pagkasara ko ng locker ko. Huminto si Jessica at inis na naman akong inirapan. Kilala sya sa paiba-ibang lalaki ang nakakadate at kasama sa bawat post nya sa social media. Modelo sya at nakailang runways narin sa mga mall shows. Half american kaya matagkad at maganda. Biatch nya lang!

Mainit ang dugo nya sa akin, kaya sa tuwing nagtatagpo kami, nasisira talaga ang araw nya sa presensya ko. Mula elementary naissue na ako ang crush ng super crush nya noon. Hanggang ngayon, hindi parin humuhupa ang galit nya sa akin.

Anong magagawa ko, eh mas maganda naman talaga ako keysa sa kanya. Oo, mas matangkad sya pero di naman hamak na mas maganda ang kutis at kinis ng mukha ko kumpara sa retokado nyang mukha.

Padabog nyang binuksan ang locker nyang nasa tabi ko. Sumandal ako at napatitig sa kuko ko. "easy girl, baka masira yan"

"are you talking to me?" inis nyang tanong.

Someday We'll KnowWhere stories live. Discover now